CHAPTER 5

28.1K 377 5
                                    

"Bat ka nandito?"

"Gusto ko lang damayan ka"

"Ok lang ako, pwede ka ng umalis"

"May gusto din kasi akong sabihin sayo"

"Ano naman yun?"

"Bago pa man ako mamatay, gusto ko sabihin sayo na.."

"Na ano?"

"Gusto kita"



Reena's Pov.

Hindi ko agad natanggap ang pagkamatay ng isa sa aking matalik na kaibigan.

Nakita ko ang bangkay niya may tama ng baril sa kanyang noo

Pagkakita ko nun ay may bigla akong naalala.

-FLASHBACK-

"Anong hinahanap mo?" usisa sakin ni Danica l, kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil hindi ko makita ang isa sa paborito kong libro.

"Yung libro ko" sagot ko rito

"Yung libro mo? diba, hiniram yun sayo ni Bianca kanina?" wika ni Blessie

"Ah! Oo tama, sige puntahan ko muna siya" sabi ko at umalis.

Tumungo ako sa kwarto nina Bianca, kakatok na sana ako pero nakita kong nakabukas ng kaunti ang pintuan, papasok na ako ng biglang may nahagip ang mata ko, si Ianna. May hawak siyang baril, habang hawak-hawak niya iyon ay naka ngisi pa siya, dahilan para kilabutan ako.

Mabilis akong bumalik sa kwarto dahil sa nasaksihan ko.

Hindi kaya siya ang killer?

-FLASHBACK ENDS-

Nung nakita ko ang tama ng baril sa noo ni Aki, kinutuban agad ako.

Hindi kaya si Ianna ang pumatay kay Aki at sa iba pa naming kaklase 2 years ago?

Pano nga kung siya talaga ang killer?

Nag decide sila na isumbong nalang sa kinauukulan ang nangyari, matapos nun naghanda na ang lahat para sa lunch. Lahat ng Section B ay nagtungo na sa kusina.

Tahimik lang ang lahat.

Sasabihin ko ba?

Pano kung patayin niya ako?

Wala din naman kasi akong matibay na ebidensiya para patunayan na siya talaga ang killer.

Pano kung hindi siya?

Pero bahala na.

Pagkatapos naming kumain,

Tumayo ako at inilibot ang tingin ko sa lahat.

"Guys may sasabihin ako" natuon lahat ng atensyon sakin.

"Hindi ako-- argh! Hula ko lang to, pero sa tingin ko alam ko na kung sino ang killer ng section natin" wika ko habang nakayuko.

"Sino? sabihin mo" sabi naman ni Ianna.

Buo na ang desisyon ko,sasabihin ko na.

"Si Ianna" sabi ko sabay tingin kay Ianna.

"Hula ko siya ang killer ng Section B, pumunta ako ng kwarto nila kanina, nakaawang yung pintuan kaya aksidente kong nakita na may hawak siyang baril" dugtong ko sa aking sinabi.

Tiningnan ko si Ianna na nakakunot pa ang noo.

Walang nagsalita ni isa.

"Pano mo namang nasabi na si Ianna?" binasag ni Rhanedelle ang katahimikan.

"Namatay si Aki dahil sa tama ng baril, at nakita ko kanina na may hawak na baril si Ian---"

"Porket may hawak siyang baril siya na agad ang killer?" pagputol naman sa akin ni Kirsten.

"Wala ka namang matibay na ebidensiya" dugtong naman ni Junrex.

"Kaya nga, at least nasabi ko sa inyo".

Tahimik lang talaga si Ianna, bakit wala man lang siyang reaksyon sa sinabi ko?

"Oh Ianna, wala kabang Sasabihin?" tanong ni Melody sa kanya.

"Ano namang sasabihin ko, hindi naman totoo ang sinabi ni Reena" sabi niya.

"Isa pa imposibleng si Ianna ang pumatay kay Aki, simula kaninang umaga magkasama kami. Yung about sa baril? Pinakita niya sakin yun, maaring di mo lang ako nakita nung pumunta ka sa kwarto namin, dahil nag-aayos ako ng gamit" mahabang paliwanag ni Yzel na naka cross arm pa.

"Pang self defense niya yun" dugtong ni Yzel.

Nahiya ako bigla, mali pala ang hinala ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nahihiya ako.

"Sorry" yun nalang ang aking nasabi at lumabas nang kusina.

Yzel's Pov.

Nagulat ako sa sinabi ni Reena.

Pero hindi naman namin siya masisi kung paghihinalaan niya ang mga kilos namin.

2 years ago may limang namatay sa section namin.

Isa na ang namatay ngayon.

Marami pang susunod.

Ang tanong sino sa amin ang isusunod ng killer?

Kailangan ko nga gumawa ng aksyon..

UUNAHAN KO NA SIYA!



To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now