「Clearing the Third Town and Job Upgrade」

2.1K 70 35
                                    

An: Dedicated to BalaneErich dahil nakakatuwa ang mga comment niya at kay imouto ruby_jul_9 na tinutulungan niya ako sa Toram XD. Sana patuloy kayo sa pagbasa nito.




Raph Pov

Sofya City
Training Hall

Kasalukuyan akong nagtretrain sa Endless Room sa training hall. Linelevel ko kasi ang skill kong Parry I sa pamamagitan ng paglaban sa mga dummy. Ang requirement para mailevel ay dapat makablock ka ng mga atake 300 times at naka 256 palang ako. Kaunti nalang at mailelevel ko na din ito. Hindi biro ang training dahil bukod sa mas mataas ang mga level nila kaysa sa akin, bawal pa akong gumamit ng skills. Isa itong function ng room. Maaari mong i-turn on ang anti-skill upang hindi mo magamit ang mga skill mo sa laro. Dahil sa paulit-ulit na pakikipaglaban sa mga dummy ay nakakuha ako ng additional skills.

Stamina UP I
Passive:

Raises Stamina slightly.

Battle Intent I
Passive:

Raises Sensibility, Speed and Evasion by 1% when in battle.

Agility I
Passive:

Raises Speed slightly.

Saktong 14 na mga skills ko. Pero parang karamihan ay active. Mas maganda sana kung passive kasi Speed ang base ko. Mga support skills ang kailangan ko kasi mahihirapan akong magcast kapag patuloy lang ako sa paggalaw.

Boom!!!

*Crashh*

Ting!

Skill Level Up!:
Parry I>>>Parry II

Note: Namali ako ng lagay sa Parry II Skill info sa chapter [Book of OP Skills?!] Dapat wala pong Required level ang skill dahil upgradable through battle and train kaya wala itong connect sa level. Edit ko po pag may time.

Ayos!! Mga ilang araw din akong nagtrain para lang mailevel itong skill na ito. Tsk, ang hirap maglevel ng mga skills na ganito.

Ting!

From: Light

All guild members, please proceed to the guild house. We will start a meeting. Attendance is a must.

Well, meeting ito siguro para sa boss mamaya. Balak kasi naming i clear na ang third town para makapunta na sa fourth town. Ano kaya itsura non?

Pagkatapos kong lumabas sa training hall ay agad akong pumunta sa Guild House. Pagkarating ko doon ay ako, si Rolly at si Zed palang ang nandoon. Wow, ang aga ah hahaha.

Umupo na ako sa tabi ni Zed at naghintay kasama nila. Maya-maya ay bumukas na ang pintuan at pumasok na ang iba. Kasama narin ang mga bagong members. Hindi naman sila mukhang out of place kasi friendly naman ang barkada. Lagi nga silang naggra-grind para lang mailevel sila. Err, mukhang ako na ata ang may pinakamababang level. Puro max na sila.

"Ok, lahat nandito na kaya simulan na natin. Habang iniiscout ko ang third town may nakita akong kakaiba. Habang naglalakad ako papunta sa gitna ng town ay may narinig akong kakaiba sa may fountain. Parang tunog ng pagmimina. Sinundan ko yung tunog at nakarating ako sa labas ng town. Sa may burol malapit sa town, may mining zone doon. Kung hindi mo titingnan maiigi, parang wala kasi natatakpan ito ng mga vines. Hindi ko muna ito pinasok. Sa tingin niyo, anong nasa loob nito?" tanong ni Zed. Napa-isip naman kami. Ano bang nasa loob?

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon