The 2nd Boss

3K 132 4
                                    

Dedicated to kashi13. Salamat sa pagbabasa ng story ko.

--------------------

Raph Pov

Tumambad sa amin ang isang golem at isang warlock na preteng nakaupo sa isang trono na para bang hinihintay kami. May pula siyang mata at may staff siyang hawak. Sa dulo nito ay may bungo at ang kakaiba rito ay may mga mata ito na kulay pula rin. Yung golem niya nagbabaga ito. Pero kulay dilaw ang apoy nito. Tiningnan ko ang uluhan nila at nagulat. Yung cursor ng golem ay kulay red, samantalang kulay violet naman sa warlock. Lumabas sa V.s. namin ang.

Infernal (boss)
Lvl:100
Hp:100,000/100,000
Mp:20,000/20,000

Skills:
Rock Punch
Body Slam
Rain of Chaos (one-hit skill)

At

Fallen Warlock (Epic)
Lvl:???
Hp:???
Mp:???

Skills:
????
????
????
????

Ano ba ito? Bakit puro question mark? Nagulat nalang ako ng tumikhim ang warlock at nagsalita.

Dumating ka rin. Sa wakas at nagpakita kana.

"Tumahimik ka. Narito ako para patayin ka." Saad naman ni Zed.

Patayin? Hahahaha. Napakagandang biro naman niyan. Ako? Papatayin mo? Parehas kayo ng sinabi. Pero ano? Anong nangyari sa a---

"Shut up!! Alam kong buhay siya. At hahanapin ko siya. Nangako ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para makalaya siya."

Hahahaha. Bakit di natin subukan? Sige, lalabanan kita KUNG buhay ka pa mamaya? Hahaha.

Itinaas niya ang kanyang tungkod at nagsimulang yumanig ang paligid. May lumitaw na bilog sa sahig at nagsimula siyang magenchant. Dumilim ang paligid pero panandalian lang. Mas lalong lumakas ang pagyanig kasabay non ang pagbangon ng isang golem mula sa bilog na kanyang ginawa. Magkaparehas lang isa ng nauna. Pero shemay!! Dalawang golem? Unfair naman.

"Papatayin kita kahit anong mangyari!!" Sumigaw si Zed pero hindi man lang natinag at tumawa pa ito na parang nang-aasar.

"Ok. We'll divide the group into three. I'll take warlock ALONE. You guys---"

"I'll take the other Infernal. Alone." Sabi ko naman. Inihanda ko narin yung Koda ko at humarap sa kanila. Nakatingin silang lahat sa akin. Nagnod nalang si Zed na parang naiintindihan niya.

"I'll go with you. With or without your permission." Franchelle.

"Much better if you're with me."

"Ok! Cut it guys! I'll take the warlock. Raph and Franchelle will take the one infernal. Lahat ng hindi nabanggit magtulungan sa isa pang infernal. Kapag natapos kayo, tulungan niyo yung iba. Maliwanag?!" Zed.

"Ok/Fine/Go/Sige/Rak na!" Silang lahat.

"Fried Chicken!" Napatingin kaming lahat sa sumigaw. Si Chan.

"What? Gutom ako?" Chan.

"Whatever. Lets go!" Zed.

Tumakbo na ako papunta sa isang Infernal. Mabuti nalang at sanay na talaga ako sa sobrang init kaya naman walang epekto sa akin yung mga apoy niya. Inislash ko siya sa tagiliran kaya naman napunta sa akin ang kanyang atensiyon. Itinaas niya yung kamao niya at akmang susuntok pero bago niya magawa yun ay agad na akong nakalipat ng pwesto. Napatingin ako kay Franchelle na nagcacast ng spell. Mahahalata mo nalang ito dahil ang raming bilog na lumulutang sa paligid nito. May mga words din na hindi ko maitindihan. Tinanggal ko na ang tingin ko sa kanya dahil alam ko na na papalapit ang kalaban. Nagpalabas narin ako ng clones incase of emergency. Lumapit sa akin ang infernal at akmang susuntok ulit pero hindi na iyon natuloy dahil may tumama sa kanya.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon