26. Understanding,

2.2K 25 10
                                    

Happy New Year! 
It's too cold. I wish you guys a wonderful year and please... bear with my flaws.

Here's chapter 26:

---

*JENNA*

“Okay, what happened?” tanong ko agad pagpasok na pagpasok ko sa loob ng locker room about thirty minutes pagkatapos na mangyari yung nasa court.

Ipinasok nila Emman at ni Mimi sa locker rooms si Andy nung oras na yun kasama si Coach at si Jethro. Nagpause muna yung game for five minutes at bumalik sa laro din sila Jethro at Emman. Coach assured everyone that she’s okay, pero maglalaro ang blue team ng two players down dahil hindi na daw muna magpaparticipate si Andy at si Mimi sa laro.

We had a hunch na hindi naman talaga okay si Andy, pero marami parin ang audience kaya naginsist si Coach na okay lang daw si Andy at itutuloy ang laro.

If people remembered her, hindi namin alam pero kinausap ako ni Coach na magtanggal dawn g dalawang members sa team ko at papuntahin sa locker room, all for the sake of fairness sa kabilang grupo. Pinapunta ko naman dun sila Aya na nagvolunteer, at si Kenny para pantay na wala kaming lower year.

Tinapos parin namin yung game. White won, but it meant nothing, dahil wala rin sa sarili ang blue team after ng nangyari.

Yung services nila naging sloppy na, tulad kay Jethro na kung hindi mag nenet, outside sa lakas. Even my team was distracted. May mga times na hindi nila nakukuha yung bola and unforced errors on our part were committed.

Kahit si Coach hindi na nagsalita, tinuloy lang yung laban at alam naming nag-aalala din siya, at gusto rin niyang matapos yung game ng maaga.

We did our best para mapadali ang laban, but thirty minutes was all we could do para naman hindi mag suspetsa ang mga audience.

 

“Hinimatay siya, mid-game.” Sabi ni Aya na nakasandal sa mga locker habang nakatingin sa mga benches. “Hanggang ngayon hindi parin nagigising.”

“Accidents happen in the court.” sabi ko. “It’s not my fault hindi siya umilag.”

Nandun sa isang bench si Andy, nakahiga na parang natutulog at nakaunan ang paa sa isa sa mga sports bag na narecognize kong kay Jethro natanggal na rin yung sneakers niya at may nakakalat na nagupit na gauze sa gilid niya. Dumating si Coach habang isa isang nagsisidatingan ang mga players ng team.

“Tinawag ninyo na si Ms. Espejo” sabi ni Coach.
Umiling lang si Mimi. “Wala po si Ms. Espejo ngayon. Nakaleave po ata ang school nurse e.”

“Eh sinong nag aattend sa kanya? Diba may team medic tayo?”

Napatingin kaming lahat kay Andy. Siya yung team medic namin kasi siya yung may kalmadong isip pag lahat nagpapanic na.

Nagsimula siyang maging medic nung napasok siya sa team noong second year, a year after namin makapasok ni Ian. 1 week yun into the training nung biglang nafracture yung paa ng isa sa mga senior namin.

Back at Step One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon