「Mensahe ni Manunulat」

1.7K 51 2
                                    

Ang mensahe ni Gm L sa lahat ng kanyang mambabasa at manlalaro

Dear readers:

Good morning/afternoon/gabi sa inyong lahat. I guess matagal narin na hindi ako nakakapag-update. Sorry sa lahat. Unfortunately, isang malaking virus at nagpatong-patong na mga bugs, glitch at cheats ang nakapasok sa game kaya naman natagalan bago ko natanggal ang mga ito. Sinusubukan lahat ng mga Gm na ayusin ito sa madaling panahon. Pasensiya na at matagal ulit akong hindi nagparamdam dahil kagimbal-gimbal ang virus na nakapasok sa system. Isama mo pa na pasaway ang mga kasama kong Gm dahil ang iba, busy sa kanilang lovelife o di kayay pamilya nila, or busy sa school at ang pinakamasaklap ay tamad sila. Libo-libong players at readers ang nangangambang mawalan ng gana sa laro kaya naman kinailangan naming baguhin ang ibang features ng game at para magawa ito ay kinailangan naming magresearch for more information para naman pasok sa lahat ng panlasa niyo. Kinakailangan din naming magbasa ng ibang game stories na naririto upang maging maganda naman ang takbo ng laro. Pero aaminin kong, isa rin ako sa mga tinamad, busy sa lovelife at pamilya, at nawalan ng gana sa laro. Naisip ko narin na burahin ang larong ito ngunit naisip ko lahat ng pagod at hirap, mga gabing puyat ako upang pagandahin ang larong ito, ngayong mediyo maganda na ang takbo ng laro ko, ngayon pa ba ako titigil? Hindi ko sasayangin ang mga feedbacks niyo sa laro. Hindi ko sasayangin ang mga sakripisiyo ko.

At ngayon na nagbalik ako, sisiguraduhin kong mas magiging maganda ang takbo ng laro. Huwag kayong mag-alala dahil mas naging maganda na sa loob ng karo at maglalabas kami ng isang malaking update pagkatapos maclear ang ikatlong town. Susubukan kong maglagay ng bagong class pero stick to main classes parin tayo. Hindi ko alam kung magiging maganda parin ba ang takbo ng laro kung maglalagay kami ng class dahil siguradong maraming bugs and glitch ang lalabas.

And good news sa lahat!! Isa rin sa bug noon ang pagkafull na mga servers kayat ang kinalabasan ay marami sa inyo ang hindi makagawa ng bagong character. Sa wakas at narin kami ng paraan upang palawakin ang servers at pinagmerge namin ang ibang servers sa kadahilanang kaunti ang pumapasok rito ngunit ang iba ay hindi makapasok dahil sa isang bug.

Nagdagdag narin kami ng bagong update tulad marriage system at ang mga ibang skill ay pinalitan rin ng pangalan from english to japanese, chinese, french and español sa kadahilanang mas maganda ito sa paningin ng ibang manlalaro. Kung pamilyar man kayo sa pangalan ng mga skill na makikita niyo ay mangyariy nagkataon lamang at hindi sinasadya.

Sa ngayon ay sinusubukan naming magdagdag ng mga side quest mula sa mga Npc at magdadagdag narin kami ng Fame Quest. Maglalagay narin kami ng Hidden Jobs at new Bosses. Mas dadagdagan narin namin ang bilang ng mga Demonic Bosses upang magkaroon naman ng pagkakataong makahanap ang ibang manlalaro.

Magkakaroon din ng bagong sideline Quest para sa mga Dragon Slayers. At ang Quest na "Find the Mystical Stone" ay nagsimula na at ang mga rewards, secret muna iyon pansamantala.

Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, sa pagkakataong ito, hindi pa stabilized ang game at ang meron parin kaunting trace ng virus ang nasa game kaya naman ginagawa namin ang lahat upang maalis ito sa madaling panahon. Kaligtasan ng aming manlalaro at mambabasa ang pangunahing bigyang pansin. Sa loob ng tatlong linggo, ang laro ay opisyal na magbubukas.

Ito lang ang aking sasabihin. Maraming salamat sa pagbabasa.

Gm L







Ang totoong message ni Author:

Wass up guys? Miss me? Well, I miss myself too. Pasensiya na at ngayon lang ulit ako nakaupdate.  Sobrang hassle sa school. I mean, araw araw nalang may requirements. Anyway wala akong masiyadong sasabihin pero ill give you an advice:

Basahin niyo kung anong nakasulat sa itaas, connected ang iba diyan sa story. Kung may hinala kayo, shhh lang kayo para naman hindi kayo maging spoiler. Yan lang ang masasabi ko.

Minna-san! Arigatou Gozaimasu!






Ang pinakatahimik na author

Silentauthor

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon