The Black Government

3.3K 120 1
                                    

An: wala munang aksiyon. School muna tayo ngayon :p

Dianne on media
---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph's PoV

Nakatambay ako ngayon sa rooftop. Breaktime namin ngayon at wala na kaming klase. May meeting na naman DAW ang mga teachers. Ewan ko ba kung bakit lately panay meeting sila. Whatever, as if I care. Masarap talaga tumbay dito. Lalo na't tahimik an--

"Yow bro! Dito ka lang pala pinahirapan mo pa akong hanapin ka! Hindi mo ba alam na namiss kita!"

Haays. Kung kailan tatahimik na sumulpot pa yung isa.

"Pwede ba? Tumahimik ka? Wag ka magrap mukha kang tanga!" Banat ko sa kanya. Eh sa nagrap siya eh.

"Anyway, hinahanap ka ng tropa. Dun tayo sa canteen tambay muna! Ano pang ginagawa mo tara! Yow!" Ani naman ni Zed. Hahaha mukha siyang baliw. Tumayo na ako at sumama sa kanya. Halos kinaladkad na niya ako papuntang canteen. Grabe excited?

"Nandito na kami!" Sigaw nito habang hila-hila parin ako. Napatingin lahat ng tao sa canteen sa amin. Ay kay Zed lang pala.

As usual sa dating pwesto. Nandito sina Athena, Ace, Deb, Rolly, Rolando, Maynard, Christian, Zed, Franchelle at siyempre ako. Baka makalimutan ko eh. May kanya-kanya silang mundo. Si Ace nagkwekwentuhan sila ni Chan. Ewan ko ba, parang may something talaga itong dalawa eh. Si Nard at Ando naman nagtatalo kung sino "DAW" ang mas gwapo sa kanila. Hindi naman nag iimikan sina Rolly at Deb. Isa rin ang mga ito eh. Ganun din sina Athena at Zed. Habang kami naman ni Franchelle ay wala lang.

"Oh? Anong mukha niyan? Anong problema niyong anim?" Sumulpot sa tabi ko si... erm.. Shannen? Ah, oo Shannen nga. Tumabi naman kay Zed si Dianne at inakbayan ito. Mas lalong bumusangot ang mukha ni Athena ng nakita niya ito. Alam na this. Bumaling sa akin si Shannen.

"Shannen Kaye M. Tolero nga pala. Anong pangalan mo?"

Sasagot na sana ako ng putulin na naman nila ako.

"Raphael" Rolly

"Angelo" Christian

"Leonardo" Meynard

"Donatello" Rolando

"De ninja turtle hahahaha" Zed

"Anong ninja turtle? Cruz yon! Cruz!" Sigaw naman ni Athena kay Zed. Teka? Dejavu ito ah. Nangyari na naman ito.

"Ha? Ano ba talaga pangalan mo?" Tanong naman ni Dianne habang nakatingin sa akin.

"Ah, yun yung name ko. Full name ko." Sagot ko naman. Tumango lang ito bilang tugon.

"Ang haba naman. Raph nalang tawag ko sayo. Ok? Ok." Sabi naman ni Shannen.

Isang oras na ang nakalilipas at mukhang namatayan na ang mga kasama ko. Boring daw kaya yung iba kumalumbaba na at parang matutulog na. Mukhang mamamatay na ata sila.

"Uhm, magkwentuhan nalang kaya tayo." Biglang kong sinabi. Napatingin naman silang lahat sa akin. Napayuko nalang ako kasi nakakahiya.

"Great idea. Ikwekwento ko sayo kung pano kami nagkakakilakilala. Ok lang ba?" Sagot naman ni Shannen. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Ok makinig ka ah?"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Shannen PoV

Hi guys. Shannen here. Kilala niyo na ako kaya hindi na ako magpapakilala. At yung kasama ko si Dianne yon. Makulit yun kaso may problema ata sila kaya hindi ko muna pinapakialaman.

Nandito kami ngayon sa canteen. Tinanong ni Raph kung pwedeng makwentuhan nalang kami kaya pumayag ako. Ikwekwento ko sa kanya kung paano kami nagkakila-kilala.

Magkababata kami. Ang unang nabuong magkaibigan. Ang C.A.R.D.S. means Carmela, Alyssa, Rolando, Dianne, Shannen. Palagi kaming magkakasama. Bata palang kami pero halos di na kami mapaghiwalay. Nag-aral kami sa isang elite school at doon namin nakilala si Zed. Kasama niya si Deb at Christian at Meynard. Nakilala namin si Jewel na pinsan pala namin. At nakilala rin namin si Andrea na astig pumorma. Si Mia na lagi naming binibiro. Si Cindy na grade concious. At si Rolly na bagong lipat mula sa isang probinsiya. Dun nabuo ang J.A.M.C.C.C.R.R.A.D.S.Z.. Simula noon lagi kaming magkakasama. Pero di ko inaasahan na may kapilyuhan silang taglay. Pero sa pungunguna siyempre ni Dianne. Pero siyempre may katalinuhan din kami kaya kahit di na kami mag aral pero talagang kinatatakutan nila kami. Doon na ulit kami nagkaroon ng bagong pangalan at codenames. Pinangalanan kami ng iba namin kaklase at sections. Pinangalanan kaming Black Government. Mga bata palang kami pero may aking kapilyuhan na kami. Pero naghiwa-hiwalay kami nung grumaduate kami. Doon na kami nagbago. Namimiss ko na sila. Magkasama kami ni Dianne at marami na kaming nakilala pero walang tatalo sa kanila. Sa samahan namin. Nagtransfer kami dito dahil sa trip lang namin. At di ko aakalain na nandito yung limang ugok. Kasama rin pala sina Ace, Deb at si Franchelle ang kambal ni Zed. Pati narin si Athena na kaklase namin. At ngayon nadagdag ka sa list of friends namin. Isa ka ng miyembro ng Black Government.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph PoV

Napawow ako sa samahan nila. Pero at the same time natakot. Siyempre mga pilyo sila.  Napawalk-out na daw nila ang teacher nila. Nagcutting nadin sila. Hindi daw sila umattend sa school ng 1 week. Oh diba? Pero ano daw?

"H-huh? Ako miyembro?" Ako? Miyembro ng Black Government? Pero mabait naman ako ah.

"Hindi sa pagiging masama ang katangian ng isang BG member. Kundi ang kabaitan na may halong kakulitan at pagmamahal. Nakikita ni Shannen sayo ang katangian na iyon kaya pinili ka niya." Si Dianne na ang sumagot.

"Nga pala. Naglalaro ba kayo ng NLO?" Chan

"Of course. Sikat na sikat yan sa buong mundo no." Shannen

"Kita-kita tayo sa Sofya." Dianne

Napagpasyahan na naming umuwi kasi wala na daw klase. Bago kami umuwi tinatakan nila ako ng "BG" sa may leeg. Lahat daw sila mayroong ganito. Even Franchelle.

Kumain na ako at hinugasan ang ginamit ko. Wala ang bantay ko dahil may trabaho rin ito. Pumasok na ako sa kwarto at naglog-in. Hahanapin ko pa sina Dianne at Shannen.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon