Chapter 38

25.5K 938 250
                                    

Agatha's POV


Lumaon na ang tatlong minuto na palugit namin para matalo siya ngunit nabigo ako, kami. Hindi ko napuntirya ang bagay na iyon sa kaniyang noo. Sadyang malakas nga siya. Ano pa bang alas ang mayroon kami para matalo siya?


Nakita ko ang panlulumo ni Rox at tila ba ayaw na niyang lumaban. Naupo na lang siya sa may putikan at binitiwana ng kaniyang sandata habang nakatingin sa malayo. Hindi puwede 'to, hindi siya dapat sumuko.


"Rox, tumayo ka riyan! Huwag kang sumuko! Hindi pa tapos ang laban!" sigaw ko. Kailangan kong mapalakas ang kaniyang loob, tiyak na hindi ko ito kakayaning mag-isa.


"Isipin mo na lang ang mga taong naniniwala sa atin! 'Yung kapatid mo, kumikilos din siya para kalabanin ang tatlong maria!" dugtong ko pa.


"Para sa mga buhay na nasayang... Tumayo ka para na rin sa mga magulang mo! Roxette! Lumaban ka!" pagduduldulan ko sa kaniya.


Lumingon siya sa akin at saka nagpakawala ng isang ngiti. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot na nararamdaman. Ilang sandali pa, tumayo siya at tumindig.


"Patawarin mo ako, Agatha. Hindi ako dapat magpadala sa emosiyon ngayon, kailangang lumaban..." aniya at biglang nagliwanag ang kaniyang sandata. Nag-goglow at naglalabas ng liwanag na kulay kayumanggi.


"Pinagbigyan ko na kayo para sumuko pero binalewala ninyo lang. Mas gusto n'yong masaktan kaya sige, ipapalasap ko sa inyo ang nais n'yo!" saad ng aming kalaban at saka pinakawalan ang kaniyang abmob lios sa direksiyon ni Rox. Sa direksiyon ko naman, pinagpatuloy niya ang pagmamanipula sa thorn soil.


Sabay niyang minamanipula ang dalawang iyon ngayon. Wala naman kaming nagawa ni Rox kundi umiwas pa rin.


Nagtaka akong bigla dahil bigla niyang itinigil ang pag-atake sa akin.


"Rox, alerto! Ikawa ng puntirya niya!" sambit ko.


Biglang pinakawalan ng aming kalaban ang abmob lios niya patungo sa direksiyon ni Rox nang buong lakas. Napaupo si Rox sa lupa dahil sa mabilis nitong pagbulusok sa kaniya. Tiyak na sinadya iyong ng pinuno.


"Mamahinga ka muna sandali," pahayag ng pinuno saka minanipula muli niya ang abmob lios para tumbukin na talaga si Rox.


Hindi alam ni Rox ang gagawin kaya pinagdikit na lang niya ang kaniyang arnis sa pormang ekis saka pumikit. Nanlaki ang mata ko dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kaniyang sandata. Bigla itong tumigil sa pagliliwanag at biglang pinakawalan ang ekis na marka mula sa kaniyang sandata bago uli ito nagliwanag muli.


Napapikit ako dahil sa tindi ng liwanag na iyon. Nagkadaupa ang abmob lios at ang ekis na enerhiyang nagliliwanag at ito'y lumikha ng isang pagsabog. Nadaig ng sandata ni Rox ang abmob lios ng kalaban kaya napangiti ako. Medyo nabuhayan ako ng loob nang dahil doon.


"Hindi maaari, paano niya natalo ang abmob lios ko?" saad ng pinuno na napatulala bigla. Nagsimula na muling magliwanag ang kaniyang noo kaya tiyansa na namin ito.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon