CHAPTER 29

15.5K 285 26
                                    

Yzel's Pov.

"Samantha!kunin mo ang kapatid mo,magtago kayo sa loob,kung maari'y tumakbo na kayo!"

"Ano pong nangyayari?"

"Hindi ito ang oras para ika'y magtanong,umalis ka na't iligtas si -----"

Bumalikwas ako sa aking higaan ng makaramdam na parang umiinit ang aking paligid,parang nasusunog

Inimulat ko ang aking mga mata,pero bangungot lang pala iyon.

"Aist!Wrong timing" nasabunutan ko ng mahina ang aking buhok

"Sino yung gustong ipaligtas ng lalaki??" itinali ko ang aking buhok at inayos na ang aking higaan

Bigka namang sumulpot si Kirtsen sa harapan ko na nag uunat pa

"Good morning!" may ngiti sa kanyang labi na bati sa akin

Tumango ako at ngumiti

"Walang good sa morning namin ni Yzel no,right chinggu??" singit ni Ianna na gising na rin pala

Nagkibit balikat lang ako,at ngumiti

"Ang gulo niyo talaga!" napakamot si Kirsten sa kanyang batok saka tinungo na ang banyo

"Uy,Bianca!gising na" kinalabit ni Ianna si Bianca mula sa taas,tulog pa kasi ito't ang lakas pa ng hilik

"Uhhh..ang sarap pa ng tulog ko eh" pagmamaktol nito

"Gising na!!!" sigaw ni Ianna sa tenga nito

"Gising na nga oh,diba?'No ba 'to??" nakangusong sabi ni Bianca

Umagang-umaga pa lamang ay nabalitaan na namin ang sinapit ni Melody,nakita rin namin ang bangkay nito na nasa lumang building ng school.Puno ng kutsilyo yung katawan niya,hindi ko halos matingnan siya dahil sa awa,at feeling ko kahit tinitingnan ko lang siya ay parang nararamdaman ko rin kung gaano siya pinahirapan nung killer.

Pumasok na kaming lahat sa classroom,15 nalang kami,halos kalahati na ng klase ang namatay na.Ang dami ng bakanteng upuan,yung upuan ng mga napayapa naming mga kaklase ay nilalagyan namin ng mga bulaklak bilang paalala namin sa kanila.

Hindi narin ganuon kasaya ang section B tulad nung dati,kung tutuusin hindi lang naman ang section namin ang dumadanas ng kalungkutan ngayon,kaming lahat dito sa heaven valley pareho ng nararamdaman,pareho kaming lahat na nasaktan at nawalan ng mga kaibigan.

Pero kunting tiis nalang matatapos na ang lahat..

Parang walang kain kaming nag-aaral,nakikinig at nagsusulat,buong araw kaming walang gana sa skwela

Pagkatapos ng buong araw na klase,napagpasyahan naming 15 na pumuntang canteen para kumain  at pansamantalang kalimutan ang mga problema.

Kung anu-ano ang aming mga pinagusapan maliban sa nangyayari sa amin sa school

Pero hindi parin maaalis ang paglalambingan ng #1 labtem na talaga namang nakaka bitter

Kiliti dito kiliti doon ang moment nina Lawrence at Bianca na may kasama pang whisper-whisper chuchu,ganern!

Si Kirtsen ay halatang nalulungkot dahil wala na ang James niya,eh walang paki at kain lang ng kain

Si Ianna naman panay laro sa phone niya ng kung anu-ano,kaya hindi niya nahahalata ang pagtitig nj Junrex sa kanya.

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now