CHAPTER 31

14.5K 369 20
                                    

Third Person's Pov.

"Ako ng magpapasok sa kanya" presenta ni Ianna at kinuha ang mga braso ni Yzel na hawak ni Clint

"Arraso" ani to at umalis na

Pumasok na sina Ianna sa loob ng dorm nila at nanatiling tahimik at di nagsasalita si Yzel.

Agad dumiretso ang dalaga sa higaan nito at nagtakip ng kumot sa mukha

"Uy!Ianna anyare dun?" agad na tanong ni Kirsten ng mapansin ang kakaibang kinikilos ni Yzel

"Atin lang to ah?" wika nito

Tumango naman si Kirsten,lumapit si Ianna rito at huminga muna ng malalim bago nagsalita

"Yung kapatid niya.."

Nagbitiw ito ng tatlong malalalim na hininga at tiningnan ang kaibigan sa mga mata nito

"Kapatid niya,si Shainna..siya ang killer ng section nila" malungkot na sabi nito

Napanga-nga naman si Kirsten sa narinig niya

"Seryoso ka diyan?" paniguradong tanong ni Kirsten

Tumango ng dalawang beses ang dalaga

Hindi makapaniwala si Yzel sa kanyang nalaman,hindi naman pwedeng maniwala nalang siya agad.Kaya naisip niya na magembistiga at alamin ang katotohan.

Kinabukasan..
Araw ng Sabado

Gumising ang magkakaibigan na parang isang simpleng araw lang din tulad nung mga nakaraang araw,maliban kay Bianca na dinadamdam parin ang pagkamatay ng kanyang nobyo.

Napansin naman agad ni Ianna ang biglang pagbalik ng sigla ni Yzel,tatanungin niya muna sana ito pero naisip niya na wag nalang,mas mabuti na raw kasing ganito kaysa maging tulala at tahimik ang kaibigan.

Napunta ang atensyon ni Ianna kay Bianca na halos dalawang araw ng tulala,lumapit siya rito at umupo sa gilid ng higaan nito.

"Bianczz" tawag niya sa kanyang kaibigan gamit ang kanyang mahinahong boses

Napatingin si Bianca sa kanya ng walang emosyon

"Kahapon,yung sa ginawa mo ni Kirsten,kaibigan mo parin namam siya eh,dapat hindi mo yun ginawa" aniya at napayoko

Tumingin si Bianca sa kawalan at nagbitiw ng isang malalim na hininga

"Hindi ko lang talaga kasi natanggap ang pagkawala niya eh.." halata sa boses ni Bianca na nanginginig ito bumabadyang tumulo ang kanyang mga luha

Itinap ni Ianna ang balikat nito,sinasabing 'ok lang yan'

"Nagmahal ako noon,pero hindi naman niya ako kayang mahalin,si Lawrence lang ang nagparamdam sakin na espesyal ako" tumulo ang mga luha ng dalaga na kanina pa gustong bumagsak sa kanyang mga pisngi

Niyakap agad ni Ianna ang kaibigan para i-comfort

"Sorry.." paghingi ni Bianca ng tawad sa kaibigan,alam kasi niya na hindi lang siya ang nahihirapan,sa ginagawa niya pinapaalala niya lang ang kanyang mga kaibigan.

Pagkatapos mag usap ng dalawa ay napagpasiyahan ni Bianca na mag sorry kay Kirsten dahil sa ginawa niya rito kagabi.

Lumapit ito sa kaibigan na kasalukuyan ding nakikipag usap kay Yzel.

"Kirsten.." tawag niya sa dalaga,agad namang lumingon si Kirsten na may ngiti sa labi

"Gusto ko lang sana mag sorry sayo dahil sa ginawa ko ka---" hindi pa natapos si Bianca sa sasabihin niya ay niyakap na agad siya Kirsten

"Ok lang yun,ganun rin naman yung naramdaman ko nung nawala si James eh" mahinahong wika ni Kirsten

Kumalas ito sa yakap at iniharap ito sa kanya

"Bestfriends tayo eh" dagdag pa ni Kirsten

"Uy!" sumingit naman sina Ianna at Yzel na nasa gilid

"Group hug?" yaya ni Bianca

"Group hug!" sabay-sabay na banggit ng tatlo


Pagkatapos maghapunan ng section B ay biglang naglabas ng beers si Junrex

"Ano *burp* yan?" kunot noong tanong ni Cheska

"Beer" deritsong sagot ni CrisMar. Sabay kuha ng isang bote

"Oh!anong balak niyo?wag niyong sabihin saking iinum kayo??!" sermon ni Yzel

"BaysPreseydent,dont worry,iinum tayo,pansamantala muna nating kalimutan mga problema natin,sige na inom ka na rin,wag kang KJ" nakangising wika ni Junrex

"Pero,san kayo nakabili niyan,eh hindi naman tayo pwedeng lumabas ng campus?" dagdag pa ni Yzel

"Sa Heaven Valley Mall" sagot ni CrisMar.

Yung Mall ng Campus nila ay di naman ganun kalaki ng mga mall na makikita sa mga lungsod,i doble mo lang yung isang convenience store,ganun lang.

"Meron yan dito?wala bang soju?" tanong ni Rhane

"Soju ko yang mukha mo eh!Korya ba to bruh?" sarkastikong sabi ni Junrex

Napairap nalang si Rhane at nagkibit balikat

Inabutan naman ni CrisMar. Ng beer si Clint pero ang sagot nito ---

"Beer is not my style,cola nalang yung sakin" anito ng walang emosyon sa mukha

Napa irap nalang si Junrex at uminom nalang

Si CrisMar.,Junrex,Clint at Rhane lang ang umiinom hanggang sa uminom narin sina Ianna,Bianca,Kirsten,Yzel at yung iba pa,maliban kina Cheska at Nicole

"Uminom nga kayo,kJ nyo eh!" ani Yzel na mukhang lasing na dahil sa kilos nito

"May sakit ako kaya bawal akong uminom" paliwanag ni Cheska kaya excuse siya

Tumingin naman ang lahat kay Nicole na nasa sulok,naka poker face ito at halatang walang balak na uminom kaya na excuse na rin siya

Lasing na ang lahat kaya yung iba ay nahilata na sa sahig ng kusina,meron ding natulog na sa lamesa at mga upuan,nanatili namang mulat ang dalawa na sina Cheska at Nicole,sila lang naman kasi ang hindi uminom

Tininingnan ni Nicole si Cheska kaya nakaramdam ito ito ng takot bigla.


"Hindi ko siya kayang patayin,kaya ikaw na ang dumispatya sa kanya"


Nakatulog na ang lahat,maliban sa isang may balak na masama sa kaniyang isang kaklase

"Sorry ha?" mahinahong bulong nito sa tenga ng dalaga,wala siyang paki kung sa kusina niya lang gawin ang krimen alam niya naman kasi na lasing lahat ang mga ito.

Biglang nagdilim ang paningin nito at agad na pinagsasaksak ang taong nasa harapan niya,bumalik lang siya sa kanyang ulirat ng isang boses lalaki ang umuungol dahil sa sakit

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita,hindi si Ianna ang napatay niya kundi ang kapatid nito!

×××××××××××××

Masaya ako kasi kapag napapadaan ako dito ay nakikita ko na unti-unting nadadagdagan ang mga reads :) Salamat sa inyo ^^ Kayo ang nagiging inspirasyon ko para magsulat pa,Salamat ng marami ^___^

VOTE | COMMENT | FOLLOW

-elyengzai-

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now