25. Blue, White and Black.

2.1K 19 2
                                    

HiiiI! Sorry po sa mga di naintindihan yung GG. I'll just re write that whole thing when I have the chance.

Here's 25.

---

*JENNA*

"Hindi ka pa tapos diyan?" tanong ko kay Aya na nasa loob pa ng cubicle nagbibihis.

Dalawa kami magkasama sa loob ng Girl's Restroom sa HS Department na nagbibihis. Dito kami usually nagbibihis na tatlo, pero dahil magkaaway kami ngayon ni Andy, hindi siya nagsasama sa amin.

Heck, ni hindi nga siya makatagal sa isang lugar na naroon kami ni Aya na parang hindi niya maatim na makasama kami sa isang lugar.

Ang over acting nga sa palagay ko. Ka simple simpleng bagay hindi niya maintindihan. She called me a bitch, tapos saka niya sinasabing ako daw ang hindi nakakaintindi sa kaniya.

Si Aya naman hindi nagsasalita. Pag tinatanong ko siya tungkol dun, nag kikibit balikat nalang siya tapos sinasabi niyang 'ewan niya'. Sabi ni Jethro wala namang sinasabi sa kanya si Andy na kung ano. Kahit nga daw kung anong pinag awayan namin hindi niya sinabi.

Kung may isang bagay na sure, hindi patalikod maglaro si Andy.

"Anong petsa na Aya." Sabi ko.

"Miss Jenna??"  biglang may tumatawag sa labas ng door saka naman ako nasilip.

Si Mimi pala, yung isang first year na varsity.

"Pinapatawag na ba kami?" tanong ko.

"Kayo nalang po kasi ang di pa daw nakikita ni Coach." Sabi ni Mimi. "Kayo po at si Miss Andy."

Lumabas ng cubicle si Aya na hawak yung school uniform niya. Nilapag niya ito sa may counter.

"Nasan si Andy?" tanong ni Aya.

Umiling si Mimi. "Ano po..."

"Ano?" Ako. "Tawagin mo na si Estudillo. Para makapag start na tayo."

"May kausap po kasi." Sabi niya. "Hindi pa naman po tayo mag start hanggang 3:45."

"So?" sabi ko. "Ano naman ngayon?"

Parang hindi komportable si Mimi sa sinabi ko. Naalala kong may mga informal rules pala ang mga lower years sa pag aaddress sa mga Higher years. Hindi pwedeng istorbohin ng isang lower year ang isang higher year lalong lalo na kung may kausap ito, depende nalang sa kailangan.

"Sinong kausap?" tanong ko habang si Aya nag aayos ng gamit niya.

Nag fidget pa si Mimi. "Ano po..."

"You know what, never mind. Bumalik ka na doon." Sabi ko, dismissing her and she leaves. "Aya, tawagin mo na nga yun. Ano yun, paimportante?"

Tinignan lang ako ni Aya, izinip yung bag niya saka humarap sa mirror, nag ayos ng buhok.

"Bakit ako?" tanong niyang nagsusuklay.

"Eh ni hindi nga niya ako pinapansin e." sabi ko, habang sumandal sa counter. "Tapos ako ang tatawag? 3: 07 na o"

"Ikaw ang may gustong magpatawag e." nag roll lang ng mga mata niya si Aya habang nakatingin sa mirror. "Ikaw nalang ang magtawag. Narinig mo naman si Mimi diba? May kausap daw yung tao."

"Ikaw nalang."

"Wag mo akong utusan. Gusto mo siyang tawagin diba?" sabi niya, habang itinataas yung buhok niya. "Puntahan mo. Nandun siya sa may entrance ng HS Department."

Hindi ko ba alam kung nanadya itong si Aya, pero nag roll lang ako ng mata saka naman kinuha yung sports bag ko at ibinalikat. Hindi ko sure kung smirk ba yung nakita ko sa labi niya pero nagpunta nalang ako sa harapan ng building.

Back at Step One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon