CHAPTER 16

18.7K 274 29
                                    

Reena's Pov.

Naging tahimik ang klase,ewan ko bakit??

Natapos na ang Values na first subject,sumunod naman ang MAPEH

Arts kami ngayon at pinagawa kami ng activity ni Ma'am,paper cutting kuno?? Nung una hindi ko talaga gets kung anong gagawin sa constraction paper -_-

Ginala ko ang tingin ko at tumama ang tingin ko kay Yzel na tahimik at seryosong ginugupit yung constraction paper

Tinupi-tupi niya at tas ginupit-gupit??

Lumabas saglit si Ma'am para daw mag CR kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lumapit sa kanya at mag paturo

"Yzel pano mo yan nagawa sayo??" nakanguso kong sabi habang nakatingin sa tapos ng art work niya

"Simple lang,tupiin mo tas gupitin mo,ikaw na bahala kung anong gusto mong desinyo" paliwanag niya

"Ganun lang?eh parang ang hirap eh!" kunot noo kong komento

"Try mo muna" nakangiti niyang kumbinsi sakin

Bumalik na ako sa upuan at sinimulan ng mag gupit-gupit

Napagtanto kong madali lang pala -_-

Out of 30pts. Ang nakuha ko ay 30,maganda daw kasi ang pagkakagawa

Pagkatapos ng MAPEH time ay 30 minutes break,kaya bago ako lumabas ay lumapit muna ako kay Yzel na kanina pa tulala habang haplos haplos ang bracelet na nasa kanyang kanang kamay.

"Thank you nga pala sa pagturo mo" nakangiti kong wika

Itinaas niya ang kanyang tingin sakin at ngumiti,satingin ko 'walang anuman' ang ibig niyang sabihin sa ngiting yun

"Ahh,yzel.Gusto mo sumama mamaya sa library,mamayang labasan,gawa tayong maraming paper cuttings" anyaya ko sa kanya

"Sige" tipid niyang sagot pero hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang magandang mukha

Wow!grabe ~ na adik na talaga ako sa paper cuttings T.T




Pagkatapos ng Science eh labasan na namin,bumalik muna akong dorm para mag bihis.Pagkatapos ay dinaanan ko muna si Yzel,sinabi naman niya na susunod nalang siya.Na una na ako sa library at mas pinili ko ang pinakadulong bahagi ng library para walang istorbo

Inihanda ko na ang isang pad ng constraction paper at ang mga gagamitin kong gunting

"Mag-isa ka lang" tanong ng isang boses na sinagutan ko naman ng tango nang hindi tinitingnan ang mukha niya

"Pwede sumali" wika niya

Inangat ko ang ulo ko at napakunot ang aking noo

"Sure" sabi ko

Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang isang gunting at isang constraction paper saka nag umpisang mag cut na

Tumayo muna ako para kumuha ng mga libro na related sa Paper Cutting,nakakita namam ako ng 3 libro at inilapag ito sa mesa

"Para san yang libro?" kunot noo niyang tanong

"Guides" turan ko,umupo na ako saka inumpisahan na ang pagbabasa habang wala pa si Yzel

"May hinihintay ka?" singit niya habang nagbabasa ako

"Oo" sagot ko at pinagpatuloy na ulit ang pagbabasa

Nakatapos na ako ng 4 pages,ng iniangat ko ang ulo ko,nakita ko naman siya na nakatitig sakin,yung titig na parang tatagos sa mga buto mo sa katawan,tagos rin hanggang kaluluwa,kumunot naman ang noo ko ng bigla siyang ngumiti na nakapagpatayo ng balahibo sa aking katawan,i dunno why??

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now