Chapter 27: Their Return and their Death

42 2 0
                                    

Zac's P.O.V.

Lea Anne and Lei Anne Royalis? What a rare name.

"We're back." Sambit nila.

"We're back? Anong ibigsabihin nila?" Tanong ko kay Zhraine.

"Dito talaga sila sa class 1-S at nasuspende sila ng isang buwan o lampas pa dahil sinuway nila ang 3 judgements No. 2, bawal ang gulo at away tuwing umaga. Dinala sila sa isang kwarto kung saan wala kang makikita kundi dilim at dalawang beses lamang sila pinapakain sa isang araw. It's so cruel, right?" Bulong niya sa akin.

"Wait, ang daming kaguluhan ang nangyayare dito sa atin ngunit bakit walang nasususpende sa'tin?" Pabulong kong tanong.

"Zac, hindi lamang basta gulo at mga away ang ginagawa natin, nagpapatayan na tayo."

"So pwedeng pumatay at bawal ang simpleng away?! What the fuck is this rule?!"

"This is how the rules works..."

Bakit pa nga ba ako nagulat? Ganito talaga ang school na'to. Gagawin nila ang lahat para patayin namin ang isa't isa.

"Sige, pwede na kayong maupo kahit saan niyo gusto." Sambit ng aming teacher at gaya nga ng sinabi niya, humanap ng mauupuan ang dalawang kambal. Nagsimula na ang klase... Isa muling normal na klase.

Katulad ng kahapon....

Aral....

Lunchtime....

Tapos aral ulit pero ng maglabasan na kami, kita kong hinila nila si Zhraine palabas. Nacurious ako kaya agad ko silang sinundan.... At nakarating kami sa may rooftop.

"Hey, bitch! Ano?! Kamusta ka na?!" Sigaw ni Lei, nga ba? Binubully ba nila si Zhraine?

"Oh?! Usong sumagot kapag may nagtatanong sayo alam mo ba 'yon?!" Sigaw rin nung isa. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pinuntahan ko na sila, away pa ang kahahantungan nito.

"Gusto niyo bang ibalik ko kayo kung saan kayo nakulong?" Sambit ko.

"Let's go Lei! Dumating na 'yung isa pang bitch."

Umalis sila mula sa kinatatayuan ni Zhraine kaya ako naman ang lumapit sa kanya.

"You okay?" Tanong ko.

"Oo. Salamat." Sagot niya.

"Matagal na ba nila 'tong ginagawa sayo?" Muli kong tanong.

"Oo, bago pa sila masuspende... But don't worry, I'm fine."

"But I'm not fine with that." Sambit ko.

"Okay, okay. Bakit di nalang tayo mag-usap?" Tanong niya na sinang-ayunan ko naman.

"Ano namang pag-uusapan natin?"

"Hindi ba't dapat mong sabihin sa akin kung bakit ka may pilat sa kanan mong noo?"

"This... mukhang hindi ko na naman 'to kayang itago kaya, OK, sasabihin ko sayo. I get this in an accident sa dating school namin ni Razor."

"An accident? What kind?" Muli niyang tanong.

"Aksidente akong nahulog sa hagdanan. Nawalan ako ng malay noon kaya wala na akong alam sa mga sumunod na nangyare then Razor told me everything. He said na isinugod agad ako sa ospital pero..."

"Pero?"

"Nagkaroon ako nang AMNESIA." Sambit ko habang nakatitig sa kanya. Halata sa mukha na hindi niya naintindihan ang sinabi ko kaya ipinaliwanag ko. "May mga alalang nawala sa akin mula noong 1st day ko dito sa Secret High hanggang noong magtransfer ako sa school ni Razor. Oo, may mga mangilan-ngilan akong naaalala tulad ng pagsunog ni Haize sa classroom natin noon pero nahihilo ako sa tuwing sinusubukan kong alalahanin ang lahat."

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now