CHAPTER 42 (pt.3)

13.9K 224 13
                                    

Third Person's Pov.

"Ma!Pa!Nasan kayo?natatakot na ako"

"Bumalik ka sa kapatid mo"

"Pa?Maaaa ~!"

"Bumalik ka sa kapatid mo,alagaan mo siya,protektahan mo at magsama kayo habangbuhay"

"Ma,Pa..Wag niyo akong iwan"

"Alagaan mo ang kapatid mo,ipangako mo samin ng Mama mo"

"Pangako.."

"Stable na yung pasyente,hinihintay nalang natin na magising siya"

Inimulat niya ang kanyang mga mata.Puti ang paligid,nasa langit na ba siya?

"Doktora!Gising na po siya"

"Ano?"

Agad na tinungo ng Doktora si Yzel sa higaan nito at hinihintay na magsalita ang bata.

"Nasan po ako?"

"Nasa ospital ka,pero wag ka na munang magsalita,mag-pahinga ka muna ok?Makabubuti yun sa pakiramdam mo" paliwanag ng Doktora sabay ayos ng kumot ni Yzel

"Doktora?Yung kapatid ko?"

"Kapatid mo?"

"Doktora,baka yung tinutukoy niya ay yung nasa kabilang kwarto" wika ng kanyang alalay na nurse

"Kirsten Natividad ba ang pangalan ng kapatid mo?" tanong ni Doktora

Biglang nabuhayan si Yzel at kumurba ang masayang labi sa kanyang mukha

"Opo,nasan po siya?"

"Nasa kabilang kwarto siya,kaya wag kang mag-alala ok?Sa ngayon mag-pahinga ka muna" - Doktora

Tumango si Yzel at ipinikit ang kanyang mga mata.Panatag na siya dahil alam na niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang kapatid,pero mali siya.

Kinabukasan...

Maagang binisita ni Doktora si Yzel,dinalhan niya ito ng prutas at teddy bear.

"Good morning Doktora!" agad na bati ni Yzel sa kapapasok lang na Doktor dahilan para magulat ito

"Ang aga mo naman atang nagising?" natatawang usal ni Doktora

"Magaling na po kasi ako!" nakangiting turan nito

"Haha,ito oh ibinili kita ng mga prutas at teddy bear" wika ni Doktora sabay taas ng kanyang mga dala

"Thank you po!"

Inilagay  ng Doktora ang kanyang mga dala sa maliit na lamesa sa kwarto at umupo sa upuang katabi lang ng higaan ni Yzel.

"Mabuti na ba talaga pakiramdam mo?"

"100% po Doktora...."

"Doktor Elaine Alvarez"

"Hehe,Doktora Elaine ^_^"

May nahagip na bagay si Yzel sa sulok ng kanyang mga mata,dahil sa kuryusidad ay tinanong niya si Dra.Elaine

"Yung mga gamit po dito,pansin ko may mga nakalagay na 'Alvarez Hospital' sa inyo po ba ang ospital na to?" tanong ni Yzel na sinagutan naman ng Doktora ng isang matamis na ngiti

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now