The Shinobi and Wizard V.s. The Dragons

3.1K 130 3
                                    

Raph PoV

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t! SH*T!

Nakailang mura ako sa sobrang kaba ko. Dalawang dragon ang nasa harapan namin. Sobrang laki nila at nakakatakot. Kulay black yung shadow dragon at may armor ito. May nakatatak sa chsst plate nito na ∽. Nakakatakot ang itsura nito at may dark aura din itong inilalabas. May roon ding mga kadena ang leeg nito at mga paa. Kulay blue naman yung isa at parang may Ice crystals ito sa likod. Di gaya ng Shadow Dragon mas maamo ang mukha nito pero may inilalabas itong blue aura. Katulad ng Shadow Dragon may kadena din ang mga paa nito ngunit wala sa leeg. Napalunok ako. Ito ang makakalaban namin? Kaya ba namin? Lvl 100 EPIC boss plus na trap pa kami. Instant Death! Hindi rin kami pwedeng mag tp kasi disable ito kapag kaharap ang isang boss o di kaya malapit sa pit ng isang boss.

"Hmm? Sino kayong mga hampas lupa? Pumunta ba kayo rito para patayin kami?" Nagsalita ang Shadow Dragon at umungol ito ng malakas kaya napalunok nalang ako. Kaya ba namin ito? Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Inihanda ko ang koda ko at nagfighting stance.

"Franchelle, heal mo ako pag mamamatay na ako. Magsupport ka na din." Tumango siya bilang sagot.

"Oh? Lalaban kayo? Wag kayong mag-alala, bibilisan namin para matapos na ito." Yung blue dragon naman ang nagsalita. Lumipad silang dalawa at sabay silang bumulusok pababa. Sh*t si Franchelle.

"Franchelle! Lumayo ka at magbarrier! Ako nalang ang tatanggap ng damage!"

"Pero--"

"Just do it!" Tumakbo ako at sinalubong ko silang dalawa. Tsk. Bahala na.

"Clones!" MAy nagsilabasan na 6 na kagaya ko. Upgraded na ang clones ko kaya nadagdagan ito ng isa. Ginawa kong pananggalang ang mga clones ko pero natamaan parin ako. Tumalsik ako palayo at nabawasan ng 50% ang hp ko. Ang lakas ng impact. Buti nalang nakapagclones ako or else namatay na ako.

"Raph!! Ok ka lang?!" Sigaw ni Franchelle mula sa malayo.

Lumipad ulit ang mga dragons at bumulusok pababa. Pero inuna nila ang mga kuko nila. Parang mga agilang handang mandagit ng pagkain. Tumakbo ako at nag F.A. at tumakbo ulit. Hindi nila ako tinamaan pero hanggang dito sa kinaroroonan ko ramdam na ramdam ko ang pagyanig. Papatayin ko ba sila? Isip. Isip.

"Rooaaarrr!!!" Umungol na naman silang dalawa. Ang mga aura nila na inilalabas nila ay mas lalong lumakas. Lumipad ulit sila papunta sa akin. Tumayo ako at handa na akong lumaban. Wala ng takbuhan ito. Bahala na.

Papalapit palang sila ng may tumama sa mga mukha nila. Isang bolang umaapoy. Sunod-sunod iyon at kahit papaano may naibawas ito. Ngunit konti lang.

"Raph!! Ok ka lang?!" Sigaw nito sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang tugon. Lalaban ba kami? Nagtataka lang ako. Kung magpapa-event sila ng ganto, siguro may weakness naman sila kahit papano. Or may dahilan ito. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong cravings sa paligid.

"Ilag!!" Napatingin ako sa harapan ko at umiwas. Muntikan na akong masagi ng mga kuko nila. Nagpasalamat ako kay Franchelle. Napatingin ulit ako sa cravings na iyon. Mukha siyang dragon. Pero may katuloy pa iyon. May naramdaman akong panganib kaya naman lumayo agad ako sa pwesto kasabay nun ang pagsabog ng dating kinatatayuan ko. Nagpapalabas sila ng mga bola galing sa kanilang mga bunganga. Itim at tsaka blue. Napatingin silang dalawa kay Franchelle.

Naku! Delikado ito!

"Hoy! Akong kalaban niyo!" Sigaw ko sa kanila. Napatingin silang dalawa sa akin at sabay na lumipad papunta sa akin. Tumakbo ako papunta sa mga cravings at may nakita akong mga words na nakaukit rito. May mga imahe rin dito. Ang mga dragons na pinapahirapan at pinapatay kahit wala naman silang ginagawa.

