Chapter 12: Class Picture

41 4 0
                                    

Zac's P.O.V.

Bakit? Bakit kailangan naming patayin ang isa't isa? Dahil ito ang susi para makalabas? Ano pang sense nang paglabas mo kung ika'y magiging mamamatay tao na! Akala ko, naiintindihan ko na ang lahat pero mali, mali lahat ng nalalaman ko. Mali lahat ng pinagsasabi ni Scarlette. SHE'S A LIAR!!! Pinapaikot niya lang kami. Im such an idiot.

"Why do we have to kill each other?!" Tanong ko sa kanya.

"Isa lang ang dapat matira at ang isang taong 'yon lang ang pwedeng makalabas. Isang studyante kada isang section." Sabi niya sa akin habang naglalakad palipit sa may pintuan palabas. "It's the truth Zac. Becareful and Never trust anyone, even me. Bye." Muli nitong sabi habang naglalakad na palabas.

(Forward)

Bumalik na ako sa aking dorm dala-dala ang mga kaalaman na galing kay Lyra. Pagpasok ko, mukang umalis na si Zhraine. Gulong-gulo parin ang utak ko. Im in deep despair right now dahil narin siguro sa mga nangyari kanina. Bago ako dumiretso sa dorm ko, dumaan muna ako sa classroom namin at sinabi sa kanila kung ano ang mga nalaman ko. Wala na akong pakialam kung may magtangkang pumatay sa'kin. Sinabi ko sa kanila na sinungaling si Scarlette pero...

"Wala na kaming pakialam kung totoo man iyon o hindi. It's your choice to trick or be tricked" Sambit ni Dave.

"Wala na naman tayong magagawa Zac, it's kill or be killed." Sabi ni Ycezy sa akin. Alam din naman pala ng iba sa kanila na, the only way to get out is to kill each other.

Binuksan ko ang aking bag at hinanap ko ang aking wallet. Pagkuha ko sa aking wallet, isang pirasong papel ang nalaglag. Agad ko itong pinulot at may nakasulat dito kaya agad kong binasa.

May ibibigay nga pala ako sayo pero baka di na ako umabot at baka patay na'ko. Kapag nangyare 'yon pumasok ka sa dorm ko. Sa may drawer ko may makikita kang picture frame. Kunin mo ang litrato na nakalagay dito. May nakasulat sa likod nito. Sana makatulong ito sa paglutas mo ng misteryo ng SECRET HIGH...

--- Jk

Hindi ko alam kung anong mga pinagsasaaabi niya doon sa sulat. Hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ito o hindi. There's only one way to find out. Kailangan kong sundin ang mga nakasulat dito. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at tumakbo palabas papunta sa dorm ni Jk na di naman kalayuan. Walang oras na dapat masayang. Nang makarating ako, nandito parin ang bangkay ni Jk. Hindi ko maiwasang mapa-buntong hininga. Karumal-dumal, Walang-awa. Binuksan ko ang kanyang drawer at hinanap ang picture frame. Ilang minuto ang itinagal ko at sa wakas nakita ko rin ito. Teka? Kami 'to ah? Hindi ko inaasahan ang aking nakita. Nasa kanya parin ito? Litrato ito ng buong class 1-Z at sa picture kumpleto pa ang 10 secret keepers pero ngayon, wala na ang classroom namin, ginawa na itong tambakan ng mga papeles. Pinalitan na ito ng class 1-S section. Kapansin-pansin din sa litrato ang pulang tinta na nakabilog kay... Khyle? Bakit? Ang alam ko patay na silang lahat. Pinatay sila ni Haize at kaming 10 lang ang itinira niya. Anong kinalaman ng klase namin noon sa mga nangyayare ngayon? Tiningnan ko ang likod ng picture at may nakasulat dito.

Khyle Cleveton. A survivor from the class 1-Z massacre.

Muli kong tiningnan ang picture frame at meron pa itong litrato sa loob. Nagulat ako sa aking nakita dahilan para mapahakbang ako palayo. Hah?

"Sa oras na lumingon ka, papatayin kita." Isang matinis ngunit nakakapangilabot na boses ang pumunit ng katahimikan. Boses na parang sa demonyo ngunit familiar ito. May nakatutok na kutsilyo sa ulo ko. Natatakot ako. Sino siya? Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa takot. "Masyado kanang maraming sekreto na nalaman. Wala bang nagsabi sa'yo..." Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita at itinulak ko ito dahilan para siya'y matumba. Mukang napalakas. Mawawalan ng say-say ang lahat kung dito na ako mamamatay. Pinulot ko ang kutsilyo na nagpatak sa may paanan ko. Umupo ako sa may bandang tiyan niya at itinutok sa tapat ng puso niya ang kutsilyo. Eto na naman ako, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Masasabi kong isa siyang babae dahil sa hugis ng katawan at dahil sa tono ng boses niya. "Wait! Don't kill me! Sorry." Pagmamakaawa niya sa akin. Nakamaskara siya kaya hindi ko siya makilala.

Battles Of The Gifted OnesKde žijí příběhy. Začni objevovat