CHAPTER 2

52.8K 661 50
                                    

[YZEL's POV]

"Yzel, busy ka?" Kalabit ni Bianca sa'kin habang lumalamon.

"Hindi naman, bakit?"

"Ang boring na kasi.. " Wika niya.

Tinignan ko ang relo ko. 15 minutes nalang pala ay uwian na.

Wala kasing pumasok na teacher sa'min mula kaninang umaga.

"Malapit nang maglabasan kaya konting tiis nalang okay?"

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Guys! Attention please!" Sigaw ni Aki na aming class president.

Napunta lahat ng atensyon sa kanya.

"Ehem! Okay guys, magdala m kayo ng mga gamit niyo dahil starting tomorrow, dito na tayo mananatili sa school. Yung principal kasi natin pina-open na yung bagong apat na building para maging dormitory. So yeah, kayo na bahala kung ano ang mga dadalhin niyo, but make sure yung gamit niyo ay good for this school year." mahaba niyang sabi.

Iba't ibang reaksyon naman ang ibinigay ng aking mga kaklase.

"Ano na naman bang pakulo 'to?" Inis na sambit ni Ianna.

Palala ng palala. Alam ko kung sino ang pupuntiryahin nila ngayon.

Ang mga Gr.10 students.
Alam kong hindi nila hahayaang may makalabas na buhay sa HVHU.

Nung last year nga,
sa tatlong daang humigit na Grade 10 students, bentedos lang ang naka labas ng buhay.

Kaya ngayon pa lang ay inihahanda ko na ang sarili ko, sa mga posibleng kapahamakan na maaari kong harapin sa huling taon ko dito. Bago mag moving up.

Pagkatunog ng bell ay agad kong tinungo ang parking lot, dun kasi naghihintay ang driver ko.

"Sa mansion po." Bungad kong utos sa kanya nang makapasok na ako sa kotse.

Mansion

"Oh Yzel, sigurado ka ba na ayos na lahat ng gamit mo?" Concern na tanong ng aming katiwala na si Manang Theresa.

"Opo manang." Magalang kong sagot dito.

"Isang taon kayo don diba? Pero bakit isang bagahe lang dadalhin mo? Baka makulangan ka ng gamit?" Sunod sunod na tanong sa akin ni manang.

"Hahaha, hay nako manang! 'Wag ka na pong mag alala sa'kin, ayos na po 'to lahat. Baka ma-stress ka pa dahil sa ka-aalala mo sakin eh." Pabiro kong sagot sa kanya.

Ngumiti naman siya saakin bago nagsalita.

"Hindi, kasi alam mo namang wala ako dun, wala ako dun para mag-alaga sayo, ihanda yung mga gamit mo ---"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Manang Theresa at hinawakan ito sa kanyang magkabilang balikat at ngumiti.

"Dapat nga po hindi niyo na 'yon ginagawa sa'kin eh dahil matanda na ako, pero thank you po! Dahil naging mabuti po kayo sa akin, ikaw yung nandiyan palagi sa tabi ko dahil wala sila mommy at daddy, at malaki po ang pasasalamat ako dun." Wika ko

Niyakap ko ng mahigpit si manang. Ramdam ko na nalulungkot siya sa pag-alis ko dito sa mansion.

"Isang taon lang po ako dun manang, babalik din po ako agad." Pagpapagaan ko sa kanyang loob.

"Ma mi-miss kita anak, wala na akong kasama dito sa mansion." Bakas talaga sa boses ni Manang na ayaw niya akong paalisin.

"Sige, ganito nalang po manang. Umuwi ka po muna sa probinsiya niyo. Tapos kung babalik na kayo dito dalhin niyo po ang 'yong mga apo niyo para naman makapagpasyal sila dito diba?" Sabi ko.

Ngumiti naman siya.

"Oh 'sya, sige Manang alis na po ako."

"Sige anak, ipapasunod ko nalang sayo itong mga gamit mo."

Lumabas na ako ng mansion,
Pero bago ako umalis, muli ko muna itong tinignan. Baka kasi ito na ang huling pagkakataon na masilayan ko ang mansion ng pamilya ko.

[KIRSTEN'S POV]

Nagsabay kami ni Ianna sa pagkuha ng gamit hanggang sa pagbalik dito sa School.

Pwede mo ng tawaging mini city ang HVHU dahil sa laki at lawak nito.

Sampung building lahat. Kasali na jan ang mini mall, dormitories, classrooms etc.

Meron ding park, tsaka maze,
Yaman ng school namin no? Hehe. Sayang lang talaga at naging ganito 'to, napakasayang.

Ang daldal ko na.

Nakarating na kami sa campus.
Dahil sa rami naming dalang gamit, sinabi nung janitor na siya na raw bahala dun.

Kaya tinungo na namin ang pang-apat na 10 storey building.

Nasa pang walong floor ang section namin, kaya agad kaming pumunta ni Ianna ron para hanapin ang pangalan namin sa listahan. Hanggang 10th floor 'to, kasi sampu lahat ng section sa 4th year.
Bawat palapag, isang section. Tatlo hanggang apat na higaan sa isang kwarto, at may sarili rin kaming banyo. Meron ding isang espesyal na silid kung san kami kakain ng sabay buong section. Isa 'yobn sa rule ng skwelahan.

Singit ko lang ha? Alam niyo ba, kung sino yung mga naging kaklase niyo simula first year, hanggang 4th year sila parin classmates niyo. Galing diba? hehe

So yun, balik muna sa paghahanap.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Yes! Sa wakas! Nakita na rin namin.

4th Year|Section A1 - Room #07
1.Ianna Snow-Park
2.Yzel Samantha Alvarez
3.Bianca Santiago
4.Kirsten Baustista

Omg! 'di ako makapaniwala.

To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now