CHAPTER 34

13.8K 221 8
                                    

Third Person's Pov.

Nagsibalikan na ang mag kaklase sa kanilang dorm dahil sa hindi na matutuloy ang kanilang picnic dahil sa nangyari

ROOM#8

"Mga tol!Si Nicole ba ang killer??" agad na tanong ni Junrex ng mailapag na niya ang kanyang bag sa sahig

"Bat ako tinatanong mo?alam ko ba?alam ko?" pilosopong turan ni CrisMar.

"Ikaw ba tinatanong ko?Ikaw ba?Si Clint kinakausap ko hindi ikaw!" sabi naman ni Junrex

"Ahy" tipid na wika ni CrisMar.

"Oh!Clint sa tingin mo si Nicole ba?" tanong ni Junrex

"Hindi ko din alam eh,di naman kasi dapat i-judge agad ang isang tao kung wala tayong matibay na ebedinsya" malalim na pahayag ni Clint dahilan para matahimik ang dalawa

Katahimikan ang bumalot sa kanilang paligid..

"Nakakamiss si Rhane" ani CrisMar. na binasag ang katahimikan sa loob

"Alam namin,kaya shatap ka nalang!" suway ni Junrex at humiga na sa kanyang higaan

ROOM#7

"Salamat sa inyo kanina ah?Kundi kayo dumating,naku dead na talaga me" wika ni Kirsten

"Na virusan ka ba ni Ianna,pa english-english ka jan?" nakapamewang na sabi ni Bianca sa harap ni Kirsten

"Lol!muntik lang mamatay eh pa english-english na agad,iba!" dagdag pa ni Yzel na halatang natatawa pa

"Grabe naman kayo" nakangusong sabi ni Kirsten

"Hayaan niyo na yan!" sigaw ni Ianna sabay ang pagtawa,halatang tinutukso din si Kirsten

"Pero girls!maiba tayo,sa tingin niyo si Nicole ba ang killer?" naniningkit matang tanong ni Yzel sa mga kaibigan

"Sa ginawa niya kanina,maaring OO" diretsong turan ni Bianca

"Siguro?" di siguradong sagot ni Ianna

"Oo?" patanong na sagot ni Kirsten na halatang di rin sigurado sa isasagot

Pagkatapos nun ay natahimik na silang apat,hinihintay nalang nila ang hapunan.


Sa Hapag.

Walang ni isang nag open ng topic habang kumakain sila.Walang balak ni isa sa kanila ang magsalita.

Wala dun si Nicole,pero hindi nalang nila pinansin.Wala namang pinagsabihan muna sina Clint tungkol dun sa muntik ng patayin ni Nicole si Kirsten kanina.

"Guys!makinig kayo.." wika ni Clint na nakatawag sa atensyon ng lahat.Ang iba'y napatigil sa kanilang kinakain,ang iba nama'y patuloy parin sa pagkain at pagnguya

"Sa ngayon,mas mabuti kung ang mga sarili nalang muna natin ang ating pagkatiwalaan,mahirap na kasi baka ang malapit pa pala satin ang pumapatay." pahayag ni Clint

"Tama si Clint,isipin niyo dalawang buwan nalang at matatapos na ang lahat.Pilitin niyo ang mabuhay at lumaban para makalabas pa kayo ng buhay rito" dagdag naman ni Yzel

Napangiti silang dalawa ng makitang sumang-ayon ang kanilang mga kaklase.

Matapos ang kanilang hapunan,imbis na bumalik sa dorm ay mas pinili ni Yzel ang bisitahin ang kanyang kapatid,hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib habang naglalakad siya patungo sa dorm ng kapatid,gusto na niya kasing kumpirmahin ang totoo.

Sa di kalayuan ay may isang taong sumusunod sa kanya,tahimik itong naglalakad patungo sa dalaga.

Nakaramdam si Yzel ng kakaibang pakiramdam sa paligid.

"Yzel.." isang mabigat na kamay ang pumatong sa kaniyang balikat na ikinagulat naman ng husto ng dalaga

"Uy!si Clint to" ng marinig ni Yzel ang boses ay nahimasmasan siya at nilingon agad ito

"Ginulat mo 'ko!" sigaw niya sabay hampas sa tiyan ng binata

"Sorry" paumanhin naman nito

"Bat mo pala ako sinusundan?" tanong ni Yzel

"Napansin ko kasing hindi papuntang dorm niyo ang deriksyon na nilalakad mo,kaya sinundan kita" paliwanag ni Clint sabay ngumiti

"Okey?" tango-tango naman si Yzel at nag umpisa na ulit na maglakad

"San nga pala punta mo?" tanong ni Clint rito at nagumpisa naring maglakad

"Sa kapatid ko." deritsong turan nito sabay tingin sa binata

Napakunot naman ang noo ni Clint na parang nagtatanong kung 'bakit'?

"Gusto ko lang kumpirmahin yung totoo" ani to at mas binilisan pa ang paglalakad

"Sama ako ah?" wika ni Clint

"Hm!"

*tok tok tok*

Agad napagbuksan ng pintuan sina Yzel at Clint at saktong si Ynna ang bumukas nito

Hindi agad nakapagsalita ang dalaga dahil sa kaba na kanyang nararamdaman

"Ate?"

"Ate?"

"Ate?"

Paulit-ulit siya na tinawag ng kapatid hanggang sa mapansin na niya ito,kaya niyakap agad ni Yzel ang kapatid

"Bakit ate?may problema ba?"

Kumalas agad ito sa yakap niya at tiningnan si Ynna.

Nakasuot ito ng isang simpleng plain white dress na hanggang tuhod,naka ponytail ang buhok at bagsak ang straight na bangs.

"Binisita lang kita,na miss ka ng ate eh" pagpapalusot nito

"Ate sino siya?" tanong niya habang nakatingin kay Clint na nasa likod ng ate niya

"Ah!siya?Kaibigan ko si Clint.Clint kapatid ko nga pala si Shainna" ani Yzel,pareho naman silang kumaway sa isa't isa sign ng pagbati

"Offshoulder naman tong dress mo eh,ibaba mo ng ganito para maganda" sabi ni Yzel sabay ginawang offshoulder ang dress ng kapatid

Tinakpan naman agad ni Ynna ang balikat niya. "Ate,ayaw ko ng pinapakita balikat ko eh" nakangusong sabi niya sa kanyang ate

"Bagay kasi sayo kapag naka ganun" nakangusong paliwanag ni Yzel sa harap ng kapatid,kasabay nun ang pagbaba niya sa kamay ng kapatid na tumatakip rito

May agad napansin si Yzel sa balikat nito.Isang malalaking tatlong peklat na halatang gawa ng isang matulis na bagay.

Naisip na agad ni Yzel kung ano yun kaya agad din siyang nagkunwari na parang walang nakita

"Alis na kami ah?Mag ingat ka rito" paalam ni Yzel sa kapatid at agad na tumalikod kasabay nun ang pagsunod-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha.





To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon