CHAPTER 4

35.3K 454 23
                                    

Yzel's Pov.

May apat na aparador sa loob, mas pinili ko yung pangatlo, si Ianna naman pinili yung pangalawa

Habang inaayos namin ang aming mga gamit.

"Ianna ano yan? Baril?" Takang tanong ko rito.

"Yup." Diretsong sagot naman nitom

"Ba't ka naman may baril? Kailan pa?Paano ka natuto?" Sunod sunod na tanong ko.

"Ang dami mo namang tanong hehe. Pero pang self-defense lang 'to no, alam mo na. Last year lang ako natuto neto tapos kaninang umaga, kinuha ko ang isa sa mga baril ni papa. You know na pulis siya kaya ayun." Mahabang paliwanag niya.

"Ahh.. O-ok?"

"Eh ikaw nga eh, magaling ka rin naman sa baril diba? Pati humawak ng katana?" Sabi niya.

"Ah, oo." Tipid kong sagot.

"Ah! One more thing, Idol kasi kita kaya nag practice akong bumaril." Pahabol niya.

"Wow! Isang karangalan 'yan kaibigan." Sumeryoso ang aking mukha at nag-bow ng ninety degrees sa kanyang harapan.

Ngumiti naman siya sa ginawa ko.

"Lol! Naniwala ka naman. " Pambabasag ko sa moment niya at tumawa.

Bigla siyang nag-pout at umaktong kunwaring umiiyak.

Binatukan ko naman siya at ngumisi na abot hanggang tenga.

"Ano na naman ba kasalan ko?"
"Alam mo, di ka-cute. "
"Eh?"
"Mas cute kasi ako sayo. "
"Pffft."
"Sige! Tumawa ka ngayon babatukan kita ulit! "
"Hehe sige na nga, support! "
"Good."

Tumawa na kami sa kabaliwan naming dalawa. Nang matapos na kami sa pag-aayos -

"Tumutunog na tummy ko. " Reklamo ni Ianna habang himas-himas ang kanyang tiyan.

"Kain ka kasi ng kain ng cheese stick eh, alam mo namang hindi yun nakakabusog." Sermon ko rito.

"Hay nako! Samahan mo nalang ako sa kusina okay? Kain tayo!"

"Okay!"

Lumabas na kami ng kwarto, habang masaya kaming naglalakad ni Ianna sa hallway eh biglang..

"Yzel! Ianna! si Aki!" Nilingon ko ang sumisigaw.

"Oh kath? Anong nangyari?" Agad na tanong ni Ianna sa kaklase naming hingal na hingal pa.

"Si Aki.."

"Bakit?" Tanong ko.

"Kath! Inhale exhale. "

"Okay, ito na! Si Aki!!! May pumatay sa kanya."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Katherine, panong...?

Panong papatay ang killer eh wala naman kaming ginagawa?

Pero tama, di nga pala nila hahayaang may makalabas dito ng buhay.

Ngayon hula ko sinisimulan na ng killer ang trabaho niya.

Sino ka ba kasi?

Hanggat makakaya ko, aalamin ko kung sino ang killer sa room. Uunahan ko siya.

Maglalaro tayong dalawa, paunahan nalang.

"Okay! Sabihin niyo to sa lahat, pupuntahan namin ang bangkay ni Aki." Utos ko kay Kath na ngayon ay medyo maayos na.

Tumango siya sa'kin at agad tinungo ang mga kwarto ng aming mga kaklase.

Rhanedhale's Pov.

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now