The Four Dragon Slayers

2.9K 119 6
                                    

Raph Pov

Napahiga nalang ako sa sobrang pagod. Hindi ko aakalain na makunat pala yung batong iyon.

"You ok?" Franchelle

"Yeah. I'm. Just tired."

"We should go check the others. Let's go." Franchelle.

"Yeah. Let's go."

Tumayo na ako nagsimula na kaming maglakad. Nakakaramdam ako ng kaunting pagyanig ng sahig. Habang papalapit kami sa mga kasamahan namin, mas lalong lumalakas ang pagyanig. Parang mga nagbabagsakang malalaking bato. Tumakbo na kami at gaya ng aking inaasahan. May mga malalaking bato ang nagsisibagsakan mula sa itaas. Hindi ko alam kung saan galing basta sunod-sunod ang mga pagbagsak ng mga bato. Parang ulan. Teka. Ito ba yung Rain of Chaos? Nakita ko ang mga kasamahan ko na matatamaan na sila ng bato kaya naman tumakbo ako at iniligtas sila bago pa man may matamaan. Tinulungan narin ako ni Franchelle sa pagligtas sa kanila. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat dahil sino ba naman ang magugulat. Nakatayo ka lang sa mga ilalim ng nagbabagsakang bato tapos sa isang iglap malayo ka na sa pwestong iyon.

"Sino kayo?!" Ace

"Who are you?!" Chan

"Who the hell are you?!" Shannen

"F*ck! Wag mong sabihing kalaban kayo?!" Dianne

-_-

Ang oa ha. Napatingin ako sa kanila with straight face. Kung ano-ano pinagsasabi nila.

"Raph, we should go help Kuya Rolly. He needs back up" Franchelle.

"Ok."

"Oy! Oy! Teka lang." Ando

"P*ta, wag niyo kaming iwan!" Athena

Hindi ko na sila pinakinggan at nagtuloy-tuloy na sa lalaking kumakalaban sa boss. Isang lalakeng may dragon scales katulad ko pero hindi sa kamay kundi sa mukha. Pula ang kanyang mata at may nagsisilabasang apoy sa kanyang katawan. Normal ang kanyang nga bisig pero alam mong mainit iyon dahil sa apoy na inilalabas nito. Mabilis itong gumalaw. Nagkatinginan kami ni Franchelle at agad kong naintindihan. Pumunta ako sa likod ng boss at sinipa ng malakas paitaas. Nagulat si Rolly ng makita niyang lumilipad ang kanyang kalaban pero agad din siyang nakabawi. Pagkabagsak ng boss agad ko ulit itong sinipa papunta sa likod ko. Nakarinig ako ng malakas na impact, hindi sa sahig, kundi sa lakas ng impact ng pagkasuntok ni Franchelle at patuloy ito.

76%

70%

69%

65%

60%

Tinulungan ko na rin ito. Sinuntok ko ang kanyang mukha ng paulit-ulit. Tumulong narin sa paghit si Rolly kaya wala nang nagawa ang boss kundi tanggapin ang lahat.

54%

48%

41%

30%

21%

4%

0%

Nagkabasag-basag ang kanyang katawan. Senyales na natalo na namin ito. Napaupo si Franchelle nang dahil narin sa pagod. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo narin sa tabi niya. Napalingon siya sa akin pero nginitian ko nalang siya.

"Oy love birds, mamaya nalang pwede? Tulungan pa natin si Zed." Rolly

Tumayo na ako at inilahad ang aking kamay sa kanya. Bahagya namula ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Teka, may sakit ba ito? Kinuha niya ang kamay ko ng hindi nakatingin at tinulungan ko siyang makatayo.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon