The First Level

3.3K 123 0
                                    

Raph Pov

Pagpasok namin bumungad sa amin ang napakagandabg tanawain. I mean, lahat ng makikita mo ay gawa sa ginto. Lahat-lahat. Ang ganda sanang kumuha kaso sabi ni mama, huwag daw kumuha ng mga bagay na hindi sa akin. Tumingin nalang ako sa paligid. Ang lawak. Palasiyo nga talaga. Pero may kakaiba. May mga simbolo sa floor. Hindi ko maintindihan. Tiningnan ko ang mga kasama ko pero hindi man sila natingin sa mga paanan nila. Mukhang ako lang ang nakakakita nito. May 4 na pintuan akong nakikita. Sa east, west, north at isang lumulutang na pintuan. Weird. Parang may kakaiba rito.

"Wooo! Zed!! Tungunu!! Yayaman na tayo rito! Hahaha. Mga gold oh! Tara mga pips! Kuha tayo hahahah." Chan.

"Tara!!" Ando/Rolly/Nard

"Don't touch anything!!" Sigaw ni Zed. Napatingin silang lahat kay Zed. Naglibot-libot muna ako baka sakaling may mahanap akong clue. May crystal akong nakita pero umiilaw ito. Hindi ko alam kung ano iyon pero ng hawakan ko ay bigla itong lumutang papunta sa akin at bigla akong nagliwanag.

"Raph!!" Sigaw ni Franchelle. Hindi naman masakit. Parang wala lang. Hindi ko alam kung anong nangyari. Bigla-bigla nalang akong lumiwanag. Nagsilapitan narin silang lahat sa akin.

"Bro, anyare sayo?" Tanong ni Rolly

"Wala ok lang ako." Sagot ko.

"Hmm. I guess ito na yun." Napatingin silang lahat kay Zed. Nagkibit-balikat lang siya tapos tumakbo sa isa pang crystal. Bale tatlo lahat ito at lahat sila ay malapit sa mga pintuan na sinabi ko kanina. Sa west door ako napunta kanina. Sa north door siya pumunta. Hinawakan niya ang crystal at katulad ko, umilaw din ang katawan niya. Tapos biglang nawala.

"Rolly pumunta kang east door. Hawakan mo ang crystal. May ipapagawa ako." Tumango nalang si Rolly sa inutos ni Zed. Hinawakan niya ang crystal at ganun din ang nangyari.

"Ok guys makinig. Pagbilang ko ng tatlo, Raph and Rolly, itapat niyo ang palad niyo sa pintuan. Ang mga hindi nabanggit, lumayo kayo at maghanda. At wag na wag kayong hahawak ng kahit ano. Pagbukas ng pinto, takbo agad Rolly, Raph." Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi ni Zed. Tiningnan ko ang pintuan. Ordinaryong kahoy lang ito pero may simbulo ito sa mga edges niya. Hindi ko ito mabasa, rather, hindi ko alam kung ano ang mga iyon.

"1..."

"2..."

"3..."

Pagkarinig ko ang 3 ay agad kong itinapat ang kamay ko sa pintuan. Ang mga simbolo sa edges ng pintuan ay biglang gumapang at rumami. Parang buhay ang mga ito. Hanggang sa nagsimula na itong magkabitak-bitak. Tumakbo na ako kung saan naroroon ang mga kasamahan ko. Nagkasabay sabay kami nila Zed at Rolly. Sumabog bigla ang mga pintuan kasabay non ang paglitaw ng V.s. namin ang

The Palace level 1

Slay all the monster.

Yun lang? Wala ng iba? Mula sa pintuan may bigla nalang lumabas.

"Eeekk. Zombies!!!!" Sigaw ni Athena habang nagtatago sa likod ni Zed.

Yup. Zombies nga. Ang dami nila. Mga ewan ko. Kasi hindi naman lahat yata lumabas. Halos kalahati ng room ang dami nila. Teka, room ba ito? Parang battlefield kasi sobrang lawak.

"Ito na iyon guys. Kung tama ang pagkakaalala ko. Mayroong approximately 3,567 na zombies. Kung tatanungin niyo kung pano ko nalaman? Mag-internet kaya kayo kahit minsan." Pagkatapos niyang magspeech, nagseryoso ito at naghanda na para sa pakikipaglaban. Inihanda ko narin ang Koda ko. Tumakbo si Zed at umatake. Sumunod narin ako kasabay nila Rolly, Ando, at Ace.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon