Chapter 10: Joker

37 4 0
                                    

Zac's P.O.V.

You use me to play and sometimes You use when gambling. Im one of those rare cards with shapes, letters and numbers like the KING, but everyone hates me. Who Am I? I will die later.

Isang bugtong ang nakasulat sa isang papel na nakita ko sa aking bag.

"Ano 'to?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang papel.

Tapos na ang klase pero nasa classroom parin ako kasama ang aking mga kaklase. Agad kong ipinaalam sa kanila ang nabasa ko.

"Eto na naman." Sambit ni Dave.

"What is it?" Tanong ni Scarlette sabay kuha sa papel na hawak-hawak ko. "Well, I don't really care so I will go now, bye!" Sabi niya sabay tapon sa papel na agad ko namang kinuha.

"Ano ba Scarlette?! Kailangan nating masagot 'to para malaman kung sinong mamamatay mamaya." Sambit ni Yumi sa kanya.

Anong pinagsasasabi ni Yumi? Para malaman kung sinong mamamatay mamamaya?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang muling tinitigan ang papel na hawak-hawak ko.

"Hindi niyo ba natatandaan?! Gosh! Sa tuwing may mamamatay, may bugtong tayong nakikita."

"So?! Wala akong pakialam kung sinong mamamatay mamaya. 'Yon nga ang gusto ko na sana mamamatay na lang kayong lahat para... maka GRADUATE na ako." Sabi ni Scarlette habang naglalakad palabas ng classroom.

"Graduate?" Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko mapigilang matakot dahil sa mga pinagsasasabi nila. Ano nga ba talaga ang sekretong nagkukubli sa classroom na'to?

(Forward)

Maya-maya lamang ay magsisimula na ang Party at nasa dorm ko ako ngayon.

The Slaughter Party is about to start. Lock your doors or die. Enjoy!

At nagsimula na nga, nagsimula na nga ang party ng mga demonyo. Mula dito sa dorm ko ay rinig na rinig ko ang mga sigawan mula sa labas. Hanggang sa...

"Zac, Can I come in?" Isang boses ang pumunit ng katahimikan sa aking dorm.

"Teka! Zhraine?!"

Agad ko siyang pinapasok sa aking dorm at ni lock ang pintuan. Mukang masama ang kanyang pakiramdam pero bakit siya nasa labas kung saan nagaganap ang Party?

"Zhraine, are you ok?" Tanong ko sa kanya.

"I'm fine. Thank you."

"For what?"

"For being here with me." Sabi niya sa akin ng bakas ang ngiti sa kanyang labi. Ang ganda talaga niya. Mabuti na lamang at hindi siya natakot sa mga ipinakita kong asal kahapon.

"Always welcome, babe."

"Babe?! What the heck Zac?!" Natatawang sabi niya sa akin. She knows that I'm just joking. "You're such a joker!" Sabi pa niya sa akin.

Teka lang, joker? Noong narinig ko ang salitang iyon I realized something. Ang tanga-tanga ko! Bakit hindi ko agad naisip 'yon?!.

"Tama JOKER ANG SAGOT!!!" Sigaw ko na ikinagulat naman ni Zhraine. "Kailangan nating siyang iligtas dahil, Si JK ang sunod na mamamatay!"

"What!?"

"Stay here Zhraine! Babalik din ako."

"Ok."

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now