Special Chapter III

20.5K 623 134
                                    

Morixette's POV


Nawindang ako sa pagbungad ni Eder dito sa labas ng bahay. Kinakabahan ako na ewan.


"O? Bakit ganiyan ang ekspresiyon mo? Mukha ba akong banyo?" usal ni Eder.


Para akong binuhusan ng tubig na malamig dahil mukha akong natatae sa harapan niya. Ang epic ko talaga, syaks!


"Grabe ka naman, hindi naman sa gano'n," sambit ko sabay tapik sa kanang braso niya.


Infairness, ang tigas ng maskels niya. Kasing tigas ng paninindigan niya. Hihi. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.


"Aba, nagawa mo pa akong tiyansingan. Kababae mong tao tapos ganiyan ka. Mas gusto siguro sa akin?"


Nanlaki ang mga mata ko matapos kong marinig ang mga katagang iyon. Hindi naman ako manyak. Syaks, ang baboy ng utak niya!


Tapos, pagbibintagan pa akong may gusto ako sa kaniya? Hello?! Hindi niya puwedeng malaman iyon! Nakakahiya!


"Biniro ka lang, hindi ka na makapagsalita. May gusto ka nga siguro sa akin, joke!" hirit pa niya. Idinagdag pa niya ang pagkagat sa kaniyang lower lip kaya naiinis ako sa pang-aakit niya.


"Ewan ko sa 'yo, baliw ka!" giit ko. Humalukipkip ako sa kaniyang harapan na wari mo'y nagsusungit.


"Oo nga pala, napadaan lang ako rito para dalhin 'yung longganisa na in-order kanina ng dalawa mong kasamahan. Naubusan kanina sa palengke kaya inutusan na lang ako ni Aling Dina na dalhin dito 'yung order nila," paliwanag niya.


"O, tapos?" pagsusungit ko habang nakataas ang isa kong kilay.


"E 'di tapos na..." aniya.


Kung hindi ko lang talaga gusto 'yung ugok na 'to, kanina ko pa siya binatukan.


"Tutunganga ka na lang ba sa harapan ko? Hindi mo ba 'to kukuhanin?" dagdag pa niya habang nakaturo sa tangan-tangan niya.


"Bakit parang ang dami namang longganisa na binili nila Ate Ginny? Ano ang gagawin nila riyan?" saad ko.


"Huwag mo sa akin itanong, sa kanila. Hay," ani Eder sabay buntong-hininga.


Nabigatan na yata siya sa bitbit niyang limang kilong longganisa kaya ibinaba na niya iyon sa may pintuan.


"Bayad na nga pala iyan. Ge, una na 'ko," pahayag niya sabay talikod sa akin.


"Uy, sandali!" pagpigil ko sa kaniya.


"May nakalimutan ka pa bang sabihin?" mahinahon niyang sambit.


"Ahm, wala naman. Sorry nga pala kung nangalay ang kamay mo dahil sa hindi ko pag---" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla naman siyang sumigunda.


"Wala iyon. Napagod ka rin naman sa pagtitig sa katawan ko," aniya sabay takbo palayo.


"Hindi gano'n iyon, Eder! Argh!"


Hindi ko napansin na napansin niya pala ang nakakahiyang bagay na iyon. Hindi na talaga ako uulit!


Nakakahiya ka, Morixette!


---


Elmo's Note


Hello, tapos na ang AlphaBaKaTa Trilogy at wala nang book 4. Maraming salamat sa inyong lahat dahil nakarating kayo rito.


Salamat sa pagsubaybay at suporta! The best kayo!


At para naman sa mga nag-aabang ng kuwentong pag-ibig ni Morixette, magdiwang na kayo dahil mayroon na siyang kuwento.


Tumungo lang kayo sa profile ko at hanapin doon ang istorya na pinamagatang... NO MORE RHYME.


Oo, NO MORE RHYME nga ang title ng kaniyang istorya.


Kita-kita na lang tayo ro'n. Yakapin na muna natin ang genre na Teen Fiction. Haha!


Muli, maraming salamat!


God bless!

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon