CHAPTER 30

14.6K 238 12
                                    

Third Person's Pov.

Umaga pa lang ay si Lawrence na agad ang inisip ni Bianca,hindi na niya kasi ito ma contact,paulit-ulit itong naglalakad sa isang sulok ng dorm nila,kaya nahihilo na rin sina Ianna sa ginagawa niya

"Uy!Bianczz,ang nerbyosa mo talaga,stop calling na nga him,papasok din naman tayo ngayon sa room,and i'm really sure na makikita mo yang nobyo mo dun" mataray na wika ni Ianna,nahihilo na kasi siya sa ginagawa ng kaibigan

Pinaupo naman ni Kirsten ang kaibigan sa maliit na upuan sa dorm nila at pinainum ng tubig

"Kalma lang" mahinahong sabi ni Kirsten sabay haplos sa likod nito

"Iba na kasi pakiramdam ko eh" nanginginig ang boses nito at halatang kinakabahan

"Puntahan ko muna siya" wika nito at tumayo

"Kakapunta mo lang dun diba??pero sabi ni Junrex hindi pa raw umuuwi si Rence na natural naman daw na ginagawa niya" nakapamewang na usal ni Kirsten sa haral ng kaibigan

Matapos maghanda ang magkakaibigan ay pumasok na sila sa skwela,agad namang hinanap ng mga mata niya si Lawrene pero nabigo siya

"Nasan na ba yung halimaw na yun!" kinakabahang bulong niya sa kanyang sarili

"Maaga pa oh?Na la-late naman yun minsan eh" pagpapakalma ni Yzel sa kaibigan

Hinanap naman agad din ng mga mata niya ang mga ka doormmates nito pero nabigo rin siya

"Puntahan ko muna dorm nila.." akmang tatayo na si Bianca sa upuan niya pero pinigilan siya ni Ianna at suminyas na bumalik sa pag-upo dahil paparating na teacher nila.

Napakagat nalang si Bianca sa mga kuko niya at panay tagaktak ang mga pawis niya sa mukha

Nangangalahati na sila sa first subject pero wala paring Lawrence na nagpakita kahit anino man nito gayun nadin ang mga ka doormmates nito na sina Clint.

Dumaan na ang Recess at Lunch pero pinipigilan nina Yzel si Bianca na umalis,dahil pupuntahan lang daw nila ito pagkatapos ng klase

Nung matapos na ang klase agad nilang tinungo ang dorm nito na katapat lang din ng dorm nila

*tok tok tok*

Bumukas ng kaunti ang pintuan at iniluwa nito si CrisMar.

Kumunot lang ang noo ng binata

"Bat absent kayong mag ka dormmates??" agad na tanong ni Ianna

"Nasan si Lawrence" dagdag ni Bianca

Mas nilakihan pa ni CrisMar. Ang bukas ng pintuan at nakita nila ang mga parang walang kaluluwa na sina Rhane,Clint at Junrex na nakaupo sa kani-kanilang higaan na nakasuot pa ng mga uniporme nila.

"Hoy!sumagot nga kayo?!" iritang sigaw ni Ianna sa mga binata

Natuon naman ang pansin ni Bianca sa higaan ni Lawrence,nakita niya itong nakahiga roon kaya nabawasan ang kaba niya at kumurba ang isang ngiti sa kanyang labi.Pero sa sulok ng kanyang mata ay may napansin siyang parang kulay pula na nasa kumot nito

Pumasok siya bigla sa kwarto at tumakbo papunta kay Lawrence,hinawakan niya ito at ganun nalang ang gulat niya ng maramdaman niya ang napakalamig ng katawan nito,isa agad ang pumasok sa isip niya yun ay kung patay na ba si Lawrence,isa-isang tiningnan ni Bianca ang mga ka dormmates nito na wari mo'y tinatanong niya ito sa kanilang mga mata

"Una si Archel..sumunod si James....ta-t-tas ngay--ngayon si Lawr-law-lawrence" naluluhang wika ni Rhane kasabay nun ang pagtulo ng luha ni Bianca,ipinaharap niya ang katawan ni Lawrence sa kanya at nagulat siya sa kanyang nakita gayun din sina Ianna na nasa labas,ang daming butas nito sa mukha,pati sa iba't ibang parte ng katawan nito,lumuhod siya sa sahig at umiyak sa katawan ng nobyo,hindi niya alintana ang amoy o kung patay na ba ito,ang gusto niya lang sa mga oras na yun ay hustisya!

"Kanina papasok na sana kami kaso pagbukas ko ng pinto agad na tumambad ang patay na katawan ni Lawrence" pahayag ni Junrex na halatang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha

Buong gabing hindi nagsalita si Bianca,hindi rin ito kumakain o kahit uminom lang man ng tubig.Kasalukuyan silang nasa kusina,pinipilit si Bianca na kumain kahit isa o dalawang kutsara lang man.

"Bianca kumain ka na please,alam ko yang nararamdaman mo ngayon,pero kung mananatili kang tulala,baka sumunod ka ng maaga kay Lawrence gusto mo ba yun?" mahinahong pakiusap ni Kirsten dito,napatingin siya sa dalaga at nagsalita

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko" kinuha niya ang kutsarang hawak ni Kirsten at itinapon ito kung saan,pagkatapos niyang gawin iyon ay nag walk out ito

"Ok lang yan,intindihin muna natin siya" ani Yzel sabay yakap sa natulalang si Kirsten

Lumabas muna ng kusina si Yzel para e-check si Bianca sa dorm nila,sumunod naman si Ianna at Clint sa kanya.

Habang naglalakad ay huminto ang elevator sa floor nila at bumukas,iniluwa nito ang isang duguang babae,pilit itong gumapang palabas ng elevator at humihingi ng tulong

"Tulungan niyo ko!tulong!" lakas loob nitong sigaw

Nagtago naman si Ianna sa likod ni Yzel ng makita ang duguang babae,unti-unting lumapit si Yzel at halatang may balak na tulungan ang babae

"Anong binabalak mo?" hinawakan ni Clint ang braso ni Yzel para pigilan ito

"Yzel you know the rule,na kapag tumulong tayo sa iba baka ma dead din tayo" ani Ianna

Pamilyar kay Yzel ang babae parang nakita niya na ito sa kung saan

Nagmatigas ang dalaga at lumapit sa naghihingalong babae,walang nagawa sina Clint at Ianna kaya sinundan narin nila ito

Nang makalapit na si Yzel rito ay nakilala niya agad ito,siya yung kaklase at ka dormmate ng kapatid niyang si Shainna

"Sinong may gawa sayo nito?" agad na tanong niya sa naghihingalong babae

"Yzel lets go na!" tawag ni Ianna sa dalaga pero di ito nakinig

"Y.."

"Sige ituloy mo lang" nanginginig na sabi ni Yzel

"Sh.."

"Ano ba talaga,paiba-iba bess eh!kanina Y ngayon Sh??tell us the full name para matapos na" parang rumaragasang sabi ni Ianna dahil sa kaba

"Sh..inn..iza..de,s-si Yn..na" pagkatapos nun ay agad itong nawalan ng buhay

Napaupo sa sahig si Yzel sa narinig niya,

"Hindi maari.." agad na naisip niya

"Hala!dead na~!!" tili ni Ianna

Napailing-iling si Yzel at hindi parin alam kung maniniwala ba siya

"Pero ano yung sabi niya Sh..nn ---- tayka Shainna Elizalde!" ani Ianna at napatakip sa bibig niya

"Kapatid mo yun diba?" mahinang tanong nito

Tumango ng isang beses si Yzel bilang sagot sa tanong ni Ianna

Inalalayan ni Clint si Yzel na tumayo oara ihatid sa dorm nito

"Hindi maaaring si Ynna ang gumawa nun,imposible" nakaramdam siya ng mainit na likido na tumulo sa kanyang mga pisngi,hindi niya matanggap ang nalaman,nagsisi siyang tinanong pa niya yung babae.Pero kahit ganun ay nagbabasakali parin si Yzel na hindi totoo ang sinabi ng babaeng yun kaya aalamin niya ang totoo

To be continued...

VOTE | COMMENT | FOLLOW

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now