CHAPTER 6

28.9K 385 16
                                    

Third Person's Pov.

Isang mapayapang araw para sa lahat ng estudyante sa HVHU

Sa Section B,kahit may teacher..

May nag ke-kwentuhan,soudtrip,chismissan,meron din namang ibang tahimik na nakikinig lang

Sa likuran may isang kumpol ng mga estudyante,seryoso ang lahat sa kanila,wari mo'y may malalim na iniisip

"Pano yan,wala na si Aki,wala na tayong president" malungkot na sabi ni Nana na kanilang class secretary

"Nandiyan naman si Yzel,siya VP natin diba?" wika ni CrisMar.

"Oh ano ng plano mo Yzel?" tanong ni Kath

"Mamayang recess,walang hihiwalay" turan ni Yzel sa tanong ng kanyang kaklase

Ilang minuto lang ang lumipas tumunog na ang bell,hudyat para sa kanilang isang oras na recess.

Nagtungo na ang magkakaklase sa canteen,tulad ng sabi ni Yzel walang humiwalay sa kanila

Humanap sila ng ma-uupuan,pang sampung kata-o ang pinakamataas na pwedeng umupo roon.Kaya yung iba humanap nalang ng ibang mauupuan na malapit parin sa kanilang VP.

"Wag muna kayong kumain" utos ni Yzel sa kanyang mga kaklase

"Bakit naman?" takang tanong ni Ianna

"Importante tong pag-uusapan natin,mamaya na yang kain" ika ni Yzel

Sinunod naman ito ng kanyang mga kaklase

Naging seryoso ang pag-uusap ng magkaklase.

Biglang humangin ng malakas,dahilan para tumayo lahat ng kanilang balahibo sa katawan

Hindi nalang nila ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-uusap

"SI JESSA!!" isang malakas na sigaw ni Kirsten na nakakuha ng atensyon ng lahat

Akala nila'y yun lang ang sigaw na kanilang maririnig,pero sunod-sunod na sigaw ang umalingawngaw sa canteen.Halos sabay-sabay na nagbabagsakan ang mga katawan ng mga estudyante sa sahig

"Anong nangyayari?!" sigaw ni Bianca

"Hindi ko alam!!" mangiyak-ngiyak na sagot ni Kirsten

Bumubula ang kanilang mga bibig,halos puti nalang ang makikita mo sa kanilang mga mata.

"Hoy!CrisMar?!!Reena?red cross diba kayo?ano?!tatayo lang kayo jan?!" bulyaw ni Yzel sa dalawa

Lumapit si CrisMar. kay Jessa na halos wala ng malay,hinawakan nito ang pulso ng dalaga

"Wala na kaming magagawa" nakayuko at malungkot na wika ni CrisMar.

"Anong Wala?!!" sigaw naman ni Melody na grabe na ang pagtulo ng mga luha

"Wala na,Patay na siya" malungkot na sabi ni CrisMar.

"Seryoso?Bakit??!" tanong ni Yzel

"Hindi ko alam!maaring nilason siya" wika ni CrisMar.

Iginala ni Yzel ang tingin sa paligid,mga umiiyak,humihikbi.Naguguluhan na siya sa nangyayari.

Halos isang oras din bago natapos ang lahat,kinuha na ang mga bangkay ng mga estudyante.

Hindi parin nila alam ang dahilan kung bakit nag ka ganun.

Tinungo na ng magkakaklase ang kanilang classroom,bakas ang pagkalungkot nila sa pag panaw ng isa sa kanilang kaibigan.

"Ano satingin mo ang dahilan,kung bat sila nag ka ganun??" tanong ni Ianna habang binabaybay nila ang daan patungong classroom

"Wala akong ideya" blankong sagot ni Rhane

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon