×CHAPTER 2: The Bad Hero×

208 12 2
                                    


KING

Pagkatapos kong kaladkadin ang walang malay na katawan nitong si Vlad papunta sa lumang banyo ng lalaki, ay itinali ko ang kanyang mga kamay at paa para siguradong hindi siya makakatakas.

Tiningnan ko ang laman ng bag niya at nakita ko ang isang tumbler na may lamang malamig na tubig.

Agad ko itong kinuha, at pagkabukas na pagkabukas ko ay ibinuhos ko sa kanyang mukha dahilan para bigla siyang magising.

"You're still alive. Good. Akala ko namatay ka na sa mahina kong suntok." Sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga mata niya na parang nag-aapoy sa galit.

"Anong bang kailangan mo sakin?! Bakit mo ba ako dinala dito?!" Sabi niya bago nagsisigaw ng malakas.

Nakakabingi.

Dahil sa ginagawa niya parang gusto ko siyang... no, I must control myself. Hindi dapat ako magpadala sa galit.

"Tahimik." Utos ko bago kunin ang isang gunting sa aking bulsa.

"T-teka?! Anong gagawin mo?!" Natatakot niyang sabi.

"Isang sigaw mo pa at mapipilitan akong putulin 'yang dila mo." Sarkastiko kong sabi.

Bigla naman siyang natigilan at napilitang tumahimik. Good.

"A-ano bang kaylangan mo sakin?!" Tanong niya muli, ngunit hindi ko siya sinagot bagkos ay ngumiti lamang.

"Oo aaminin kong ako nga 'yung humahabol sa babae kanina at kung isusumbong mo ako, gawin mo na! Basta pakawalan mo lang ako dito!" Pagmamakaawa pa niya sa akin.

Nasaan na ang tapang na ipinapakita niya sa akin kanina?

"You think that's the reason kung bakit kita dinala dito? You're wrong... Dead wrong." Nakangiti ko paring sabi.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay na para bang sobrang nagtataka.

"Hindi kita hinuli para maging isang bayani o maging tagapagligtas ako ng sino man. I just wanted to warn you."

"Warn me? Ano bang sinasabi mo?" Tanong niya habang hindi parin mawala sa mukha ang pagtataka.

"Sumunod ka sa mga sasabihin ko at ipinapangako kong wala akong gagawing masama sayo..."

Bago ko itinuloy ang aking sinasabi ay lumapit muna ako sa kanyang mukha at tumitig sa kanyang mga mata na ngayon ay alam kong balot na ng takot.

"Huwag na huwag na huwag ka nang gagawa muli ng gulo o ingay sa school na'to. Pagsumuway ka? PAPATAYIN KITA."

"K-kaya mo bang g-gawin?" Nauutal niyang sabi. Acting tough. Pero wala na naman siyang magagawa pa. Wala na.

"Does it sounds like a joke? Pasensya na, pero hindi ako joker para magbiro kaya kung ako sayo, mananahimik nalang ako at susunod. Trust me, hindi mo gugustuhing magalit ako. I'm worse than what you think I am." Sabi ko sabay gupit sa mga tali niya sa kamay at paa.

Nang matanggal ang gapos niya ay agad niyang kinuha ang kanyang bag at kumaripas ng takbo palabas dito sa lumang cr. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata at halos maligo siya sa pawis kanina. Mukhang napasobra yata. He must be terrified. Pero mas mabuti na siguro 'yon para siguradong hindi na ulit siya gagawa ng gulo dito.

"You did it again." Isang boses mula sa may pintuan palabas ng banyo ang aking narinig. Agad nitong kinuha ang aking atensyon kaya napatigil ako sa paglilinis ang aking kalat.

"Anong ginawa ko?" Pagmamaang-maangan ko.

Tuluyan siyang pumasok dahilan para makita ko ng tuluyan ang kanyang mukha. Sino siya? Sabrina Villamor. Vice President of School Council. One of the top students of this school. She may be pretty but then, looks can be deceiving.

"Not that answer again. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko." Sabi niya ng nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko siya sinagot bagkos ay binigyan ko lamang ng malaking ngiti.

"Madaming beses mo na'yang naisagot sakin, 37 to be exact." Muli niyang sabi.

"And how can you be so sure? Oo nga pala. Why did I even bother to ask. With that talent you have, you can' t be wrong." Nakangiti kong sabi ngunit tinitigan niya lamang ako ng masama. Kaya napilitan rin akong sumagot.

"Sige na, sige na. Tinakot ko lang naman siya, I didn' t harm him, kasi alam kong pagagalitan mo ako kapag ginawa ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Paano kung kagaya din siya nung huli mong pinagbantaan? Na nagsumbong sa akin at syempre bilang Vice President ng School Council, I have to act immediately at kayang kaya kitang patalsikin sa school na'to or worse, pwede ka pang makulong." Taas kilay niyang sabi sa akin. Masyadong nagmamalaki. Well, she have a right to do so.

"That's why we have a deal right? You protect me and my identity and I will help you." Nakangiti kong sabi. Kitang-kita ko ang inis sa kanyang mukha, napilitan lang talaga siyang makipagkasundo sa akin besides ako lang naman ang makakatulong sa kanya.

"But then remember that eventhough I'm the Vice President of the School Council, I have limitations.Take note, hindi alam ng President lahat ng ito at sa oras na malaman niya lahat ng ito. Hindi lang ikaw kundi pati ako ay malilintikan but still, I'm trying my best to do my part kaya sana tumutupad karin sa usapan natin."

"Ofcourse, kelan pa ako hindi tumupad sa pangako? Makakaasa kang ginagawa ko ang mga dapat na gawin ko." Nginitian niya lamang ako, aalis na dapat siya pero mukhang may nakalimutang sabihin.

"Anyways, bakit ka nga ba may phobia sa ingay?" Tanong niya. I can see the curiosity in her face.

"Wala akong phobia sa ingay, fear and hatred are two different things. So instead of using the word phobia, use hatred instead, because I'm not afraid of the noise, I just HATE it." Sabi ko but this time, wala na ang ngiti sa aking mga labi. She just nodded before leaving the room.

***

SABRINA

That guy is a total psychopath. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan matagal ko nang naisumbong sa pulisya ang mga pinaggagagawa niya dito sa school. He should be in jail right now but I can't do that, not yet. He's the only one who can help me after all.

Iba nga talaga ang tadhana, I knew that we met for a reason, and I was right. Unang kita ko palang sa kanya, I know he's not just an average person, I know that he's different, well, too different.

He surely was gifted. Sa sobrang talino niya, pwede na siyang ma-accelerate but he don't wan't to, mas pinili niyang itago ang talinong meron siya. His knowledge and potential is overflowing, but then, he's no match for me.

Talino lang ang meron siya, memorya ang panlaban ko. He's not a threat for me, atleast for now.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now