Chapter 19: Section War

35 1 0
                                    

Zac's P.O.V.

Nakabalik na ako sa classroom. Lahat sila ay mga nakaupo na parang malalim ang iniisip.

"Zac... Anong gagawin natin?" Tanong sa akin ni Jilbert na halatang natatakot pero hindi niya ito gaanong pinapahalata.

"Bakit sa'kin kayo nagtatanong?" Lahat sila ay nakatitig sa akin at umaasang tutulungan ko sila dahil alam kong kapag wala kaming ginawa... Iisa-isahin nila kami. "Noong humihingi ako ng tulong sa inyo, tinulungan niyo ba ako? Hindi dahil mga sarili niyo lang ang iniisip niyo!"

"Wag ka ngang mayabang! Sino bang may sabing kailangan namin ang tulong mo?! At saka papatayin ka rin nila. Mamamatay ka kung wala kami. Kaya namin ang sarili namin. Diba guys?" Sigaw ni Jilbert.

"Pero bakit parang walang sumasang-ayon sa'yo? Kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi ako magiging leader ng isang gang noon kung mahina ako. Bahala na kayo sa mga sarili niyo."

"Zac... Please?" Pagmamakaawa sa akin ni Ycezy. Tutulungan ko naman talaga sila... I just don't want the way Jilbert talk.

"Hindi mo kailangang magmakaawa Ycezy. Ang gusto ko lang naman, si Jilbert ang gumawa niya'n." Nakangiti kong sabi.

"Me?! Magmamakaawa? Never!" Nagmamatapang pa siya! Siya na nga ang tutulungan.

"Jilbert! Sige na!" Sigaw ni Prince sa kanya pero wala namang pakialam si Jilbert sa mga sinabi niya.

"Sige... Aalis na 'ko dahil mukang wala namang patutunguhan 'to." Sabi ko pero bago pa ako makahakbang... narinig ko na ang boses ni Jilbert.

"FINE! Please, Zac. Help us." Iimik din naman pala hindi pa kanina, nagtagal pa tuloy. Humarap ako sa kanila sabay tungo ng aking ulo.

"Sorry..." Sabi ko.

"Huh?" Nagtatakang sabi ni Ycezy.

"I just get carried away... Pasensya na sa ugali ko. Tutulungan ko naman talaga kayo. Hehe." Nakatawa kong sabi sa kanila. Matatawa talaga ako sa reaksyon ng mga muka nila kanina, masyado naman silang seryoso.

"Zac..." Tawag ni Ycezy sakin at...

"Ouch!" Napasigaw bigla ako dahil hinampas niya ako sa ulo. Ayan tuloy nahampas pa'ko. Ang sakit. "Naalog ata 'yung utak ko." Sambit ko.

"Dapat lang... Akala ko, muli na namang nagbalik ang dating Zac. You freak me out! Nagbago na tayong sampo, diba?!" Sabi ni Ycezy sa akin. Mali siya... Hindi lahat sa aming sampo ay nagbago na. Marami paring sekreto ang ilan sa amin na di dapat pakialaman ng iba, tulad ko. Nagbago na ba talaga ako?

Maya-maya ay isang ring ng cellphone ang kumuha ng attensyon na lahat. It's my cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Zhraine?! Nang makita ko na siya ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Hello?" Sabi ko. Iniloudspeaker ko para marinig ng lahat.

"Don't even think to hang up this call, if you do, she'll die." Isang pamilyar na boses ang gumulat sa amin. Kilala ko kung sino ito. Mukang gumaganti siya at tinutulungan ang class 1-A.

"Asan si Zhraine?" Tanong ko sa kanya.

"Bihag namin siya. At bago ko patayin ang tawag na'to, gusto ko sanang sabihin na maghanda na kayong mamatay... We're declaring a Section War. 9:00 ang simula ng pag-atake namin sa inyo be ready." Sabi niya sabay patay sa tawag. Hindi ko ganoong naintindihan ang mga sinabi niya pero base sa reaksyon ng mga kaklase ko... Sigurado akong masama ito and the problem is they have Zhraine. They can use her against us. Mukang magiging mahirap ito.

Battles Of The Gifted OnesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora