×CHAPTER I: Save The Day×

387 14 7
                                    

~KING~

Naglalakad ako sa corridors dala ang aking bag at isang libro sa aking kamay.

Naaalala ko parin ang araw noong unang lipat ko sa school na'to at isang bagay lang naman ang nagustuhan ko dito, it was the silence.

Wala na sigurong mas gaganda pa sa paaralang tahimik at mapayapa, too bad ako lang yata ang nakaka-appreciate nito because everything was quiet and peaceful... until this crowd im front of me ruined it.

Naririndi ako sa ingay na ginagawa nila.

Nagkakagulo sila sa hindi ko alam na dahilan, but I'm not in the mood para maki-usyoso kaya naman nilampasan ko lamang ang mga maiingay na estudyanteng ito sa aking harapan.

Habang naglalakad ako papalayo ay nakasalubong ko ang ilang mga teachers na tumatakbo papunta sa nagkakagulong mga estudyante at kasunod nila ang ilang mga gwardya.

"May estudyante daw na magpapakamatay, puntahin natin bilis!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng isang estudyante bago tuluyang umalis para puntahan ang mga nagkakagulong tao sa aking likuran.

Lumingon ako at sa di kalayuan at nakita ko ang kaninang nagkakagulong mga estudyante na ngayon ay mas dumami na at patuloy na dumadami. Ngayon lang ata nagkaroon ng ganitong kaguluhan dito, and I hate it.

Pinuntahan ko sinabi nilang 'estudyanyeng magpapakamatay'. Nakipagsiksikan talaga ako sa napakadaming tao para lang makita siya, and this is what I saw.

"Wag kayong lalapit, kung hindi tatalon talaga ako!" Sigaw ng isang babae na balak yatang magpakamatay but no, she doesn't look like that she wants to, sa itsura niya para siyang natatakot.

She's deciding to chose between the 'fight or flight' option, at sa oras na 'to ay mukhang nahihirapan siyang magdesisyon, lalo na't napapalibutan siya ng ganito kadaming tao.

"Kalma lang Layla, ano bang problema? Pwede nating pag-usapan 'yan." Sabi ng isang estudyante sa babae.

So her name is Layla...

"Paano mareresolba ng pagpapakamatay ang isang problema? Kumalma ka lang Layla." Sabi pa ng isa but I don't think that it's helping, instead it's making everything worse.

Sa bawat paghakbang nila palapit ay siya namang paghakbang paatras ng babae, ang nasa likuran niya ang isang basag na glass wall at ginagawa pa lamang, nasa forth floor kami kaya't isang maling hakbang lamang ay makikita na niya si kamatayan.

This is getting out of hand. It's time.

"Everybody shut-up!!!" Sigaw ko kaya't ang kaninang magulo at maingay na paligid ay agad na tumahimik. Sa wakas. Pede naman palang tahimik lang.

"If she will just commit suicide, then why would she do it her? Bakit dito pa talaga sa madaming tao at kung saan maraming pwedeng pumigil sa kanya? So I don't think that she's here to end her life." I explained, loud enough para marinig ng lahat.

"So stop treating her na parang kaawa-awa siya, hindi siya naparito para magpakamatay at nagkamali lang kayo ng inakala. Give her space, kasi konting lapit niyo pa at mapipilitan talaga siyang tumalon." Muli kong sabi.

Without hesitation, I walked towards her then I whispered something, hopefully mapapakalma siya nito.

"I know you're afraid but don't be, sa itsura mo parang may humahabol sayo and you've made a good decision na pumunta dito kung saan madaming tao. Naparito ka para kumuha ng maraming atensyon para hindi matuloy ang masamang binabalak ng taong humahabol sayo and no one is crazy enough para gumawa ng masamang bagay sa ganito kadaming tao. Kung natatakot ka na babalikan ka niya, don't worry, kilala ko na siya at ako na ang bahala sa kanya. So enough of this drama. Get back to your class." I said then I smiled before leaving the crowd.

Lahat sila ay nakahabol ang tingin sa akin and I don't like it. I don't like being noticed too much.

Natapos ang mala teleseryeng pangyayare kanina. Kumalma na ang babaeng nagwawala. Nagsialisan narin ang mga estudyante at ang tanging naiwan nalang ay ang ilang mga guro pati mga gwardya.

Yes, I save the day! Iyon sana ang gusto kong sabihin but no, I don't like what just happened. 

Darn it.

Anyways, hindi pa nga pala ako tapos. I need to do one more thing.

Earlier I didn't shout just to be noticed, it is actually to find the guy who's chasing that girl. Habang sinasabi ko ang munti kong talumpati ng malakas kanina, tiningnan ko talaga kung sino sa mga tao sa paligid ko ang gagawa ng kakaibang bagay, and like what I expected someone acted differently from the others.

A student left the crowd na para bang walang nangyayare, weird isn't it? I mean, lahat ng tao doon ay gustong marinig ang mga sinasabi ko siya lamang ang nag-iisang estudyante na umalis.

He was bothered when I said that the girl didn't came there to commit suicide then he realized that I know what was happening so to be safe, umalis siya ng hindi napapansin ng lahat, except for me ofcourse.

As simple as that, nakilala ko kung sino ang humahabol sa babaeng 'yon, and it wouldn't be hard to catch that person as well.

Now, it's time to catch the bad guy.

~VLAD~

Konti nalang eh." Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin. Mag-isa lang ako dito sa cr at gustong-gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko dito.

Nakakainis.

Konti nalang sana at naabutan ko na ang babaeng 'yon. Kung hindi lang sana nakialam ang lalaking' yon. Who is he anyway?

"Feeling superhero ang lalaking, eh first year lang naman siya dito." Sabi ko habang nakatitig parin sa salamin.

Binuksan ko ang faucet, nanghilamos at muling tumingin sa salamin pero nagulat nalang ako ng makita ko sa salamin ang isang lalaki sa aking likuran.

"I'm not a superhero but if I caught you, maybe, I will be." Nakangiti niyang sabi.

He's that guy earlier, the one who ruined everything. What is he doing here anyway at anong ibigsabihin niya sa sinabi niya.

"Excuse me but what did you say?" Tanong ko sa kanya pero wala siyang sinabi. Nginitian niya lamang ako

Masama ang pakiramdam ko sa kanya. I need to get out.

"Crazy." Sambit ko bago tuluyang umalis at iwanan siya sa cr.

Naglalakad ako sa corridors ng muli kong narinig ang boses niya.

"Vlad Scavenger." Sambit niya dahilan para mapalingon ako.

Itatanong ko sana kung paano niya nalaman nang ipinakita niya ang kanyang kamay at hawak-hawak niya ang ID ko. Tiningnan ko ang suot kong lace, wala nga dito ang ID ko.

Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa kanya habang iniisip kung paanong napunta ang ID ko sa kanya ng hindi ko man lamang napapansin. Ni hindi  ko nga napansing hiwakan niya ako at wala din naman akong naalala na nilapitan niya ako.

"It's magic." Nakangiting sabi niya sa akin.

Agad na nagsalubong ang aking mga kilay. He's pissing me off.

"Give that back nerd." Utos ko sa kanya.

"Then why don't you get it? Or you're too afraid to fight A NERD." Nakangiti niyang sabi sa akin dahilan para lalo akong magalit. Naghahanap yata 'to ng gulo.

"Sino ka ba? Ha?! Gusto mo ba ng away? Sabihin mo lang, handa ako anytime."

"I mean no harm, Mister. Saka hindi ako pumapatol sa mahina." Mayabang niyang sabi habang pinipigilan ang sariling tumawa.

That's it.

Ininis na talaga niya ako ng sobra.
Lulumpuhin ko talaga ang lalaking 'to.

Walang pag-aalinlangan akong tumakbo papunta sa kanya at handa siyang upakan ngunit bago ko pa magawa, naunahan niya akong sapakin sa mukha. Lalo akong nagalit at nang halos tumama na sa mukha niya ang aking kamao, bigla naman siyang nakailag at sinuntok ako sa aking sikmura.

Dama ko ang sakit. Sobra.

Tila umikot at nagdilim ang paligid ko. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

***

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now