CHAPTER 44 (pt.5)

16.7K 340 13
                                    

Ito na yung UD :)

Enjoy ~

-**
Third Person's Pov.

"Bakit ko ba sinusunod mga utos niya?" bulong ni Kirsten sa kaniyang sarili habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang classroom.

Alam niyang magiging magka-klase sila ng kapatid,tulad narin kasi ng sabi ni Miranda ay ginawan na niya ito ng paraan.

Sa paglalakad niya ay isang pamilyar na mukha ang kaniyang nakita,tulad ng dati kasing amo parin ng anghel ang mukha nito.

Pero tulad nga ng kaniyang inaasahan,dumaan lang ito sa kaniyang harapan ng parang walang nakita.

Walang segundong hindi natitigan ni Kirsten ang kapatid.

Ng matapos ang buong araw na klase ay hinintay niya muna itong maka-uwi,naabutan tuloy siya ng ulan.

Wala siyang dalang payong kaya wala na siyang pagpipilian kundi ang mag-paulan na lamang.

At nung araw na yun nakilala niya si Ianna.

Siya yung mabait na dalaga na gusto sanang pasilongin si Kirsten sa kaniyang pang kinder na payong.

Nung una talaga ay ayaw niya na magkaroon ng kaibigan pero naalala niyang isa si Ianna sa kadaldalan ng kapatid sa unang araw ng klase.

Kaya wala na siyang choice kundi kaibiganin nalang ito para ng sa ganun maging mag kaibigan narin sila ng kaniyang kapatid.

Nung araw ring yung nakilala niya si Bianca na takot lumusong sa ulan,pero dahil nga't parehong basa na si Kirsten at Ianna ay pinahiram nalang ni Ianna ang payong niya sa dalaga.

At dahil sa insidenting yung naging magkaibigan silang tatlo.

At gaya nga ng kaniyang plano naging malapit sila ni Yzel.

Parati silang magkasama na ikinatuwa naman niya.

Pero isang insidente ang nangyari na kailangan na niyang pumatay.

**

"Sasabihin ko na sa kanila ang totoo,kailangan na nilang malaman ang katotohan"

Nasa rooftop si Cess,may hawak na isang malaking karatulang sinasaad ang mga tagong sikreto ng ekskwelahan.

Maraming mga estudyante at mga guro ang nasa baba ng building,nag-aalala sa maaring mangyari sa binata.

"Kailangan ng matigil ang lahat ng to.."

"Cess,anong ginagawa mo dito?"

"Kirsten!Sasabihin ko lahat ng nalalaman ko,tulungan mo 'ko"

"Anong sasabihin mo sa kanila"

"Sikreto ng HVHU,isang demonyo ang namamahala ng eskwelahan na 'to,papatayin niya lahat tayo,wala siyang ititira" itinaas ni cess ang hawak niyang karatula "Ito,nakasulat lahat dito"

"Patingin.."

Inabot ni Cess ang karatulang yun kay Kirsten,binasa naman agad ng dalaga ang lahat ng nakasulat run.

"Medyo maliit to,baka hindi nila mabasa" ani Kirsten na biglang sinira ang karatula

"Anong ginawa mo?"

"Hindi nila magagawang mabasa ang mga nakasulat dito,masyadong maliit ang pagkakasulat mo" pagdadahilan ni Kirsten

"Paano na?"

"Ang dapat na tanong eh pano mo sasabihin sa kanila kung nasa taas ka,kung nandito ka sa rooftop"

"Kaya nga,sinira mo kasi eh"

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now