Chapter 23

27.1K 1K 277
                                    

Agatha's POV


Habang nasa daan kami, tinuturo lang ng paper gam ang mga direksiyon na dapat naming daanan. Kung diretso ba, kailangang kumaliwa o kumanan.


Ngayon, nandito kami sa medyo mapunong lugar. Tahimik ang paligid at halatang hindi ito sibilisado. Wala kang makikitang bahay sa paligid, isang bundok na inaalihan ng parang hamog ang natatanaw namin mula sa malayo. Nandoon na nga kaya nakatago ang libro?


Ilang saglit pa, biglang nagkulay pula ang paper gam kaya kinabahan ako.


"Guys, may panganib yatang paparating," turan ko.


Inihinto muna saglit ni Aaron ang aming sakyan para makiramdam sa paligid.


"Aaa!" sigaw ni Nikka. Nakaturo siya sa may labas sa direksiyon ng isang malaking puno.


"May taong mukhang unggoy sa labas!" anas niya.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin sapagkat isa-isa silang nagsisilabasan habang nakadungaw sa mga puno.


"Paper gam, ano ang dapat naming gawin?" saad ko.


Labanan sila. Iyon ang mensaheng ibinigay nito habang nasa kulay pulang antas pa rin. Wala talaga kaming kawala.


"Guys, mukhang heto na ang pagkakataon para magamit natin ang sandatang ibinigay sa atin ni Joan kaya humanda kayo," pahayag ko habang inaayos ang aking sarili.


"Mukhang tama ka nga, Agatha," segunda ni Aaron.


"Hindi ko alam kung isa ba itong pagsubok para sa atin o ano. Basta, kailangan natin silang matalo," dugtong ko pa.


"Kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano sila labanan," giit ni Nikka na tila ba nangangatog sa kaniyang kinauupuan.


Maski ako, hindi ko alam kung paano sila lalabanan. Wala pa akong karanasan kung paano lumaban pero buhay namin ang nakataya rito kaya hindi kami dapat panghinaan ng loob.


"Let's do it, guys!" sambit ko sabay labas sa aming sasakyan.


Pagkababa ko, unti-unti kong naaninaw ang itsura ng aming makakalaban. Hindi sila mga ordinaryong nilalang.


Sila'y may wangis ng isang tao ngunit ang kanilang ulo ay parang sa unggoy. Mayroon silang pangil na kagaya sa isang leon. Ang kanilang kamay ay mayroong mahaba at matutulis na kuko. Wala silang sapin sa paa. Wala rin silang damit pang-itaas at sila'y mga nakabahag.


Biglang umatungal ang isa sa kanila na parang alulong ng isang asong lobo. Maaaring iyon ang hudyat ng kanilang pinuno para umatake kaya inihanda ko na ang aking sarili.


Inilabas ko mula sa loob ng aking bulsa ang bolang aking napili na kulay lila.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon