CHAPTER 33

13.7K 227 45
                                    


Third Person's Pov.

"Sa ngayon,iwasan muna nating magtiwala sa iba.Dahil kunti nalang tayo at hindi parin natin nakikilala ang mga killer" habilin ni Clint pagkatapos ay pumasok na sa kanilang dorm

Huminga muna ng malalim si Yzel bago pumasok,normal lang ang lahat na nangyayari sa loob ng dorm nila.

Sa di inaasahang pangyayari ay biglang nag brown out

"Flashlight!Flashlight!Huwahhhh~!!" natatarantang sigaw ni Ianna,takot kasi ito sa dilim.

Hindi lang siya ang takot sadilim kundi silang Apat.

Parang tukong nakakapit si Yzel sa likod ng pintuan at hindi gumagalaw.Si Bianca naka tuwad sa higaan niya habang tinatakpan ang kanyang ulo ng unan,si Kirsten naman ay nakasuksok sa sulok.At si Ianna parang baliw na pasigaw-sigaw at patakbo-takbo sa loob.

Nasa ganun parin silang apat na posisyon ng biglang may maaninag si Yzel na mga imahe ng tao,ng makita niya ito ng maayos ay kanya pala itong mga namayapang mga kaklase,nakakatakot ang kanilang mga mukha,puno ng dugo lahat ng katawan nila,halos mapuno na ang kwarto nila ng mga multo.Pero ang pinagtataka ni Yzel ay imbis humingi sila ng tulong ay tanging mga masasamang tingin lang ang pinapakita nila,hindi sila nagsasalita pero dinig niya ang pag-iyak nilang lahat.

Isang lumulutang na bangkay na nakatalijod ang lumapit kay Yzel

"Danica.." kahit naka talikod ito ay nakilala niya parin ang multo,unti-unti nitong inikot ang ulo niya paharap sa dalagang naliligo na sa sariling pawis.Nakakatakot ang ginagawa ni Danica,bigla siyang sumigaw,yung sigaw na talagang makakasira sa eardrums mo kapag iyong narinig.Nakakatakot ang sigaw nito parang nanggaling sa kailaliman ng lupa.

Tinakpan ng dalaga ang kanyang tenga,napapikit at sumigaw dahil sa takot.

Biglang nawala lahat ng mga multo ng bumalik na ang ilaw.

Nakatingin sa kanya ang mga kaibigan na nag-aalala.

"Yzel,anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Ianna

Imimulat ni Yzel ang mga mata niya,nawala na ang mga multo.Pero imbis na maging masaya siya ay bigla itong umiyak

"Yzel!Uy,ok ka lang ba?Ano bang nangyari sayo?" tanong ulit ni Ianna

"Bakit ako ang minumulto nila?wala naman akong ginagawa??!" sigaw niya sa kaibigan

Lumapit sina Kirsten at Bianca para patahanin siya.

"Nandito lang kami,wag kang mag-alala" wika ni Kirsten sabay haplos sa likod ng kaibigan

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay humiga na si Yzel sa kanyang higaan,gayun din ang mga ka dormmates niya.

"Malakas ang kutob ko na isa sa inyo ang killer,ayokong mag-isip ng ganito kasi mahaba narin ang pinagsamahan nating apat.Pero patawad" dahil sa kanyang kakaisip ay nakatulog narin siya.

Maagang nagising ang apat dahil balak nilang mag picnic sa garden ng school,handa na ang lahat ng dadalhin nila kaya umalis na rin sila.

Bawat isa ay may dalang pagkain,mga inumin atbp.

Nasa baba na sila ng building ng kanilang dorm at saktong nakasalubong naman nila sina Junrex,Clint at CrisMar.

"San punta niyo girls?" tanong ni CrisMar.

"Magpipicnic kami dun sa garden" nakangiting turan ni Bianca

"Picnic?Mag pipicnic din kami eh!" nagagalak na usal ni Junrex sabay taas ng isang bag na may lamang mga pagkain.

"Oh!magiging masaya to!Kirsten ipadala mo na yan sa boys ang mga pagkain,mabigat yan" ani Yzel sabay tingin niya sa kanyang tabi

"Kirsten?Nasan si Kirsten?" tanong ng dalaga sa mga kasamahan niya

"Nasan si Kirsten?" tanong ni Ianna

"Nasan si Kirsten?" tanong ni Junrex

"Ano magtatanungan nalang kayo jan?Hanapin muna natin yun,baka napano na yun eh!" ani Bianca at bumalik sa kanilang dinaanan kanina

"Sige!" sang ayon nilang lahat at sumunod na kay Bianca

"Kirsten!"

"Uy!nasan ka na!"

"Ms.Bautista?!"

"Kirrr ~!"

Sabay-sabay silang naghanap ng biglang makarinig si Clint ng isang kakaibang ingay.

Sininyasan niya ang kanyang mga kasamahan na tumahimik at sinunod naman nila agad ang utos nito.

"Wala akong ginagawang masama sayo!pakawalan mo na ako!"

Narinig ng lahat iyon at agad nilang nakilala ang may-ari ng boses

Sinundan nila agad ito at hindi nila napansin na sa madilim pala na bahagi ng building nanggaling ang boses

Tumambad sa kanila ang nagkalat sa sahig na mga prutas.Sa di kalayuan ay nakita nila ang dalawang babae,at mukang balak nung isa na patayin ang nakahiga sa sahig na babae

"Si Kirsten yan" ani Ianna at tumakbo papunta sa kinarorooan ng dalawang babae

Nakapatong si Nicole sa katawan at pinipigilang makagalaw si Kirsten gamit lang ang kanyang mga paa at isang kamay,habang yung isang kamay niya naman ay nakataas at handang handa ng ipansaksak ang matulis na kutsilyo sa dalaga.

"Nicole!" sigaw nila kaya nakuha nila ang atensyon nito

"Itigil mo na yan!ibaba mo yang kutsilyong hawak mo" mahinahong sabi ni Yzel rito

"Umalis na kayo dito!" sigaw ni Kirsten

"Hindi ka naming pwedeng iwan!" turan ni Bianca na nanginginig

"Please Nicole,nag mamakaawa kami,ang dami mo ng napatay kaya please lang" mahinahong pakiusap ni Junrex rito,tumayo si Nicole ng dahan-dahan at napayuko

"Ganyan nga,ibaba mo na yang kutsilyong hawak mo" dagdag pa ni Junrex

"Hindi pa ako tapos!Uubusin ko kayong lahat!!" sigaw ni Nicole at tumakbo na paalis

Lumapit naman sila kay Kirsten na naliligo na sa sariling pawis

"Muntik na ako dun!" anito't parang tumatawa pa

"Masaya ka pa?Muntik ka na ngang mamatay?" sermon ni Bianca

"Si Nicole ba ang killer?" pagiiba ni Ianna sa topic

"Maari,kita namin natin eh!muntik na niyang patayin si Kirsten" nakapamewang na usal ni Bianca

"Hindi pa tayo sigurado" singit ni Yzel

"Eh ano pala tawag mo dun sa ginawa niya kay Kirsten?Prank?Binantaan pa nga mga buhay natine eh" halong irita sa boses ni Bianca halatang maiinit ang ulo

Napagpasyahan ng grupo na wag nalang munang ituloy ang picnic at sa ibang araw nalang gawin.

Si Nicole na nga ba ang isa sa Killer ng SectionB??

Ikaw sino sa tingin mo?





To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now