「Third Map Cleared, New Updates」

1.6K 46 11
                                    

Ting!

Balthazzar: The King (Demonic) has been slain.

Ting!

Balanar: The Second Brother (Demonic) has been slain.

Ting!

Bralar: The Third Brother (Demonic) has been slain.

Ting!

Third Town: Minaula has been cleared. Fourth Town will be unlock after 24 hours.

Ting!

Dear players,

Sorry for the long system update as some bugs have been found inside the game. We made actions as we found this problems and currently fixing. Please be advice to log-out within 5 minutes. I repeat, log-out within 5 minutes to start the update. Various gift will be given to every players for the inconvenience. Have a good day.

GM Mi

Limang sunod-sunod na notification ang bumungad sa lahat ng manlalaro kasabay ang pagkagulat nila ng nabasa nila ang naunang tatlong mensahe.

"What the fck? Tatlong Demonic Boss? As in?"

"Mga halimaw sila kung sino mang mga baliw na pagsabayin ang tatlong Demonic boss."

"Ayos! Makakapunta na tayo sa Fourth town."

"Dali! Tignan niyo kung sino nakapatay sa boss."

"Log-out na mga tanga!!! Magkakaroon ng system update. Bahala na kayo sa mga buhay niyo."

Naging maingay ang buong game dahil sa samu't saring mga diskusyon pero kalaunan ay agad ding tumahimik sa kadahilanang naglog-out na ang mga players.

Sunday Morning

Time: 9:30

Location: Mall

Kasalukuyang nagliliwaliw ang magbabarkada. Napagdesisyonan nilang total hindi pa tapos ang system update ay magrelax sila dahil stress na stress sila sa mga nakaraang araw. Busy sa pagpapalevel, sa pag upgrade ng job, at sa pakikipaglaban sa mga demonic boss. Since mahilig sa lakwatsa ang dalawang Dora at isang Boots (Shannen, Dianne, at Ando), naghahanap ng adventure si Diego (Nard), at may date sina Barbie and Friends (Deb, Cye, at Franchelle) eh nagyaya silang pumunta sa mall para magsaya. Bakit mall? Eh yun yung malapit eh. Tamad din naman silang magbyahe dahil kinabukasan ay may pasok sila at mamayang gabi na ang muling pagbubukas ng game kaya minabuti nilang wag ng lumayo. Sumama narin pala sina Vianne total wala naman silang magawa.

Sina Vianne at Von ay kapwa kasapi sa Student Council sa kanilang naturang paaralan. Samantalang Varsity player sina Andrea at Aysa. Kabilang si Andrea sa Taekwondo at Volleyball samantalang Table Tennis naman si Aysa. Sina Richelle at Erika naman ay parehas na honor students, samantalang sina Lorenzo, Khalil at Raven ay mga normal na estudyante lamang.

Nagkita-kita silang lahat sa mall mga bandang alas nuebe ng umaga. Nagulat nga ang iba sa kanila ng makita ang itsura nila Lorenzo, Khalil at Raven. Gwapo silang tatlo. Si Raven ay isang singer.

Nagkayayaan ang tatlong kumag namely Nard, Chan, at Ando na magvideoke at napasama si Raven kaya naman naipakita niya ang galing niya sa pagkanta na siyang nagpatunganga sa tatlong lalaking basag ang boses.

Sina Dianne at Shannen naman ay nagkanya-kanyang shopping. Habang nagsho-shopping si Shannen ay nagkita ulit sila ni Jermaine kaya naman laking pasalamat ni Shannen sa panginoon nung nakuha niya ang number ng kaniyang sisteret.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon