CHAPTER 26

15.8K 229 12
                                    

Yzel's Pov.

Lutang ako at wala sa isip na naglalakad sa hallway ng school ng mag-isa.

Hindi ko alam kung anong gagawin,ang daming tanong sa utak ko.

Feeling ko sasabog na to eh.

Ipinikit ko ang aking mga mata at patuloy parin sa paglalakad,

Bigla akong natumba dahil may kung anong bagay na nakaharang sa aking dinaraanan,tiningnan ko ito at ganun nalang ang aking pagkagulat dahil isa pala itong bangkay.

Napapatakip ako sa aking bibig para pigilan ang sarili kong sumigaw,umatras akong nakatalikod ng dahan dahan palayo sa nakakasukang bangkay na iyon.Bigla naman may kung anong bagay ulit na humarang sa aking likuran,akin itong nilingon at isa na namang bangkay.

Biglang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa aking mga mata.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang mga palad at nagpatuloy sa pag-iyak,tanging paghagulgul ko lang ang maririnig sa bahagi ng hallway na yun.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at ngayon ko lang namalayan na nagkalat ang bangkay roon.

Napunta ako sa isang sulok ng hindi ko nalalaman,umiyak ako sa aking mga tuhod at patuloy parin sa paghagulgol..

Puro dugo ang sahig,puro patay sa paligid,pano ako makakaalis sa takot kong nararamdaman ngayon.

Hindi si Yzel ang umiiyak ngayon,ang Yzel ngayon ay Matapang at di iyakin,hindi ako to,hindi ako ang umiiyak,sino ka??

"Samantha.."

"Samantha.."

"Samantha.."

Nakarinig ako ng pamilyar na boses sa di kalayuan.

"Boses ko yun.." Sabi ko sa aking sarili

Nakita ko ang isang bata na patakbo-takbo na tila ba'y may hinahabol

"Ako yun.." pinunasan ko ang mga luha sa aking mata para maaninag ko ng maayos ang batang yun

"Samantha!" sigaw siya ng sigaw

Bigla namang may lumitaw na isa pang batang babae na mas matangkad ng kaunti sa batang ako

"Ano ang meron sa pangalang Samantha?" naguguluhan lalo ang utak ko ngayon

Bat ko to nakikita?

Sino ang isang batang babae??

"Samantha" niyakap ng batang Yzel ang batang babaeng yun

Blanko ang utak ko sa mga nangyayari sa paligid ko ngayon

"Mga bata.." kinusot-kusot ko ang aking mga mata para mas makita ng malinaw ang dalawang mestiryosong batang babae na nakikita ko

Nakita ko ang batang Yzel nakatingin sa akin at nakangiti,habang yung isang bata naman ay diko makita ang mukha,tanging katawan lang nito

"Mga bata,anong ginagawa niyo dito?" mahinahon kong tanong sa kanila

"Tulong.." biglang nagsalita yung isang bata,humihingi siya ng tulong

"Tulong.." bat siya humihingi sakin ng tulong??

"Ano ang pwede kong itulong?" nanginginig kong tanong

"TULONG~!!" matapos niyang bigkasin ulit ang salitang tulong ay tila ba'y nakakabingi ito dahil sa lakas,yung boses niya ay nag echo sa lugar na yun,masisira ata ang eardrums ko dahil sa lakas

Tinakpan ko ang mga tenga ko at isinuksok ko ang aking mukha sa aking tuhod,makalipas ang ilang segundo ay nakaramdam ako ng init,na parang nasusunog ang aking paligid.

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now