Dragons have been captured.

The Dragons shall die.

And the Humans will shine.

Dragons will bring havoc.

But the Dragons will not hurt anyone.

The humans will disobey their masters!

The diablos shall be freed AGAIN.

And the world will be engulfed in flames.

But the dragons will fly away.

The dragons have been captured?

Napatingin ako sa mga dragons na humahabol sa akin. May kadena nga ang mga ito. Kaya pala galit na galit ang mga ito ng makita nila kami. May naisip na akong plano pero hindi ko alam kung gagana. Bahala na.

"Franchelle! May skill ka ba na pangdistract?!"

"Meron!" Sagot niya

"Gamitin mo. Pero hintayin mo ang hudyat ko." Tumakbo ako papunta sa kanila. Cooldown na ang lahat mg skills ko. Nakaset narin ang mga target ko. Malapit na. Malapit na malapit na ako sa dalawang dragons.

"Ngayon na!"

"Dust of Winds!" Naging maalikabok ang kweba. May biglang sumulpot na ipo-ipo pero ang kaibahan ay puro buhangin iyon. Ginamit ko na pagkakataon na iyon para magclones at hinati ako sa 2 grupo ang mga clones ko. Lumapit kami at sinira ang mga kadena na nakakabit sa kanilang dalawa. Maya-maya biglang nawala ang ipo-ipo kasabay nun ang pagkabasag-basag ng kanilang mga kadena. Tumalon ako palayo at tumayo sa harapan nila.

"Hindi ako pumunta rito para patayin kayo. Pumunta ako dito para palayain kayo." Napatingin ang dalawang dragon sa akin. Tiningnan nila ang kanilang mga paa at wala na ang kanilang mga kadena.

Ang kanilang mga nakakatakot na itsura ay napalitan iyon ng masayang mukha.

"Sa wakas. Nakalaya na tayo." Shadow Dragon.

"Tama ka. Malaya na nga tayo." Sky Dragon.

"Nakita ko ang inyong nakaraan. Ang pagpapahirap sa inyo. Alam kong wala kayong kasalanan. Malaya na kayo!" Sigaw ko sa kanila.

"Salamat sa pagpapalaya sa amin. Bilang kabayaran, ibibigay namin ang kapangyarihan namin sa inyong dalawa." Shadow dragon.

Umilaw ang kanilang katawan at nagpalabas ng maraming bola na kagaya ng inilalabas nila kanina mula sa kanilang mga bunganga. Ang kaibahan lang ay sa katawan nila ito lumalabas. Na compress ito at naging maliit nalang na bolang itim, blue naman doon sa isa. Lumutang ito at pumasok sa dibdib ko at lumabas sa aking V.s. ang

Congratulations!

You have acquired the Shadow Dragon's Power! You got the title Shadow Dragon Slayer!

Skill learned
Shadow Dragon's Roar
Dragon Force
At

GAME ANNOUNCING
SHADOW DRAGON AND SKY DRAGON LVL 100 (EPIC) HAS BEEN SLAIN BY PARTY

Nagkaroon ako ng tatak na ∽sa may bandang leeg. Pero teka. Nakapagtataka naman. Hindi naman namin sila pinatay pero bakit slain ang nakalagay sa may notification.

"Kaming mga Dragons ay maari naming ibigay ang kapangyarihan namin kung gugustuhin namin. Pero lalabas parin ang salitang slain kung nakipaglaban ka sa amin. Ito ang aming munting regalo. Gamitin niyo ito kapag kaya niyo na. Alam kong nabasa mo na ang nakasulat sa mga cravings, balang araw maiintindihan mo rin ito. At kapag kailangan niyo kami, asahan mong darating kami basta tawagan mo lang kami. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam kaibigan." Lumiwanag ang katawan nila at tsaka naglaho.

Item Recieved
Shadow Dragon Egg x 1
Requirement: lvl 70.

1,000,000 spina

Shadow Dragon's set. (Epic)

Naglevel up din ako ng 8 kaya naman lvl 63 na ako ngayon. Napatingin ako kay Franchelle na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya.

"Ang galing mo!" Bungad agad nito sa akin. Napatawa nalang ako at umiling.

"Hindi ko iyon magagawa kung wala ka Sky dragon slayer hahaha."
"Oo nalang Shadow Dragon Slayer." Sagot nito sa akin. Sabay naming nilisan iyon at tsaka kami naglog-out.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon