CHAPTER 3

44K 536 18
                                    

[YZEL's POV]

Nakapasok na ako sa building ng biglang nag ring ang phone ko

"Oh! Kirsten, bakit?"

"Dormmates tayooooo~!"

"Easy lang Kirs, haha. Well, magandang balita yan kung ganon!"

"Yiee~ si Ianna at Bianca rin, ka dormmates natin!"

"Heol!" Speechless ako, di ko kasi inexpect.

"Oh wait, btw 8th floor, Room#7."

"Okay. Got it, thanks!"

"Huehue~ see you!"

"Yeah! See you, bye!"

Pagkababa ng call ay agad ko namang pinuntahan ang room na sinabi ni kirsten. Excited ako dahil ka dormmates ko ang mga kaibigan ko!

Pagkabukas ko ng kwarto, nabigla ako dahil may tao sa loob.

"Ikaw siguro si Yzel Samantha Alvarez?"

Tanong nung janitor,
tanging tango lang ang naging sagot ko sa tanong niya, nagulat kasi ako.

"Hahaha, ito na pala yung gamit mo." Wika niya saka nilisan na ang kwarto.

Limang bagahe?

Isa lang naman yung inihanda ko ah? May nakita akong maliit na papel sa isang bagahe, kinuha ko ito at binasa.

"Kulang talaga yung mga gamit mo, kaya ayan, dinagdagan ko ng kaunti. Kumain ka sa tamang oras dyan ah? Wag papagutom."
— Manang Theresa

Natawa ako bigla. Mami-miss ko talaga si Manang.

Teka nga pala bakit wala dito sina Kirsten?

Napabuntong hininga nalang ako at humanap ng magandang pwesto, double deck yung higaan kaya mas pinili ko na sa taas nalang ako.

Binuksan ko muna ang isang bagahe, agad na bumungad sakin ang isang picture frame.
Yung family picture pala namin.

Ang saya pa namin tignan dito.
Nandito pa sina Nommy at Daddy at si Ynna. Matagal na nung nakuhanan ang litratong 'to.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Miss ko na sina Mommy, gusto ko nang sumunod sa states.

May kumatok sa pintuan.

"Yzel nandiyan ka na ba sa loob?" Boses iyon ni Ianna mula sa labas.

"Oo! Pasok ka."

Dali-dali kong tinago ang family picture namin sa ilalim ng aking unan.

"Nako! Umiiyak ka ba?" Agad nitong usisa sa'kin ng makapasok siya sa kwarto.

"Uy hindi, napuwing lang ako. Kasi... Oo tama! kakatapos ko lang kasi magwalis dito sa kwarto, kaya ayun napuwing ako, hehe." Pagsisinungaling ko.

"Uh? Okay, kunyari convincing yung sagot mo." Lokong sabi naman niya.

"Siraulo ka talaga! Btw, san na ba sina Bianca at Kirsten?" Pag-iiba ko sa topic.

"Magkasama silang dalawa sa cafeteria, nagutom na naman daw kasi si Bianca. As usual, di na bago yon!" Humagikhik naman si Ianna sa sinabi niya.

"Ah sige, joke ba yun? Dito na ba yung part na tatawa rin ako?" Napakamot ako sa batok.

Natawa naman ako sa mukha niya nung tinanong ko kung joke ba 'yung sinabi niya. Haha! Alam niyo yung poker face tas yung ilong ay bumubuga na ng apoy? Ay, may ganon ba?

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now