CHAPTER 41 (pt.2)

13.5K 192 12
                                    

Third Person's Pov.

"Kumusta yung pagkikita niyo ng kapatid mo?"

Tanging isang malalim lang na hininga ang isinagot ni Fernando sa asawa niya

"Natatakot ako para sa buhay natin,lalong-lalo na sa mga anak natin"

"Tatlong araw yung ibinigay ko sa kanya,sa loob ng tatlong araw na yan kapag hindi siya sumuko,ako mismo ang huhuli sa kanya"

**

2 days later

"Boss talagang gagawin ng kapatid niyo ang paghuli sa inyo bukas"

"Ganun ba?Talagang sinusubukan niya ang pasensya ko"

"Bukas,alas tres ng hapon balak niyang gawin ang paghuli sa inyo"

"Binanggit niya ba ang tungkol sakin?pangalan ko?"

"Hindi po Boss,sinabi niya lang na isang malaking kahihiyan sa bansa ang dadakpin namin bukas"

"Sige"

Inibaba niya ang kanyang telepono at kinuha ang isang basong wine na nasa harap niya at ininom ito.

"Alas tres?Ha!alas dos palang papatayin na kita"

**

"Bukas,bago natin salakayin ang taong yun,dumaan muna kayo sa bahay ko,maliwanag?" - Police Chief Natividad

"Opo!"

Kinabukasan...

*2:00 pm*

"Bumababa na kayo dito mga bata,naghanda si Mommy ng merienda" sigaw ni Clarissa mula sa Sala,naglalaro kasi itong sina Francis,Yzel af Kirsten sa taas

*sa taas*

"Isa..dalawa..tatlo..Magtago na kayong dalawa!apat..lima....."

Habang nagbibilang ang kanilang kuya ay agad na nagtago ang magkapatid sa loob ng cabinet sa kanilang kwarto,medyo malaki ito kaya nagkasya ang dalawa

"Ssh!wag kang maingay Kirsten ah?" - Yzel



"Ano ba tong mga batang to?di na nakikinig sa Mommy nila" - Clarissa

*ding dong ding dong*

"Ako na bubukas ma!" - Yazmine

*BANG*

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng bahay matapos nun ay biglang tumahimik ang paligid.

"Yazmine?"

"Yazmine?"

Paulit-ulit na tinatawag ni Clarissa ang kanyang anak pero hindi ito sumasagot kaya napagpasyahan niyang puntahan ito.

Nagulantang si Clarissa sa kanyang nakita,nakahandusay at naliligo si Yazmine sa kanyang sariling dugo.May isang tama siya ng baril sa puso kaya ito rin ang naging dahilan para agad siyang mabawian ng buhay.

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now