「Rewards: Guild House and Skill Book」

2.4K 90 13
                                    

Raph Pov

"I mean, ang lalakas nila. Sobrang nanginginig ako kagabi nung pinapanood ko yung laban. Naibroadcast nga kaninang umaga eh." Boy 1

"Oo nga bro! Kahit lang naman sana makasali tayo sa party nila kahit minsan lang!" Boy 2

"Tama........." Boy 3

Mula nung pagpasok ko sa school halos iisang topic lang talaga yung pinag-uusapan nila. Yung tournament kagabi. Pagkatapos ng laban namin ay nahimatay ako at naforce log-out. Sa sobrang pagod ko ay deretso tulog nalang din ako. Hindi ko na natanggal yung Nerve Gear ko. Saka ko lang nalaman yung resulta nung nanonood ako ng t.v. and to tell you honestly, sobrang lakas ko pala. Ngayon ko lang nalaman.

And the thing is, nakakahiya. I mean, maraming tao ang gustong malaman kung sino si Shadow in real life pero I'm 100% sure na madidisappoint sila dahil ang LAKI ng pagkakaiba nila in game and in real life.

Ganoon parin ang topic hanggang sa makarating ako sa room. Well, ano nga pala yung rewards? Sana naman maganda.

"Wassup!!" Chan

"Woot! Woot! Libre mamaya ah?!" Ando

"Si Zed ang taya ngayon!" Rolly

"Oy, wag niyong kalimutan si Raph!" Nard

"San tayo mamaya? Bar?!" Chan

Pak* Pak* Pak* Pak* Pak*

"Aray! Ba't niyo ako binatukan!" Chan

"Sige, magsalita ka pa at ipapasubo ko sayo itong bag ko." Ace

"Wag na wag mong idadamay si Rolly ko sa mga kalokohan mo! Ha?! Naintindihan mo?!!!" Deb

"Geez, mabait si Zed ko ok? Kaya wag na wag mong i-impluwensiyahan si Zed ko." Cyrene

"Magma-mall pa kami nila Ando at Nard kaya ikaw!! Wag na wag mo silang idadamay sa kabulastugan mo! Maliwanag?!" Dianne

"Tama! Tama! *nod, nod*" Shannen

Halos hindi na makapagsalita si Chan dahil sa sunod-sunod na sermon na nanggaling sa limang babae. Hahaha, ikaw ba naman mapasubo sa limang tigre may magagawa ka pa ba? Samantalang sila Ando at Nard naman ay halatang nahihirapan sila sa pagpigil sa kanilang tawa dahil namumula na mga mukha nila tapos sila Zed naman at Rolly ay namumula dahil sa mga sinabi nila Cyrene at Deb. Napailing nalang din ako sa kakulitan nila. Pumunta na ako sa upuan ko at pinanood ang mga taong walang magawa kundi mag-away. Wait? Saan kaya yung babaeng iyon?

"Morning *yawn*" Franchelle

Speaking of the devil. Imbes na dumeretso sa upuan niya ay pumunta siya sa upuan ko at sumiksik sakin saka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko at natulog ulit. Ang cute naman ng babaeng to. Pero bakit sobrang puyat naman ata niya?

"She's not a morning person. Ayaw na ayaw niya ng nagigising ng maaga. Kung hindi ko pa nga ginising yan kanina baka hindi na yan nakapasok." Zed

"Lahat naman tayo dito puyat ah. At, *whisper* ang galing mo kagabi. Napabilib mo talaga ako." Cyrene

Although bulong lang iyon, sakto lang para marinig ko.

"Ok, ok. Go back to your seats at mag-umpisa na tayo sa subject natin. Alam kong marami ang puyat sa inyo dahil sa laban ni Light at ni Shadow na talaga namang nakakabilib, kailangan niyo parin makinig. Binibigyan ko kayo ng permisong matulog, pero walang mag-iingay. Maliwanag?" Mam Flor

"Yes Mam!" Students

Halos karamihan ng students ay natulog. Mga iilan lang ang mga natitirang pilit linalabanan ang tukso. Hahaha, tukso talaga. Oh well, hindi naman ako gaanong inaantok kaya naman nakinig nalang din ako. Pero, paaano nalaman yun ni mam? Di kaya naglalaro din siya? Nah, saka ko nalang iyon proproblemahin.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon