CHAPTER 35

13.8K 212 9
                                    

Third Person's Pov.

Biglang nanlabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang biglang namuo sa kanyang mga mata.Diretso lang siyang naglakad,wala siyang paki kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa.

Natigil siya sa isang madilim na hallway,pumunta siya sa gilid saka umupo roon at dun narin niya binuhos lahat ng luhang namuo na sa kanyang mga mata.Umiyak siya sa kanyang mga tuhod,ang paghagul-gol niya lamang ang maririnig sa hallway na yun.

Minuto rin bago natapos ang kanyang pag-iyak.

"Ok ka na ba?" malapit ang boses sa kanya kaya agad niya itong tiningnan kung sino ang nag salita

"Nandito ka pa pa-pala?" tanong niya sa binatang nakaupo rin sa tabi niya

"Mm!Hindi kita pwedeng iwan,para ka kasing lasing kanina kung maka lakad eh" natatawang sabi nito,pilit na pinapatawa ang dalaga.

"Ano nga pala ang nakita mo kanina?" tanong ng binata na nakatingin sa kawalan

"Yung mga peklat sa balikat niya" turan ng dalaga

"A-anong meron s-sa p-peklat niya?" tanong ulit nito sa paika-ikang boses

"Wala yun dati" diretsong sagot nito

Agad nakuha ng binata ang ibig sabihin ni Yzel.

"Oh!hindi na kita papakialam diyan" ani Clint at isinutsot ang mukha sa kanyang mga tuhod

"Ganun nga ang mukha ng kapatid mo pero di siya 'yun" dagdag pa ni Clint

"Mm!tama ka" walang gana nitong sagot

"Anong plano mo?" tumingin naman siya agad kay Yzel,naghihintay sa isasagot nito

"Akala ko ba hindi ka makikialamam?" kunot noong tanong nito sa binata

"Hindi kasi,Ahh!curios lang ako sa kung anong plano mo" ani to with matching hand gestures

Palihim nalang na napatawa si Yzel sa ginawa ng binata

"Ihatid na nga lang kita sa dorm niyo" sabi ni Clint tyaka tumayo,inalalayan naman niya ang dalagang makatayo sabay nun ang pag tap niya sa ulo nito

"Ok lang yan,Fighting?" nakangiting wika ng binata

"Aja!" napangiti narin si Yzel,kahit papano sa sitwasyon niya ngayon ay nagawa niya paring ngumiti.

Hindi pa kasi siya nawawalan ng pag-asa.

Habang naglalakad ang dalawa,ay nakasalubong naman nila sina Bianca,Ianna,Cheska at Kirsten

"Uy!akala ko ba dapat iwasan muna ang magtiwala sa iba?" sarkastikong wika ni Bianca ng mapansing magkasama sina Clint at Yzel.

"Ahh kasi..." napakamot si Yzel sa batok niya at pasikretong kinurot si Clint sa tagiliran nito,humihingi ito ng tulong sa binata wala siyang alam na pwedeng ipalusot.Hindi naman kasi pwedeng sabihin niya yung totoo,mahirap na..

"Ahh..yung totoo kasi niyan..Pano ko ba sasabihin?" napakagat siya sa kanyang mga kuko,wala na siyang maisip na palusot! "Ok!aaminin ko na ------"

"Kami ni Yzel ay mag on" biglang singit ni Clint dahilan para maging owl sina Bianca

"Pakiulit nga?pakiulit?" utos ni Kirsten kay Clint

"Mag jowa kaming dalawa" sagot ng binata saka inakbayan si Yzel

Nanigas naman ang dalaga sa kinatatayuan niya.Hindi niya alam kung mag sasalita ba siya o hindi.

"Uy!Yzel,totoo?kayo ni Clint ay ano?yung ano,alam mo yun?" blankong tanong ni Ianna sa na istatwang si Yzel

"Ah?Huh?Ano?" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng mga kaibigan,napansin niya ang kamay ni Clint sa balikat niya,kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Kayo na?!" sabay na tanong ng apat kay Yzel

"OO!" diretsong sagot nito

"Whoa!bat ngayon niyo lang sinabi?" tanong ulit ni Ianna

"Surprise!Hehe" ani Yzel na ngumuti ng peke

"Na surprise talaga kami ah?talaga!super!" maarteng sabi ni Kirsten kaya napatawa silang lahat

"Nga pala san kayo pupunta?" pagiiba ng tanong ni Bianca sa dalawa

"Ah!ihahatid ko lang si Yzel sa dorm niyo" sagot ni Clint

"Ahhhhh ~!" tango-tango naman silang apat

"Eh kayo,san punta niyo?" tanong ni Clint sa apat

"Napapansin niyo naman siguro,puno kami ng harina at itlog,punta lang muna kaming cr." ani Ianna na nandidiri pa

"Ahy!Oo nga no?Di agad namin napansin,madilim kasi eh!San niyo pala nakuha ang mga yan?" tanong naman ni Yzel rito

"Haler!Its Junrex birthday kaya!si Kirsten pasimuno nito eh!" maarteng at nakangusong sabi ni Ianna

"Ako talaga?Grabe ka!" - Kirsten

"Sige Mr.Prince Clint,hatid mo na yan si Ms.Yzel Samantha sa dorm,mag c.cr lang muna kami" paalam ni Bianca sabay flip ng kanyang buhok.

Bago pa makaalis ang apat ay napatigil sila dahil sa ginawa ni Yzel.

"Tayka Cheska!" tawag nito sa dalaga na kanina pa tahimik

Napatingin ito kay Yzel na may ngiti sabi

Hinawi ni Yzel ang mahabang bangs ni Cheska dahil may buong basag na itlog na nakapatong rito,pero hindi niya inaasahan ang nakita niya, isang

Peklat!

Isang peklat ng tama ng baril

Isa lang ang agad na naisip niya

"Aki?"

"Yzel,may problema ba?" takang tanong ni Cheska ng mapansin si Yzel na natulala.

"W-wala,sige alis na kami" ani Yzel sabay hila sa kamay ni Clint paalis

"Anyare dun?" - Kirsten

"Ewan?" - Bianca


"Nakita mo yun?" natatarantang tanong ni Yzel ng nasa harap na sila ng dorm nito

"Yung peklat sa noo niya?" naniningkit matang tanong niya sa dalaga

"Oo!?" - Yzel

"Bakit,anong meron?" - Clint

"Alam mo naman siguro na may kambal si Cheska na nauna pa rito sa school,pero namatay ito dahil binaril siya sa kanyang noo!Si Cheska,siya si Aki!Nagpapanggap lang siya!!" parang rumaragasang tren na wika ni Yzel

"Nakita ko yung peklat at talagang peklat yun ng isang tama ng baril,kaya may 100% sure na si Cheska,i mean Aki ang isa sa killer" ani Clint

Napatango-tango si Yzel dahil unti-unti na nilang natutuklasan o nahuhuli ang mga killer sa classroom nila.Isa na lang!


To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now