Let's Play With Fire

2.6K 104 1
                                    

Silent's Pov

Sumugod ng walang alinlangan ang mga monsters kay Raph. Pero tila hindi ito takot dahil masisilayan sa kanyang mukha ang isang ngiti na tila nag e-enjoy ito. Tila walang panganib na papunta sa kanya. Tila isa lamang itong larong pambata sa kanya.

Naunang sumugod ang mga Lava Wolves dahil sa angking bilis ng mga ito. Sabay ring nagpakawala ng malalakas na atake ang ibang mga mobs. Napabuntong hininga nalang ang ating bida dahil sa rami ng kanyang makakalaban.

"Ang dami. Tsk. Kailangang tapusin agad."

Sumugod siya sa mga kalaban. Halos i-one hit na niya ang mga ito dahil mas mataas ang kanyang level at dahil narin sa mga equipments niya. Inubos na niya ang mga kalaban agad-agad. Tinapos niya ang mga ito sa loob lamang ng 20 minuto.

Pagkatapos niyang labanan ang mga mobs ay may biglang lumitaw na pintuan. Pinasok niya ito at napunta siya sa isang battlefield na punong puno ng apoy. Minsan, bumubulwak din ang mainit na lava mula sa lupa at dumasaloy naman ang magma rito. Kailangang mag-ingat dahil kapag nahulog rito ay magtatamo ng damage at burn debuff. At kung mamalasin ay mamamatay rin. Bitak-bitak ang lupa kaya naman mahihirapan kang gumalaw. Mula sa malayo ay may isang ibong gawa sa apoy ang katawan. Ang kanyang pak-pak pati ang kanyang mga balahibo. Ang kaibahan lamang ay kulay asul ang kanyang apoy.

Blue-Flammed Phoenix level 50 (Legendary)
Hp: ????
Mp: ????

Skills:
???
???
???

"Wow, legendary." Manghang saad ni Raph sa kalaban. Tila napansin ng phoenix ang presensiya ng kalaban kaya tumingin siya kay Raph na may nanlilisik na mga mata. Itinaas niya ang kanyang mga pak-pak at mabilis na inihampas paibaba kasabay ng pagkawala ng mga balahibo na nag-aapoy papunta kay Raph. Tumalon talon siya sa mga bitak na lupa upang hindi siya mataan. Pero pagka-apak palang niya sa lupa ay bumulwak ng lava at hindi siya nakaiwas rito. Bumaba ang hp niya 86% at patuloy itong bumababa dahil sa burn debuff na nakuha niya.

"Aray, ang sakit nun ah."

Tumingin ulit siya sa Phoenix na hanggang ngayon ay hindi parin siya umaalis sa kanyang kinaroroonan. Tumalon-talon si Raph sa mga bitak na lupa upang lumapit sa kalaban ngunit hindi naging madali para sa kanya. Sunod-sunod ang pagbulwak ng magma at kasabay pa nun ang pagpapakawala ng maraming balahibo ng phoenix upang tamaan siya. Nang makalapit na si Raph ay siya naman paglipad ng phoenix at pagpagaspas ng kanyang pak-pak at namuo ang fire blades at patungo na ito kay Raph. Agad naman niya itong naiwasan pero nadaplisan siya ng lava dahil bumulwak na naman ito.

"Asar."

Halos mangalahati na ang kanyang hp at wala pang bawas ang kalaban. Dalawa lang ang skill na maaari niyang gamitin. Kailangan niyang makalapit rito kung hindi mamamatay siya ng wala man lang bawas. Kung pwede lang siyang lumipad.

"Teka, tama!"

Inactivate niya ang kanyang wings at lumipad patungo sa kalaban. Tila hindi ito inaasahan ng kalaban kaya naman medyo nagpanic ito ng makalapit sa kanya. Pero hindi parin ito nagpatinag. Nag-dive ito patungo kay Raph, mabuti nalang at naka-ilag si Raph pero hindi niya inaasahan na babalik ito na parang boomerang at hindi ito naka-iwas. Bumaba sa 43% ang kanyang hp. Sumeryoso ang mukha ni Raph.

"Oras na para magseryoso."

Lumipad ito patungo sa kalaban. Sobrang bilis nito at lahat ng balahibo na papunta sa kanya ay kanyang naiiwasan. Inihanda niya ang kanyang espada at itinaga ito sa may pak-pak ng ibon kaya naman umatungal ito ng malakas kasabay ng pagbagsak niya sa lupa.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon