CHAPTER 32

13.5K 284 35
                                    

Third Person's Pov.

Nagising siya dahil sa ihing-ihi na siya,dahil na rin siguro sa andaming inimon niyang beer kagabi.

Nakaupo siya at naka nap sa mahabang lamesa sa kanilang kusina.Katabi niya si Clint na nakaupo lang na natutulog habang tinatakpan ang mukha ng isang tshirt.

Pagdilat ng kanyang mata ay nahagip nito sa sulok ang parang isang bagay na  gumagalaw,dahan-dahan niyang kinusot-kusot ang kanyang mata para makita ito ng maayos.

Nagulantang siya sa kanyang nakita dahil isa niya itong kaklase na may hawak na isang napakatalim na kutsilyo,itinaas niya ito at handanghanda ng saksakin ang taong nasa harap niya.

Hindi siya makapaniwalang ang kapatid niya pala ang papatayin ng killer,kaya bago pa man niya ito saksakin ay tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ng kapatid at ginawang panangga ang kanyang katawan.

Ilang malalalim na saksak ang binitawan ng killer,natigil lang ito sa kanyang ginagawa ng marinig ang isang ungol ng nasasaktang lalaki.

Maski ang killer ay nagulat din sa kanyang nakita,hindi si Ianna ang napatay nito,kundi si Rhane na kapatid ng dalaga.

Sumusuka na ng dugo si Rhane,hinahabol narin niya ang kanyang hininga,sa ano mang segundo ay pwede na rin siyang mamatay.

"Gago ka!pinagkatiwalaan ka naming lahat,tas ito lang ang igaganti mo samin?demonyo!" nahihirapan man ay sinabi niya parin ang mga katagang yun ng madiin at seryoso

"Hindi dapat ikaw ang mamamatay ngayon.." ani to't parang wala sa sarili at hindi makapaniwala

"Mamamatay lang din naman ako eh!" dagdag pa ni Rhane sabay dinuraan ang mukha ng killer

Nabalik ang atensyon ng killer sa kanya dahil sa pagdura nito sa kanyang mukha

"Bat mo 'ko dinuraan?" nanlilisik ang mga matang sabi nito

"Kasi ginawa mo to" turan ni Rhane at tinuro ang mga malalalim sa saksak sa kaniyang tiyan,nginitian pa niya ang killer na para bang iniinsulto niya pa ito

"Magkikita tayo sa empyerno demonyo ka!" naghihingalong wika ni Rhane

"See you there,Rhanedhale Snow-Park,mahal ko" agad nagbitiw ng isang malalim na saksak ang killer sa dibdib ng binata at agad naman itong nawalan ng buhay.

Kinabukasan..

"Hindi.." napasinghap si Ianna sa kanyang nakita.Katabi niya ang patay na kapatid na naliligo sa kanyang sariling mga dugo

"Yah!Dongsaeng!!Ireuna~!" umupo siya sa tabi nito sabay iniyugyog ang malamig nitong katawan

"Ireuna!!" sigaw niya,nagising namam ang mga kasamahan niya sa kaniyang sigaw

"Anong nangyari dito?!" - Edelyn

"Rhane?" - Kirsten

"Sinong gumawa sayo nito?!" tumakbo si Yzel patungo sa magkapatid at hinawakan ang ulo nito

"Hoy!unggoy gumising ka!" sigaw ni Yzel rito

"Wala na siya" umiyak si Ianna at niyakap naman siya ng mahigpit ni Yzel

"Nakikiramay kami" wika ng kanyang mga kaklase

Hindi inaasahan ng lahat ang pagkamatay ni Rhane,sino ba naman kasing gusto yun?

(A/N:Wala na ang SuSica T.T KrisSica izz real ~! XD)

Huling nagising ang nahihimbing na si Nicole sa sulok,agad nakuha ng atensyon niya ang duguang sahig at ang puno ng saksak na katawan ni Rhane

Umiiyak ang paligid,puno ng hinanakit,puot at ani mo'y humihingi ng tulong,nawawalan na ng pag-asa ang lahat ng estudyante sa Section B.

"Rhanedhale" napasinghap si Nicole sa kanyang nakita

"Hindi,maari.Bakit ikaw??!" napalakas ang sigaw niya kaya napaharap sa kanya ang kanyang mga kaklase

"Hindi pwede to!" hindi maintindihan nila ang kakaibang kinikilos ng kaklase

"M-may prob-problema ba?" tanong ni Bianca na umiiyak pa rin

"Demonyo!Hayop!Magkita nalang tayo sa Empyerno!" nangigigil na wika nito kasabay ang pagtitig niya isa-isa sa kanyang mga kaklase,yung para bang tagos hanggang sa kaluluwa nila.

Tumakbo ito at naiwan ang mga kaklase niyang blanko at walang ediya sa kakaiba niyang kinikilos

"Pagbabayaran mo to!" tumakbo siya papunta sa dorm nila para kunin ang isang napakatalim na kutsilyo

"Ikaw naman ang papahirapan ko,ipaparamdam ko sayo ang sakit!" ngumiti ito ng nakakakilabot sa harap ng kanyang repleksyon sa malaking salamin sa kanilang kwarto

"See you in Hell"

Kinabukasan..

Hindi na umiiyak si Ianna na ipinagtaka naman ng mga kaibigan niya

"Ianna?" kunot noong tawag sa kanya ni Kirsten na para bang nagtatanong kung 'ok na ba siya'

"Ok na ako,wag niyo na akong alalahanin" ani to

"Ang bilis naman" bulong ni Bianca

"Ayaw kasi ni Rhane na makita akong umiiyak,magagalit yun" wika niya,pero halata sa boses niya na naiiyak siya pero talagang pinipigilan niya lang talaga ito

Nag group-hug sila,at nangako na walang susuko at lalabas ng HVHU na buhay at magkasama.Walang titibag ani Ianna pa.

Lumabas si Yzel para mag tapon ng basura,sakto naman at lumabas din si Clint.

Habang naglalakad ang dalawa ay hindi nila maiwasang pagusapan ang tungkol sa killer ng section nila

"May kutob ako kung sino ang mga killer" pangbabasag ni Clint sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa

"S-sino?" naniningkit ang mga matang tanong nito sa binata

Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa dalaga

"Ang dalawang hindi nalasing kagabi,lahat tayo ay lasing maliban sa kanilang dalawa" seryosong sabi nito

"Ibig mong sabihin..S-s-si Che-cheska at Nicole?" paika-ikang wika nito

Isang tango at malalalim na hininga ang binitawan ng binata

May kutob din si Yzel sa dalawang dalaga,pero may isa pa siyang naiisip na pwedeng maging killer,at yun ay isa sa kanyang mga matatalik na kaibigan.

Totoo kaya ang hinala niya?nila??

××××××××××××

HAPPY NEW YEAR MY KYEO READERS!
JANUARY 1,2017 na ~!!!
Godbless us all
Lets start this year with a new eyebags ^^ char lang XD haha

Lovelots

VOTE | COMMENT | FOLLOW

-elyengzai-

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon