CHAPTER 19

17.9K 247 14
                                    

Yzel's Pov.

Pumasok ako ng maaga sa room kasama sila Kirsten,Ianna at Bianca,marami-rami narin ang mga tao sa hallway

Malapit na kami sa room pero habang naglalakad kami,bigla kaming nakarinig ng sigaw at malapit yun sa room namin!

"AHHHHHHHHHHHHHH!"

Pamilyar sakin yung boses ng sumisigaw

Tumakbo kami para malaman kung ano ang nangyayari,agad naming binuksan ang room pero wala dun ang ingay

"Section C" sabi ni Bianca

"Ynna.." bulong ko

"Sino si Ynna??" takang tanong ni Kirsten

"Kapatid ko" agad kong tinungo ang Sec.C na katabi lang ng room namin

Bumulaga sa aming apat ang isang babaeng nakaupo habang yakap-yakap ang isang estudyanteng pugot ang ulo

"Ynna.." mahinang tawag ko sa kanya

Inangat niya ang kanyang ulo saka agad akong niyakap

"Ate!huhuhu" para akong inilagay sa freezer nung mga time na yun

Akala ko naman may nangyari ng masama sa kanya

--Flashforward--

"Grabe!bat di mo man lang kami na inform na may kapatid ka pala,wala ka bang tiwala sa amin?" bulyaw ni Bianca

"Hindi naman sa ganun,kasi it's my parents choice na itago si Ynna sa lahat,dahil.."

Inilapit nilang tatlo ang mga mukha nila sakin at hinihintay ang susunod kong sasabihin

"Dahil anak siya sa labas" nakayuko kong sabi,umayos sila sa kanilang pag-upo

"Sorry" mahinang sabi ni Ianna

"Ok lang.." sagot ko

--Lunch Break--

Hindi kami bumalik sa dormitory para kumain,dito nalang kasi kami kumain ng lunch sa room,tinatamad na raw kasi silang bumalik -_-

Nakisabay naman sina Lawrence,Kath,Melody,Rhane,Junrex,James,Clint at CrisMar. Sa amin kaya naging maingay ang lunchbreak naming lahat

Nang matapos na kaming lahat sa pagkain biglang nag-open ng topic si Kirsten

"Nakapagtataka,bat kaya di na pumapatay ang killer,2 days na rin" mahinang wika niya

"Pasalamat nga tayo at ganun eh,kaysa naman araw-araw yung bwesit na yun pumatay" inis na sabi ni James,nagulat naman kami kasi di naman siya ganun kung magsalita noon eh

"Magsitahimik nga kayo,diba nga..nasa paligid lang ang killer,there's a big possibility nga eh na,nandito lang sa atin ang killer" wika ni Ianna

"This time,don't trust anyone,just trust your self" singit ko dahilan para matahimik sila

*tick*

*tock*

*tick*

*tock*

"May nakuha akong goodnews" pagbabasag ni Kirsten sa katahimikan

"Make sure its a 101.1% GOOD NEWS" maarteng saad ni Melody

"Oo naman 101.02% good news to" taas noong sabi ni Kirsten

"So ano,sabihin mo na!" iritang sabi ni Rhane

"Walang grade 11-12 dito" nakangisi niyang sabi

"Sigurado ka jan?" takang tanong ni Kath

"Oo naman,pinaguusapan yan ngayon" saad pa niya

"Tss,may grade 11-12 man dito o wala,mamamatay pa rin tayong lahat!" bitter nitong si Lawrence -_-

"Wag ka namang magsalita ng ganyan" nanginginig na sabi ni Cheska

"Tingnan mo tuloy natakot si Cheska" sabi ni Ianna sabay yakap sa dalaga

Ayan na naman ang malakas na hangin,kinilabutan kami,halos lahat ng balahibo sa aming katawan ay nag si tayuan.

*Katahimikan*

"AHHHHH!"

"TULONG!!!"

"WAGGGGGG!"

"ARGH!"

"TULONGAN NIYO KO!!"

Biglang umalingawngaw ang mga sigawan ng estudyante na wari mo'y humihingi ng tulong,hindi lang sigaw ang narinig namin, isang nakakakilabot na-- hindi ko maipaliwanag -_-

Tinakpan namin ang aming mga tenga,yung iba sa amin ay nagyakapan dahil sa takot si Lawrene naman tinakbo ang pintuan saka ni-lock

Tumagal ng halos 5 minuto ang ingay sa labas

Naghintay pa kami ng 5 minuto para masiguradong tapos na ang kaguluhan sa labas

Isa-isa kaming lumabas at ganun nalang ang gulat ng bawat isa sa amin nang makita namin ang nangyari,ang makintab na sahig ng HVHU nabalutan ng dugo,parang nag baha ng dugo.

Kahit saang banda ka tumingin sa paligid ay makikita kang patay,may mga putol ang ulo,putol ang paa,kamay meron ding winakwak yung tiyan yung iba nga'y naglabasan na ang mga lamang loob kaya hindi naiwasan ng iba sa amin ang masuka

"Hindi to kagagawan ng mga killer ng university" sabi ng isip ko,napaka imposible naman kasi

*BOGSH*

"Rhane!" napalingon ako dahil biglang sumigaw si Bianca

Natumba si Rhane sa di namin maipaliwanag na dahilan,agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang pulsuhan at idinikit ko naman ang tenga ko sa kanyang dibdib

*dug dug dug dug dug dug*

"Nawalan lang siya ng malay" sabi ko kaya nabawasan ang kaba ng lahat lalo na si Ianna

Nandidiri man kami dahil sa kababoyang nangyari sa labas ng classroom ay lumabas parin kami para bumalik sa dormitory,may mga nadadaan din kaming mga estudyanteng duguan,at mga nag iiyakan

Habang naglalakad kami pabalik sa dorm ay nakasabay ko sa paglalakad si Clint

"Tingin mo,anong nangyari kanina??" kunot noo kong tanong sa kanya

"Hindi ang mga killer ang may gawa nun,kagagawan yun ng demonyong komokontrol sa lahat ng bagay dito sa HVHU" deritso niyang sagot

May point naman siya,remember yung pagkamatay ni Jessa,katulad din yun ng nangyari sa pagkamatay niya,humangin din ng malakas nun at saka halos sabay na nagbagsakan ang mga katawan ng mga estudyante sa sahig

Nang makarating na kami sa mga dorms namin ay walang ni isang kumain dahil naiisip pa rin nila yung mga nakakadiring sinapit ng mga estudyante kanina

Kinabuksan parang minagic lang dahil malinis na ang buong paligid,parang walang nangyari,makinis na ulit yung sahig sa paligid,naayos narin ang mga nasira at natumbang mga gamit.

Nakapagtataka man pero di na namin pinansin,halos 25 palang kami sa classroom,baka late lang yung iba

"Good morning class"

"Good morning ma'am"

Second subject na pero lahat kami ay matatamlay parin

"Miss vice president" tawag ni Ma'am sakin

May iniabot siyang papel at halos malaglag ang panga ko sa aking nabasa

"3.." bulong ko

"Yzel,ano yan??share mo nemen!" sigaw ni Bianca,'langya,may teacher sa harap pero kung maka sigaw eh talo pa niya ang megaphone sa lakas

"Tatlo ang namatay kahapon sina Jaica,Louie at Ervin" nakayuko kung sabi

At as usual ng marinig nila yun eh nag iyakan na naman ang mga kaklase ko,pati si Ma'am umiyak na rin,ako nalang ata ang hindi

To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now