CHAPTER 22 (pt.3)

17.7K 327 24
                                    


Third Person's Pov.

Ang ingay-ingay sa classroom kahit may teacher sa harap na nag le-lecture
Ang iniisip kasi ng iba sa kanila eh,

Bat pa sila mag-aaral kung mamamatay lang din naman sila

Ngunit me iilan paring seryoso sa pag-aaral at di alintana ang ingay sa loob

Tahimik siyang nagsusulat ng mga mahahalagang impormasyon na sinasabi ng kanilang teacher

Matapos ang buong araw na klase ay nagsibalikan na ang lahat sa kani kanilang dorm para magpahinga,pero siya eh todo parin sa pag-aaral dahil sabi ng kanilang teacher ay magkakaroon sila ng long quiz bukas.


Room#8

Nagtipon ang mag ka doormate sa gitna ng kwarto at nag kwentuhan pero ang dalawa sa kanila ay panay titig sa isa't isa wari mo'y nag susuntukan ang kanilang mga mata.

Ano kaya ang iniisip nila??

Nalatigil ang iba sa kanilang pag-uusap para tingnan ang dalawang titig na titig sa isa't isa,ng mahalata nang dalawa ,ay umayos sila sa kanilang pag-upo at nagkunwaring parang walang nangyari

"May galit ba kayo sa isa't isa,yung totoo?" tanong ni Junrex sa dalawa

"Wala ah!" magkasabay nilang turan kaya nagkatinginan na naman silang dalawa ulit

"Weee?" tukso ng tatlo nilang kasama

"Parang LQ lang eh" sabi ni CrisMar. Na panay tawa

"Bromance" singit ni Junrex habang sinisiko si Rhane sa tagiliran

"Uy!Clint,Rhane.." tawag ni Rence sa kanilang dalawa kaya natuon na naman ang kanilang atensyon sa tatlo

"Kayo na" dugtong ni Junrex,binatukan siya ng dalawa pero imbis na mainis si Rex ay humalakhak lang siya ng humalakhak

"Aist!Bwesit maka-alis na nga dito -_____-" sabi ni Rhane sabay tumayo

"Di bagay sayo ang magalit bruh!" habol ni CrisMar.

"Oh ikaw Clint,Ano?" nakangising tanong ni Rence

Di ma kuha ng binata ang sinasabi ni Rence kaya napailing iling nalang siya at tumayo na rin

Nagkasabay silang dalawa sa paghawak sa door knob

Kaya tinukso na naman sila ng tatlo

"Ako bubukas o ikaw?" halong inis sa boses ni Rhane

"Pch,doorknob is not my style" cold na sabi ni Clint with matching irap ng kanyang both eyes

Pagkabukas ng pinto ay nauna pa si Clint na lumabas at tinungo ang katapat na kwarto Room#7

Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang bulsa at akmang kakatok na siya sa pintuan ng biglang tumabi sa kanya si Rhane na nakakunot ang noo

"Anong ginagawa mo dito?" sabay nilang wika

"Ginagaya mo ba ako?" sabay ulit nilang sabi

"Pabo!" sabay nilang sigaw

( Pabo/Babo - Stupid! )

Bago pa man makapagsalita ulit si Rhane ay kumatok na si Clint,pagkabukas ng pinto ay agad na bumugad si Ianna

Agad namang nagtago si Rhane para hindi siya makita ng kapatid

"Oh,clint anong ginagawa mo dito?" pambungad na tanong nito sa binata

Hindi niya agad nasagot ang tanong ng dalaga dahil hinahanap niya ang biglang nawala na si Rhane

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon