79.5 Giving it back

1.4K 32 8
                                    

For you Ate, sobrang sobrang sobrang affected po ako sa Teen Clash. Lalo na kay Xander at Yannie. Alam ko na kasi ang pakiramdam ng maiwanan ng tuluyan, kaso di na niya ako mababalikan. Haay. 

Part 1 muna ha? 

---

Isang week na hindi pumasok si Thea.

Why do I know? Simple, halos sabay kami lagi.

As per Sophie’s request that I try to be friends with her sister again, I started to treat her the way I treat my friends. Kahit na medyo masakit kasi hindi lang naman kami talaga friends. I smile at her, talk to her if I have time, pag papasok ng school, and she’s going to drive, I insist na sumabay na siya since parehas naman kami. Though I learned that Sophie was right.

She was still Thea, yung may pagka kalog minsan at pagkasutil pag may time. She was still smart and very responsible, walang nagbago dun, and she still had an eye for perfection, yung tipong hindi naman talaga siya OC, pero dahil gusto niyang maayos.

Though mas maingay ng kaunti si Andy, mas palangiti, mas nagpapakita ng emosyon, unlike Thea who was a little reserved still. I learned things like that the first week I tried, and it’s been a month since that.

“Wala parin si Andy?” tanong ni Courtney sakin habang naglalakad kami, nakaaakbay sa kanya si Keith.

I shook my head. “Sabi ni Ate Zhi kanina, hindi daw papasok.”

“Ulit?” Keith asks. “Halos isang linggo na ah. Apat na araw lang pasok nun e. Ano bang sabi?”

“Wala naman sinabing dahilan si AteZhi. Ngayon ko nga lang naisipang itanong. Kadalasan kasi nagkikita nalang kami sa labas ng bahay nila.”

“And the past two days, wala siya?”

“Akala ko nauuna na. Usapan kasi namin, kapag lumampas ng 15 minutes, ibig sabihin nauna na or di pa ready kaya dapat mauuna na ang isa.” Sabi ko. “30 minutes akong naghihintay, wala e.”

“Baka naman maysakit o ano?”

“Hindi ko alam.”

We turn left towards the main building saka naman ako nagpaalam na uuwi na. Kagagaling ko lang kasi sa FilmSoc, wala naman din si Andy dun. They waved goodbye saka naman dumeretso na rin. May klase pa kasi sila parehas, ako wala na.

Umuwi na rin ako, pero dumaan muna ako sa mga Estudillo to check muna on Sophie, and of course her sister as well. Mukhang tama nga yung desisyon ko though, dahil pagkabungad ko sa pinto I saw Sophie crying.

Naakap siya sa mga paa niya, on the corner of the stairs, crying. Bakit ako kinabahan bigla?

“Sophie? Baby,” sabi ko, instantly going to her. “Sophia, what’s wrong?”

“Kuyaaaa.” She cries, clinging to me. “Si Ate Thea.”

“Anong nangyari?” sabi ko, sabay buhat sa kanya.

“Si Ate Theaaa. *huk*”

Back at Step One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon