Chapter 14: Lipsticks

50 4 0
                                    

Zac's P.O.V.

Sa wakas, malapit ko ng malaman kung paano matatapos ang mga paghihirap namin ngayon at kung paano ko muling maibabalik ang dating Secret High pero bago ang lahat, sino nga ba talaga ang pumatay kina Jk at Lyra?

Tapos na ang oras para sa homeroom teacher pero wala si Sir Aizawa dahil sa'min. Naalala kong friday nga pala ngayon kaya pagkatapos ng homeroom class ay free time. Kanya-kanya sa mga ginagawa ang bawat-isa sa'min. Kinuha kong muli ang lipstick sa may bag ko, ang lipstick na nakita ko sa may dorm ni Jk. Isa 'to sa mga ebidensya. Tamayo ako at naglakad palabas ng classroom.

"Wait, Zac! Where are you going?" Tanong ni Zhraine habang nakahawak sa may balikat ko.

"Sasama ka?" Tanong ko rin sa kanya.

"Ok."

"Bakit bigla ka nalang nawala do'n sa dorm ko kagabi?" Muli kong tanong sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.

"Sorry Zac, bakit nga ba? Hindi ko maalala." Sagot niya. "Bakit mo nga pala natanong?"

"Nag-alala kasi ako sa'yo. Mahal kasi kita" Muli kong sabi sa kanya dahilan para mamula ang mukha niya at mapatigil sa paglalakad. Ano bang pinagsasabi ko? Shit! "Zhraine, sorry I didn't..."

"Mahal mo ba talaga ako? Is it true? Kasi mula no'ng gabing halikan mo ko, it's like nothing for you. Lagi kang may kasamang iba. And I saw it, you kissed that girl named Lyra, right? Ano ba ang halik sa'yo? Is it just just a way for you to say hi?" Bago ko pa matapos ang sinabi ko ay agad siyang nagsalita. Natahimik ako sa aking kinatatayuan.

"I don't love you because of that confession nor that kiss. I love you because I love you and that kiss... that kiss made me loves you more. It made me realize that you're the one. I really love you. How about you, do you love me?"

"Bakit hindi?" Sabi niya sabay ngiti. Ang ganda talaga niya. Namumula talaga ako dahil sa mga nangyayare. Matagal ko na siyang mahal at nalaman kong mahal rin niya ako nang magconfess siya sa'kin. My heart is beating fast! Di nagtagal ay nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan.

"We're here." Sambit ko. Andito kami sa may corridor sa tapat ng class 1-A kung saan natagpuang patay si Lyra. Wala na dito ang katawan niya pero nakakalat parin ang kanyang dugo.

"Anong gagawin natin dito?" Mukang nagtataka si Zhraine kung bakit kami nandito.

"Some important matters." Sabi ko sa kanya habang patuloy paring pinagmamasdan ang mga nakakalat na dugo sa sahig. Medyo lumapit pa ako para mas matingnan ko ng mabuti ang pader na puro may bahid din ng dugo, hanggang sa napansin ko ang letrang... "S?" Noong una, akala ko isunulat ito gamit ang dugo ngunit ng mapansin ito ni Zhraine sinabi niyang hindi ito dugo kundi lipstick, lipstick ang ginamit para isulat ito... "Teka, lipstick?" Napatanong ako sa sarili ko dahil sa pagtataka. Isang bagay ang bigla nalang pumasok sa isip ko, hinawakan ko ang kamay ni Zhraine at nagmamadali ko siyang hinila papunta sa may elevator sabay sabing... "Saan ba nilalagay ang mga bangkay na nakukuha dito?"

"What's up with that question? It's probably at the basement." Sagot niya. Bakas sa mukha niya na sobra siyang nagtataka. Saka ko nalang ipapaliwanag sa kanya ang lahat kapag nasolved ko na ang lahat. "Push the b1 button." Muli kong sabi at pinindot niya nga ang button papuntang basement.

"Ano bang nangyayare?" Tanong niya.

"Don't worry Zhraine, I'll explain it all later."

Nakarating din kami sa may basement pero bakit parang iba ang pakiramdam ko dito at parang amo'y bulok. Siguro dahil dito nga ang tambakan ng mga bangkay

Battles Of The Gifted OnesOn viuen les histories. Descobreix ara