New Classmate

2.9K 120 0
                                    

Shannen on media
---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph PoV

'Pre ano kaya itsura ng 2nd town?'

'Rokoko daw pangalan.'

'Maganda daw dun. Ang daming dungeons.'

'Oy tara mamaya.'

'Game...'

Haayy. Yan ang usap-usapan sa school. Kung makapag-usap naman sila akala mo 2nd map na yung na open. Eh town palang naman. Sabagay, mahirap din naman kasi iopen ang isang town. Malawak naman kasi ang isang town pero mas maganda parin kung mas maraming town ang mapupuntahan. Pero nagtataka talaga ako kung bakit nakapunta kami ni Zed sa 2nd Town eh hind pa naman nauunlock yun. Hindi kaya.. nevermind. Hahaha.

"Yow!! Good morning Raph!!" Sigaw ni Zed. Hyper naman nito.

"Morning." Sagot ko naman at umupo na sa upuan ko. Ibinagsak ko nalang ang ulo ko dahil inaantok pa ako. Mayat-maya dumating na si Mam Flor

"Ok class, inayos namin ang bawat section. And sadly, may aalis sa section na ito. Sorry pero hindi ko rin ito ginusto. Yung mga matatawag paki kuha nalang ang bag at pumunta sa Grade 10 section B." Nagtawag na si mam ng mga pangalan. Sure naman ako na dito parin ako. Matalino naman ako kaya hindi ko ito proproblemahin. Yung mga natawag halatang dismayado. Sino ba naman ang gustong mapunta sa section B diba?

"And you have a new classmates. Mga ihot iha pasok na kayo." Classmates? Ang dami naman.

"Yow mga niggass!!" Napatayo nalang ako sa gulat. Tinignan ko rin si Zed at gaya ko gulat na gulat din siya.

"I'm doomed." Sabi niya. Pumasok sila Chanu, Nard, Ando, Rolly, Deb, Ace, at Franchelle.

"Tol, pakisabi nalang sa kanila na mamamatay na ako!" Sabi niya habang nag aacting na mamamatay na. Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Magpakilala na kayo mga iho't iha."

"Yow. Christian Ramos here. Chanu nalang." Chan

"Rolando here." Ando

"Rolly James Aresga pala." Rolly

"Tabor, Meynard in the house yow!!" Nard.

"Deborah Tacipit po. Please to meet you." Deb

"Ace." Ace

"Franchelle Angeli Dela Cruz." Franchelle

Nagulat ang lahat sa huling nagsalita. Napatingin silang lahat sa katabi ko.

"Hanep! May kapatid ka pala Zed?!" Tanong nila.

"Obvious ba?!" Sagot naman ni Zed. Pinaupo na ni mam sila chan. At nakatabi ko si Franchelle. Nakakakaba naman. Pero bakit ba ako kinakabahan? Aish. Whatever.

Nagdidisscuss na si mam pero bigla nalang bumukas ang pintuan at iniluwa ang dalawang nag-gagandahang dilag.

"Am I late?" Tanong nung girl na mahaba ang buhok. Maputi, maganda. May katangkaran. Yung katabi naman niya, maganda rin siya at maputi. Halos wala silang pinagka-iba.

"No. Just in time. Pakilala kayo."

Napatingin naman ako sa katabi ko. Numumutla siya para siyang nakakita ng multo.

"Double doomed!" Sabi niya habang nangingig pa.

"Shannen Kaye Tolero. At ang katabi ko si Dianne Andallo." Saad nung kumausap kay mam kanina. Napatingin sila sa gawi namin at sumilay ang dalawang ngisi.

"Zed!!" Sabay nilang sabi habang tumatakbo sila papunta kay Zed.

"Oh come on!! Tigilan niya na ako please lang." Pagmamaka-awa ni Zed. Haha.

"Tsk. Later." Sabi nung Dianne ba yun? Umupo sila sa harapan namin.

"Hi. Late na ba ako?" Isang magandang tinig ang narinig ko. However, mukhang kilala ko na kung sino yan. Sinabihan na siya ni mam na magpakilala.

"Athena Dizon po." Sabi niya sabay bow.

"Thripple doomed!!!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Short update.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon