Elimination Round

2.9K 132 8
                                    

Raph Pov

Nakatayo ako ngayon malapit sa may collosseum habang hinihintay ang mga kasamahan ko. Dalawang linggo na ang nakalipas at sa wakas! Oras na para sa patimpalak. Hindi ko alam kung bakit naging mas maaga ito pero ayos narin iyon. Marami nang players ang nagsisipasukan sa collosseum. May mga nagpapa angasan ng armors na tila sobrang mahal dahil sa mga nagnining ning na nakakabit rito. Well as if I care.

I opened my v.s. and look at my status. I'm level 140, nearly max. Bahagyang mas mataas ang Agi ko kaysa sa Str and Eva. Ganun parin yung set ko, walang ipinagbago. May suot akong apat na sing sing sa bawat kamay ko. Balak ko sanang ibigay kay Franchelle ang dalawa pero huwag na muna. Saka nalang kapag tapos na ang patimpalak.

Evasion Ring
Gives 200% evasiveness.

Agility Ring
+100 Agility

Attack Bracelet
+5% attack bonus

Bahagyang tumaas lalo ang stats ko ng dahil dito. Yung evasion rate ko ay lagpas na sa maximum. Max narin ang mga passive skill ko like Hiding, Searching and the likes. Tambak rin ang mga skill points ko dahil hindi naman upgradable ang mga skills ko. Yung phoenix egg pala ibinigay ko kay Wina kasama ng bow. Pati narin yung Phoenix set. At yung Engagement Ring? Balak kong magpropose kay Franchelle after the tournament.

Bumili rin ako ng Bracelet of Greed. May kakayahan itong maglife-steal. Kung gaano kataas ang bawas sa kalaban ganun din kadami ang hp na babalik sayo sa bawat hit. Meron din akong Necklace of Arcana. Nagbibigay ito ng +100 armor at 100% resistance to all element type. Nagkakahalaga lahat sa 35 million spina pero worth it naman.

Sa wakas at dumating narin sila. Tumaas ang kanilang level pero ang pinakamataas na nakikita ko sa kanila ay level 135. Ewan ko nalang kay Zed. Baka max na yan. Di ko makita eh.

"Yow Raph! Kanina ka pa?" Zed

"AH, di naman. Kararating ko lang."

"Baka nang chicks ka?!" Franchelle

"Hindi ah!"

"Guys let's do this!!" Chan

"Game na! I'm so excited!" Ace

"Oy taena akin yang pagkain ko!" Nard

"Ayoko nga!! Akin to!" Ando

"Game na!" Nen

"Geez. Hyper niyo." Den

"Hayaan mo na. Excited lang sila." Cy

"Oo nga. Hayaan mo muna." Deb

"I'm so excited!!" Wina

"Psh. Boring." Rolly

Halos mabingi na ako sa ingay nila. Especially Nard and Ando. Pinag-aagawan nila yung pagkain na hindi ko matukoy kung pagkain pa ba yun dahil lasog lasog na ito. Oh well. Ngayon ko lang napansin na ang gagara ng mga set na suot nila. May kulay blue, red, green and meron din colorful. Well that's good. I'm expecting a good fight.

Pumasok na kami at nakapagregister na kami. Pumunta kami sa isang hall na punong-puno ng players. I guess sila yung mga sasali. May counter sa taas na nagsisilbing bilang kung gaano kami ka rami. Nasa 14,057 ito. Iginala ko ang paningin ko at parang nasa isang malaki kaming plain field. Parang sa field lang pagkalabas mo sa Sofya City sa North Gate. Nagsilingunan naman sila sa amin. Specially sakin. At nagsimula na silang mag bulungan.

Dude kita mo ba yung NOOB na yun?

Alin yung naka begginers set? Lakas ng loob sumali ah.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon