Chapter 25: What She Really Is

45 2 0
                                    

(Flashback)

  A month ago...

Zhraine's P.O.V.

Nakaupo na ako sa aking upuan at binabasa ang isang school news paper. Kalalabas lamang ng balita tungkol sa class 1-Z incident. Mula ng magsimula ang insidenteng 'yon pinagbawalan na kaming lumabas ng school. Naging parang mga preso ang turing nila sa lahat ng estudyante. Ngayon ay tinanggal na ang section na iyon at pinaltan ng class 1-S section, pinakamataas na section sa buong school. Sinunog ng isang estudyante na mula rin sa kanilang section ang buo nilang classroom kasama ang mga tao na naroroon. Labing isang estudyante lamang ang nakaligtas samantalang ang iba ay naging abo at namatay ng walang kalaban-laban.
Kinikilabutan ako habang binabasa ang mga nakasulat dito.

Ibinaba ko ang dyaryo at tumingin sa labas ng bintana. Ang tagal magsimula ng klase naiinip na'ko. Ang sarap sigurong mapunta sa pinakamataas na section. Lahat kami dito sa class 1-E, pinapangarap na mapunta roon pero tanggap na namin na imposible iyong mangyare, but still, I'm hoping that someday I'll be part of that section. I'll do everything.... EVERYTHING para lamang matupad ko ang aking pangarap.

"Tulong..." Isang boses ang aming narinig mula sa labas at sunod nito ay ang biglang pagbukas ng pinto. Gulat na gulat ako sa aking nakita at parang napako ako sa aking kinatatayuan. Si... Si teacher Ria, duguan.

Walang nagtangkang lumapit para tulungan siya, mga takot kami at 'di makagalaw.

"Tu...tulungan niyo siya!" Sigaw ng isa kong kaklase pero lahat kami ay parang walang narinig at nakatitig lamang kay teacher Ria. Maya-maya ay isa pang babae ang aming nakita sa may pintuan, nasa likod lamang ni teacher Ria. Napanatag ang aking loob ng makita ko ang babae dahil ang alam ko ay tutulungan siya nito ngunit hindi ko inasahang siya pala ang gumawa noon kay teacher Ria at pinagtatadtad niya muli ng saksak ang walang kalaban-kalaban naming teacher.

Naghari ang katahimikan sa buong classroom. Pumasok ang babae nang may hila-hilang isang bagay na parang kartilya, may laman itong mga baril, patalim, at kung anu-ano pa.

"A...nong...ginawa mo?" Nauutal na sabi ng aking katabi.

"Kailangan ko pa bang ipaliwanag 'yan? Hindi mo pa ba nakita ang nangyare? Baka gusto mong ulitin ko sa'yo? Bobo kasi! Anyway, I'm Haize Perez, at your service." Sambit niya.

"Sino ka para tawagin kaming mga bobo?!" Matapang na sigaw ni Maika.

"Hindi ba't mga E students lang naman kayo?! Gosh! Mga basura at tapunan lang naman kayo dito ng school!" Sigaw ni Haize.

"Sasabihin ko kung anong ginawa mo... Malalaman ito ng head teacher!" Muling sigaw ni Maika pero bago pa siya makalabas ng classroom at binaril na siya agad ni Haize. Natutula ako. Nagsimula nang manginig ang aking mga binti ng dahil sa takot, alam kong hindi lamang ako kundi lahat kami. "Sa oras na lumabas kayo ng pinto... Pasasbugin ko 'yang ulo niyo." Muli nitong sabi.

"Ano bang kailangan mo?" Matapang kong tanong.

"Gusto kong...... MAGPATAYAN KAYO HANGGANG SA ISA NA LAMANG ANG MATIRA." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niyang iyon. Tiningnan ko ang mga reaksyon ng iba ko pang kaklase at pare-parehas silang mga gulat. "Wag kayong mag-alala, ang taong matitira ay ililipat sa S section. Hindi ba't 'yon lang naman ang gusto ng mga basurang tulad niyo? Sabihin niyong hindi at aalis ako." Muling sabi ni Haize. Naglagay siya ng camera sa unahan at inirecord ang bawat galaw namin. Mukhang balak pa niyang ivideo kami habang pinapatay ang sarili naming mga kaklase. Hindi namin maitanggi ang kanyang mga sinabi. Tama siya... Iyon lang ang gusto namin, ang matanggal sa mahirap at basurang section na ito.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon