CHAPTER 28

15K 253 11
                                    

Third Person's Pov.

Masaya niyang tinatahak ang daanan patungong mini mall ng campus,nakaramdam siya ng biglang pagkahilo sa hindi malamang dahilan at nawalan ng malay

Nagising na lamang siya na nakaupo na sa isang upuan sa isang lumang kwarto/classroom ,nakatali ang kanyang dalawang kamay na nakapatong sa mesa,hindi niya alam kung anong gagawin.Ang alam lang niya sa mga oras na yun ay siya na ang isusunod ng killer

"Melody..melody...melody" tatlong mabibigat na yapak ng paa ang kayang narinig na papalapit sa kanya

Gustohin man niyang umatras ay di niya magawa dahil nakatali din ang kanyang mga paa

Ipinikit niya ang kanyang mga mata ng makaaninag siya ng isang imahe ng babae

"Natakot ka ba??" isang pamilyar na boses ang kanyang narinig dahilan para imulat niya ang kanyang mga mata at tingnan ito

"Ikaw?" mahinahon ngunit ramdam mo sa mga boses ni Melody ang pagkatakot

"Ako?hindi ako,kundi kami" isang nakakapangkilabot na ngiti ang kanyang binitawan kasabay nun ang paglabas pa ng isang babae sa madilim na sulok ng kwartong iyon

"Bat niyo to ginagawa??mga walang puso!masunog sana mga kaluluwa niyo sa empyerno!!" sigaw niya sa dalawang dalaga sa kanyang harapan pero tinawanan lang siya nito na parang demonyo

Kumuha ng upuan ang babae at humarap sa mangiyak-ngiyak na si Melody,habang yung isang babae naman ay nanatiling nakatayo sa harapan niya

"Maglaro tayo Melody" nakakapang akit na wika nito

"Shut up your fvkin mouth!" sumigaw si Melody sabay dinuraan ang dalagang nasa harap niya

Swerte at natalsikan lang ang mukha niya ng laway ni Melody,pero imbis na magalit ay pinunasan niya ito gamit ang kanyag hintuturo saka dinilaan

"Lets start this game babe" ngumiti ito ng nakakaloko dahilan para madagdagan ang kaba sa puso ni Melody

"Pero warning!oras na gumalaw ang mga kamay mo,mahuhulog ang mga kutsilyong nakasabit sa taas,mahuhulog ito at diretsong tutusok sa makikinis mong kamay" sabi niya sabay haplos sa kamay ng dalaga

Dahan-dahang tumingala si Melody,napalunok siya sa kanyang nakita,tumambad sa kaniya ang dalawang matutulis na kutsilyo na nakatutok sa kanyang mga kamay

"Magbilang tayo Meldz ok,1 to 15 + 5" nakangisi nitong sabi

"Ano bang plano ng demonyong babaeng ito??" nanggigigil na tanong ni Melody sa kanyang sarili

"1.."

Hindi inaasahan ni Melody ang biglaang pag tanggal ng kuko ng killer sa isa niyang kamay

Napasigaw siya pero halata sa boses niya ang unti-unting pag kapaos nito

"Hayop ka!!" buong tapang na sigaw ni Melody sa killer na nakangiti sa harap niya

Magsasalita pa sana ulit si Melody ng biglang tanggalin naman ng killer ang isang kuko pa nito sa kamay

"2.."

"3.."

"4.."

Sunod sunod ang pagtanggal ng killer sa mga kuko niya dahilan para mawalan na ng pag asa si Melody na mabuhay

Kahit masakit na ay pinipigilan niya parin ang sariling igalaw ang kanyang mga kamay dahil takot siyang mahulog ang mga kutsilyong nasa taas niya

Pero lingid sa kanyang kaalamn ay meron pa palang 13 na kutsilyo na nag aabang,nakakalat ito sa paligid niya

"Patayin mo nalang ako!" mahina pero madiin na sigaw niya sa killer

"5.."

Habang dahang-dahan tinatanggal ng killer ang mga kuko niya ay sinasabayan niya ito na mga salita

"6...Masaya kasi kapag nakita kang nahihirapan!"

"7..pero may choice ka naman para mapadali ang buhay mo!"

"AHHHHHHH!please tama na!!"

"8..igalaw mo ang mga kamay mo"

Napailing-iling siya,nagtatalo sa isip niya kung gagawin niya ba o hindi?

Pero hirap na siya,hindi na niya kaya

"9.."

"10.."

Sumuko ang dalaga at iginalaw ang mga kamay niya,biglang nahulog ang dalawang kutsilyo kaya napapikit nalang siya

Bigla niyang naramdaman ang dalawang matutulis na kutsilyo na nakatusok sa kanyang mga kamay,kasabay nun ang pag sirit ng mga dugo rito

Ibinuka na niya ang kanyang mga mata,umiyak at sumisigaw dahil sa sakit

Pero hindi niya namalayan ang isang rumaragasang kutsilyo na papunta sa bibig niya,pumasok ito at dumiritso sa bungo niya

"Uy!pang 11 yun,Bwuhahaha!"

Naghihingalo na ang dalaga..

"Panginoon,nawa'y patawarin niyo ang mga taong ito.Sa aking pamilya mahal ko kayo"

Yun nalang ang kanyang nasabi sa kanyang sarili at ipinikit na ang mga mata,segundo lang ang lumipas ay nabawian na siya ng buhay.Marami pang mga kutsilyong tumama sa katawan ng dalaga,meron sa dalawang mata,sa tiyan,sa kanyang likuran at sa ibat ibang parte ng katawan.

"Ang saya!" lumapit siya sa patay na katawan ni Melody at bumulong rito

"Sweet dreams"








Mag hahating gabi na at di parin makatulog si Yzel,humiga siya ng patagilid paharap sa kinahihigaan ni Ianna.

Nakita niya namang nakamulat parin ito

"Hindi ka pa ba inaantok?" mahinang tanong ni Ianna sa dalaga ng mapansin niyang gising din pa pala ito

Umiling-iling lang si Yzel bilang sagot

Kinuha ni Yzel ang kanyang malaking panda teddy bear saka niyakap ito

"Ianna,naririnig mo ba sila?" mahinahong tanong nito

Tumango ng dalawang beses ang dalaga at napa nguso

"Hindi ako makatulog dhil naririnig ko sila.." ani Ianna sabay nag kumot

"Pareho tayo"

Hindi sila makatulog dahil sa mga ingay na nakakapangkilabot sa paligid nila.

Mga humihingi ng tulong,sumisigaw,umiiyak,tunog ng baril at iba pa.

Maraming sabay-sabay na pinatay nung gabing yun isa na dun ay ang kaklase nilang si Melody

Pinilit nilang dalawa na pumikit,matulog at di pansinin ang ingay sa labas,di nagtagal ay nakatulog din sila

"Malapit na akong mag tagumpay,samantha.."

×××××××××××××××××
A/N : GUYS!sorriiiii sa mga typos :< at mga etchetera,hindi ko pa kasi na e-edit yung ibang chapters,kaya sorriii :) Huehue ~ malkokayo ~ ♥

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now