CHAPTER 36

13.2K 196 4
                                    


Third Person's Pov.

Section B

- Yzel Samantha Alvarez

- Kirsten Bautista

- Ianna Snow-Park

- Bianca Santiago

- Nicole Samantha Quizon

- Francheska Briones

- Edelyn Buat

- Cristian Mark Gomez

- Prince Clint Yoon-Gonzaga

- Junrex Santos

- Carl Bosito

Labing isa nalang sila.

Isang buwan nalang matatapos na ang lahat.

**
"Hi cheska!" bungad ni Yzel ng makapasok na siya sa classroom nila

Isang matamis lang na ngiti ang iginanti ng dalaga rito

Lahat ng estudyante ay nakaupo sa second row dahil sa kunti nalang rin sila.

"Bat pa ba tayo pumapasok eh sampu nalang naman tayo??" bulong ni Ianna kay Yzel habang nagsusulat ang teacher nila sa harap

"Alam mo naman kapag 5 araw na absent,ma de-dead tayo!gusto mo yun huh?!" singit ni Kirsten

"Hokeh!,ikaw na!" singit ni Bianca sabay irap sa kaibigan




Walang masyadong nangyari sa klase nila kaya para lang zombie mga energy nila.

Hapunan..

Mga nagbabanggaang kutsara,tinidor at mga plato lang ang maririnig.

*tik tok tik tok*

"Isang buwan nalang talaga!matatapos na ~" komportableng asik ni Bianca na nakapagbasag ng katahimikan sa kusina

"Wag kang maging komportable,kahit isang buwan nalang.Hindi parin titigil ang killer hanggat hindi tayo nauubos,hanggat hindi siya ang nanatiling buhay sa section natin,kailangan parin nating mag-ingat" pahayag ni Clint kaya napatikom ng bibig si Bianca

"Gusto ko sanang mag sama nalang ang lahat ng boys sa isang kwarto,at mga girls sa isang kwarto din" suggestion ni Yzel na sinang-ayonan naman agad lahat ng mga kaklase niya

"Pero saang room ang mga boys?girls?" tanong ni Carl

"Sa Room#8 and boys sa #7 ang girls.." sagot ng dalaga

"Ang mga kutson ng ibang kwarto ay pwede nating dalhin sa 8&7 ng sa ganun dun matutulog yung iba" dagdag pa nito

Agad kumilos ang magkaklase,pero imbis na tumulong si Yzel sa mga kaklase niya ay sinundan niya muna ang isa niyang kaklase na naglalakad sa ibang deriksyon.

"Uy!san ka pupunta?" bulong ni Clint ng makalapit na siya kay Yzel

"May kukompirmahin lang ako" mahinang sagot nito

"Ano?" kunot noong tanong ng binata

Ginamit ni Yzel ang labi niya at ngumuso sa deriksyon ng kaklase niyang sinusundan nilang dalawa

"Si Che--" tinakpan ni Yzel ang bibig ni Clint ng biglang tumigil si Cheska sa paglalakad.

Mukhang nakaramdam ito ng may kung anong sumusunod sa kanya,lumingon siya pero hindi niya nakita ang dalawa dahil agad itong nagtago sa sulok.

Ng mapansin ni Cheska na walang tao sa kanyang paligid ay ipinagpatuloy na niya ulit ang kanyang paglalakad.




















"FRANCHEY AKI BRIONES!" sigaw ni Yzel na nag echo naman sa paligid

Lumingon si Cheska at nagulat din sa kaniyang ginawa.

"Ang tanga mo Aki!bat ka lumingon??" sisi niya sa kanyang sarili na nanatiling nakatitig sa nakangising si Yzel.

Halata sa mukha ni Aki ang pagkagulat,hindi dahil sa tinawag siya ni Yzel kundi dahil lumingon siya rito at halata na,na isa siya sa killer dahil sa kaniyang ikinilos.Agad napalitan ang gulat na mukha ni Aki ng isang nakakapangkilabot na titig at ngiti.

Naging seryoso ang mukha ni Yzel ng makita ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ni Aki.

"Huli ka" bulong nito pero dinig parin ni Aki dahil sa tahimik ang kanilang paligid

Tumawa ng mahina si Aki bago tumakbo pa alis.

Akmang susundan siya ni Yzel ng hawakan bigla ni Clint ang braso nito

"Bitawan mo ako!kailangan ko siya maka-usap" asik nito habang pilit na inaalis ang kamay ng binata sa braso niya

"Hindi mo siya madadala sa pakiusap mo na itigil na to,demonyo siya!tandaan mo yan.Wala kang magagawa,mapapahamak ka lang ,kaya please wag mo na siyang sundan" pakiusap ng binata

Napatigil si Yzel sa sinabi ni Clint at napayuko

"Puntahan na lang natin sila dun,tulungan natin silang magbuhat ng mga gamit" hiniwakan ni Clint ang balikat nito para alalayang mag-lakad papuntang dorm nila






















"Nahuli niyo na ako,kaya sisimulan na natin ang huling round,maghanda na kayo" ani Aki sa kanyang sarili habang tinititigan ang kanyang sariling repleksyon sa makinis at napakatulis na kutsilyo

"Ito ang papatay sa inyo.."





To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon