Chapter 6: The Kiss and the Trap

87 6 0
                                    

Zhraine's P.O.V.

Natulog na silang lahat except sa amin ni Zac dahil nga we're supposed to guard the classroom and warn them if anything happened.

Im so happy that I'm with Zac right now.
At dahil medyo nagiging awkward na, ako na ang unang nagsalita.

"Aahhmm, Zac tell me more about yourself or about anything because this is really getting awkward." Nahihiyang sabi ko sa kanya dahil hindi naman kami ganoon kaclose

He's so cute.

"Ok, Im a model. Im not that famous but they said that I'm pretty cute haha." Sabi niya sa akin sabay tawa.

"Hindi ka lang cute but you're hot, actually." Bulong ko.

"Did you said something?" Tanong niya sa akin.

"None.... Actually I wanna tell you something."

"Oyyy, kayong dalawa! Walang forever!!!" Pang-aasar ni Prince. Aba! Nakuha pa nilang mang-asar sa mga nangyayare ngayon?! Pero ako nga itong nakikipaglandian pa sa kabila ng mga nangyayare.

"Matulog ka na nga! Anyway Zhraine ano yung sasabihin mo?" Muli niyang tanong sa akin.

"I don't think that this is the right time but I just want you to know that..."

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon, kita ko na namumula si Zac, siguro alam niya na magcoconfess ako sa kanya kaya naman nilakasan ko na ang loob kong sabihin lahat ng matagal ng kinikimkim nitong puso ko.

"Im in LOVE WITH YOU." Sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

Bigla nalang siyang tumahimik. I thought that he'll reject me but then, suddenly .... he kissed me.

What the heck naman!!! Hindi ko inaasahan yun!! And Im not yet ready for that, highschool lang kami. Dahil sa sobrang namula ako, itinakip ko yung kamay ko sa aking muka. Hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kanya, bakit ako 'yung hinalikan niya?

"Zac......"

"Oh, Zhraine, I.....Im.....Im sorry!" Nauutal at mahina niyang sabi.

Zac's P.O.V.

WHAT THE HELLLLLL!!!!!
Ano bang ginagawa ko?!?!?! Bakit ko siya hinalikan!!! Oh no! Baka nagalit siya. ....

"Zhraine, I....Im.....sorry." Pautal-utal kong sabi sa kanya.

"Its fine! No one saw that right?"

"Let's just pretend that nothing happened." Sabi niya habang di parin nawawala ng pamumula ng kanyang mukha.

"You're right, does it means that you also like me?" Tanong niya sa akin ngunit di ko na namalayan na...

(Forward)

Shit! Nakatulog na pala ako! At pati rin si Zhraine... tiningnan ko siya sa mukha, lalo siyang maganda kapag natutulog.

Siguro, kaya ko siya hinalikan kagabi ay dahil tuwang tuwa ako ng aking nalaman, na may gusto rin pala siya sa akin. I hope that this moment will just last forever.

Zhraine's P.O.V.

Nagising ako at..... NAKATITIG SI ZAC SA AKIN!!! pero hindi ako nagpahalata na gising na'ko. It will be very embarrassing kung malalaman niyang gising ako. Nagulat nalang ako dahil nagasalita siya bigla.

"Zhraine, wake up!"

"Im awake." Sambit ko.


(Bell Rings)


Sa sobrang lakas ng tunog ng bell, nagising ang lahat at maya-maya ay may narinig kaming boses... galing sa school speakers na ginagamit lang kapag may mga announcement pero sino yung nagsasalita??

Class 1-S... Line at the gymnasium.

Habang papunta kami sa gym... Mukang wala nang mga nagpapatayan pero alerto parin kami dahil hindi pa namin alam kung ano talaga ang nangyayare. Ang daanan ay puro bahid ng dugo at kung anu-ano pa. Nakakadiri, nakakatakot.

.......

Nakapagline na kami sa gym pero kami lang naman ang tao dito kaya nilibot namin ang gym hanggang sa napansin ng isa sa amin ang isang papel na nakadikit sa may pader ng gym at parang may nakasulat doon pero masyado itong mataas. Pilit namin itong pinagtulungang maabot pero mataas talaga.

"Masyadong mataas." Sabi ni Jilbert na hingal na hingal na.

"Teka.... ayun may kawayan... wait, kawayan?" Sabi ko. Talaga namang nakapagtatakang merong kawayan dito.

"Bakit may kawayan dito sa gym? Monique kindly get that bamboo, ikaw kasi yung pinakamalapit." Sambit ni Jk kay Monique na agad naman nitong sinang-ayunan.

Sinundan ko ng aking mga mata si Monique hanggang sa makita kong merong kumikinang na malapit sa may kawayan pero hindi ko na iyon bignigyan ng pansin. Pagkahila ni Monique sa kawayan isang malakas na tunog ang aming narinig at hinanap namin kung saan nanggaling yung tunog hanggang sa........ isang malakas na lagapak muli ang nangibabaw

"Aaaahhhhhhh!!!!!!!!" Nabaling ang atensyon namin kay Yumi ng bigla nalang siyang sumigaw.

"Si Monique!!!!" Sigaw ni Jameson na katabi ko lamang.

Tiningnan namin si Monique at...

Nakita namin siyang nakahilatay sa sahig at kalat sa paligid ang kanyang dugo. Nakapatong sa kanya ang isang malaking speaker na dapat ay nasa may itaas ng stage at sigurado akong mula roon yung narinig kong tunog, what the hell! Imposibleng aksidente itong bumagsak. Isa itong patibong!!!

"Monique!!"

"She's dead"

"This can't be happening!!"

"Charlotte, Karen, samahan ninyo ako sa faculty room." Pasigaw na sinabi ni Jk.

Lumapit ako kay Monique at napansin ko ang isang manipis na wire na nakatali sa may kawayan. Hinila ko ito at nakita ko ang isang screw at nakatali yung wire dito.

"Guys, alam ko na kung ano talagang nangyare." Sabi ko sa kanila

"Tell us." Sabi ni Scarlette sabay lakad palapit sa akin. Kinuha ko yung screw at ipinakita sa kanilang lahat.

"Kung tama ang aking hinala, isa itong patibong."

"Patibong?" Tanong ni Scarlette.

"Oo, patibong. Isang patibong para pumatay! Tingnan ninyong mabuti ang kawayan na iyon. Mapapasin niyo ang isang manipis na wire na nakatali dito at kung titingnan ninyong mabuti itong screw na hawak ko......"

"Meron din itong nakataling wire!"

"Tama at noong oras na hinila ni Monique ang kawayan, nahila rin itong screw na nagdidikit sa speaker sa taas dahilan para ito'y bumagsak."

"But who the hell did it?!"

Habang ipinapaliwanag ko sa kanila ang nangyare, isang malakas na sigawan ang aming narinig at nanggaling ito sa may front door ng school building. Agad namin iyong pinuntahan at tumambad sa amin ang mga duguang katawan nina Jk, Karen at Reena. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga at mapahawak sa aking bibig dahil sa aking mga nakikita. Pinagmasdan ko ang paligid pati narin ang mga kaklase ko. Natatakot ba sila, o masaya sila? Sa mga muka nilang 'yon masasabi kong natatakot sila pero... Hindi lahat ng nakikita natin ay tama. Dama ko parin ang takot at lalo pa itong tumitindi. Ano bang nangyare?





Killer's P.O.V.

Sinong mag-aakala na mahuhulog talaga sila sa walang kwenta kong patibong. Wala na akong pakialam kung malaman man nila na ako ang gumawa nito o hindi basta nagawa ko na ang dapat kong gawin.

Para sayo... Ellaine, gagawin ko ang lahat.

.....

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now