Special Chapter II

15.4K 549 103
                                    

Morixette's POV


Isang buwan na ang nakalipas nang makita kong muli si Eder sa may palengke. Matapos iyon, hindi ko na siya nakita ulit dahil naging abala ako sa pag-aayos ng aking papeles para makapag-aral ulit.


Isang taon na lang sa high school ang kailangan kong matapos para makatungtong sa kolehiyo. Ayoko namang magmukhang mangmang dahil wala akong natapos. Ayokong mayapakan ng mga tao lalo na 'yung kaawaan nila.


Hangga't kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, gagawin ko. Soon, mga after five years siguro, kapag nagpakasal at nagsama na sina Ate Rox at Kuya Mark, kailangan ko nang maging independent. Hindi naman habang buhay akong aasa sa kanila.


Sa susunod na buwan na ang enrollment sa eskwelahang malapit dito sa amin. Nakapag-inquire naman na ang mga kasama ko sa unibersidad na papasukan nila. Ang bilis ng panahon dahil magiging estudyante na kaming lahat ulit. Nakaka-miss...


Panibagong pakikitungo na naman ang aking kahaharapin. Na-miss ko tuloy bigla ang mga kaibigan ko noon. Kahit wala na sila sa mundong 'to, hinding-hindi naman sila mawawaglit sa puso ko. Tunay silang kaibigan at hindi matutumbasan ninuman ang aming mga pinagsamahan.


"Napakainit talaga ngayon, hay..." bungad ni Nikka matapos makapasok sa loob ng aming apartment. Nagpupunas siya ng pawis habang nasa likuran niya si Ate Ginny at bitbit-bitbit nila ang kanilang pinamili.


"Morx, ikaw na ang bahala sa pinamili namin ni Nikka," saad ni Ate Ginny habang pinapatong ang kanilang pinamili sa may lamesa.


"Sige po, magpahinga na muna kayo. Gusto n'yo ba ng tubig?" alok ko.


"Hindi ako tatanggi riyan," segunda ni Nikka. Nakaupo na siya sa sala habang nakatutok sa may electric fan.


"Sure," ani Ate Ginny.


Tumungo na ako agad sa kusina para kumuha ng tubig.


Maagang pumasok sina Kuya Mark, Ate Roxette at Agatha dahil maaga ang shift nila. After lunch pa naman ang pasok nina Ate Ginny at Nikka kaya nagawa pa nilang dumaan sa palengke.


"Heto na 'yung tubig n'yo mga madam," turan ko. Kaagad ko namang iniabot sa kanila ang tubig na malamig pampapawi uhaw.


"So refreshing..." sambit ni Nikka pagkatapos lagukin ang kaniyang inumin.


Mabagal namang uminom ng tubig si Ate Ginny dahil tila ba malalim ang kaniyang iniisip. At dahil doon, naisipan ko munang tumabi sa kanila para makapagpahangin na rin.


"Ang haba talaga ng buhok mo girl," pagsingit ni Nikka sabay haplos sa buhok ko.


Nanlaki ang mga mata ko dahil sa itinuran niya. Wala akong ideya kung ano ang nais niyang ipahiwatig.


"Hindi ko kinaya, bes. Nakita namin kanina si Eder sa palengke. Trabahador siya ni Aling Dina..." pahayag ni Ate Ginny habang nakatingin sa kawalan.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon