CHAPTER 38

13.5K 213 3
                                    

Third Person's Pov.

Hindi naniniwala si Yzel na patay na ang apat niyang kaklase dahil hindi pa nila nakikita ang mga bangkay nito,may pag-asa pang buhay sila.

"Matulog na kayo,wag niyong babalaking lumabas ng kwarto para hanapin sina Bianca,ok?" sabi ni Clint sa 4 na girls

"Wag kayong mag-alala,nangako naman kayo na tutulungan kaming maghanap bukas" turan ni Yzel

"Goodnight girls,kung may problema kayo nasa kabilang kwarto lang kami" ani CrisMar.

Pumasok na sina CrisMar at Carl sa kabilang kwarto at nagpaiwan naman si Clint

"May sasabihin ako sayo" asik niya ng tumalikod na si Yzel para isarado ang pinto

"Ano yun?" tanong nito

Napatingin si Clint sa likuran ni Yzel kung saan nakikinig ang 3 girls

"Ahy!sorrehhh ~ tulog na kami" wika ni Ianna sabay hablot sa mga kamay ng kasama at lumayo sa dalawa

Kinuha ni Clint ang kamay ni Yzel at lumabas ng kwarto

"Ano yung sasabihin mo?" kunot noong tanong nito sa binata

"May isa pang paraan para matigil na ang pagpatay ng mga killer,hindi lang sa section natin kundi sa buong school pati ang ka demonyohan ng punong guro ay matitigil din" wika niya

"Paano?"

"Patayin natin ang pasimuno nito,ang principal"

"Imposible yan,hindi nga natin kaya yung dalawang pumapatay sa section natin ang pasimuno pa kaya nito?"

"Walang masama kung susubukan natin,magtiwala ka"






--* Araw ng Sabado

"Ianna,Edelyn,Carl at Kirsten kayong apat ang magsasama.CrisMar,Yzel at ako,tayong tatlo." seryosong wika ni Clint

"..Pag mag a-alas onse na ng umaga bumalik na lahat dito sa kusina para mag break,kasama niyo man o hindi ang mga kaklase nating nawawala kailangan niyo paring bumalik" dugtong pa nito

Nagsitanguan ang lahat at nag-umpisa ng maghanap

Junrex' Pov.

Bigla akong nagising dahil sa tiyan kong gutom na,naalala ko naman bigla ang nangyari kagabi.

Nagmasid ako sa paligid kung may tao ba o wala,nung mapansin kung walang tao ay agad akong tumayo para mag unat

"Hay ~ Nasan ba ako?" inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nalaman kong isa pala itong lumang lab.Lumabas ako sa kwartong iyon para hanapin ang daan pabalik sa building ng dorm namin.Dapat magmadali ako ng sa ganun masabi ko na sa kanila kung sino ang killer!

11:00 am

Tulad ng sabi ni Clint ay nagsibalikan nga ang lahat sa kusina para mag break pero agad din silang bumalik sa paghahanap at kailangan na naman nilang bumalik kapag 6 na ng gabi at sa classroom naman sila magkikikita sa oras na yun

2:00 pm

Bianca's Pov.

'Ang init!Gutom na ako!" yan ang parating laman ng isip ko,totoo!

Bigla akong may narinig na ingay sa labas at mga boses sa hindi kalayuan

"Bianca!Junrex!Nicole!"

"Junrex!Bianca!"

"Biancz!"

"Nasan na kayo?!"

'Luh!sina Yzel yun ah?'

"Guys!nandito ako sa janitor's room!Guys si Bianca to~!Tulong!!" kahit may panyo ako sa bibig ay kaya ko paring magsalita,talent ko yun at sana naman narinig nila yung sigaw ko!Kailangan na nilang malaman na si Aki ang pumapatay!

Third Person's Pov.

"Guys!nandito ako sa janitor's room!Guys si Bianca to~!Tulong!!"

"Narinig niyo yun?" - Yzel

"Oo!" - CrisMar

"Si Bianca yun,tara!" - Clint

Pwersahan nilang binuksan ang pintuan at bumunad agad ang nakatali sa upuang si Bianca na may panyo sa bibig

"Thank you guys!" ani Bianca kahit may takip pa ang bibig

"Grabe ikaw pala talaga yung sumigaw kanina?" namamanghang asik ni CrisMar.

Nang matapos na ang tatlo sa pagkalas ng mga tali sa katawan ni Bianca ay agad niyakap ni Yzel ang kaibigan

"Buti nalang at walang nangyari sayong masama" mangiyak-ngiyak na usal ni Yzel sa kaibigan

"Salamat at nahanap niyo ako agad" aniya at kumalas sa yakap

"May sasabihin ako sa inyo!si Aki ang gumawa sa akin nito,siya ang killer pero sinabi niya isa siya sa killer ang ibig sabihin lang nun dalawa silang pumapatay" aniya na parang isang rumaragasang tren

"Kung ganun umalis na tayo dito" - Yzel

Umalis agad sila sa lugar na yun at ngayo'y tinatahak na ang daan pabalik sa Classroom nila

Maswerte sila ng madatnan ang grupo nina Ianna sa harap ng classroom nila kasama si Junrex

"Nahanap na namin si Junrex!" masayang bungad ni Kirsten

"Yzel!si Nicole ang pumapatay!" deritsong usal ni Junrex

"Si Aki!isa siya sa pumapatay kaya maaaring magkasabwat sina Aki at Nicole" pahayag ni Bianca

"Wah!Bianca!!" sigaw ni Ianna ng mapansin ang kaibigan saka niyakap ito ng mahigpit

Isang malakas na putok ng baril ang narinig nilang lahat at ramdam nilang malapit lang iyon sa kanilang kinaroroonan

*BANG*

Agad itong sinundan ng tatlong magkakasabay na putok na palapit ng palapit sa kanilang kinatatayuan

*BANG* *BANG* *BANG*

"Pumasok kayo sa room!magtago kayo!!" utos ni Clint

"Ikaw?Pano ka?" sigaw ni Yzel

"May gagawin lang ako,Junrex sumama ka sakin" sigaw nito at agad na tumakbo pa alis kasama si Junrex

Walang nagawa si Yzel kundi sundin ang sinabi ng kaklase, pumasok silang lahat sa classroom pero nahagip ng kanyang mata ang isang kaklaseng tumatakbo paalis,susundan niya sana ito ng biglang hilain ni Bianca ang kamay niya sabay lock sa pinto.

Lahat ay hinahabol ang kanilang hininga dahil sa kaba.

Isang maliit na bagay ang biglang gumulong sa gitna ng classroom at agad na nagbuga ng isang usok,isang pampatulog na usok.

Agad natabunan ang usok ang classroom

"Uho!Uho!Guys ~ nahihirapan akong huminga" sigaw ni Edelyn na may hika

"Tulong!" naghihingalong sigaw ni Carl na may hika din

Walang silang nagawa dahil sa kapal ng usok.Isang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na ang lahat.

Ng makita niyang tulog na ang lahat ay agad niyang inumpisahan ang pag tali sa kanyang mga kaklase.Hihintayin nalang niya ang magising ang mga ito para patayin niya lahat ng dilat ang mga mata.





To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon